that’s precisely what i think pldt gave me a couple of weeks ago. they called us up (my FIL got the call actually) and told us that they’d be installing our internet connection within the next 3 days. so when my hubby told me about it, ecstatic naman ang malditang sarili ko. i was kinda excited. makakapag-blog na ako ng normal. mabibisita ko na ang mga nasa blogroll ko ng husay (na hindi ko nagagawa dito sa office).
but the 3-day period had passed. and until now, we still aren’t connected. i asked my hubby for pldt’s number so that i could follow it up (phone number A). when a lady answered, she gave me another number. and told me that follow-ups are done in the said number (phone number B). fine. called the new number. no one was answering. and because i was kinda busy at work, forgot to try to call again. in the next 5 days, i kept calling everyday. still, it kept on ringing. i even thought the lady that gave me the number must’ve given me a wrong one. grrr.
eniwei, tried calling them again today. got a surprise when after 2 rings, someone picked up the call. i waited for a few seconds while i was put on hold. maganda. here’s how the conversation went:
pldt guy: yes ma’am?
antuken: i’m following up our dsl application. a couple of weeks ago, someone from your office called us up and told us that we’ll be connected soon, in 3-days time, actually. but it’s been almost two weeks now and we haven’t seen any pldt guy.
pldt guy: sinong nakausap nyo mam?
(i got stumped there, i wasn’t the one who took the call)
antuken: wait, i’ll give you to my husband, i wasn’t the one who took the call (so give ko to hubby ang phone, he talked while i hovered).
pagkakita ko, he wrote a number on a piece of paper. narinig ko ang sabi nya…
mr. antuken: okei, tawagan namin ang number na to bukas to follow up. (then he hung up)
at anong number ang sinulat nya? phone number A. di ako nakatiis, tinawagan ko ulet ang pldt. lekat.
antuken: hi, i called a few seconds ago. nagfo-follow up.
pldt guy: yes ma’am.
antuken: you gave my husband a number to call kse. tomorrow. naman. that was the number i called a couple of weeks ago. and the lady there said na pag follow-ups ng dsl connection, dito ako tatawag. tapos ibabato mo ulet ako dun. ano ba talaga?
pldt guy: ay ganun po? eh, ganito na lang ma’am, tumawag po ulet kayo dito bukas and look for jeff. sya po kse ang makakasagot sa tanong nyo eh. holiday po kse ngayon.
antuken: ganun?!? fine. i’ll call again tomorrow. thanks.
sa totoo lang, magpipigil ako ng matindi bukas pagtawag ko. kse pag mamali-mali na naman ang sagot saken ng jeff na yun, eh matitikman nya ang mga talak ko. malakas pa naman ang boses ko. nawawalan lang kse ako ng gana. parang after i got married, nawala ang momentum ko sa blogging. dati kse, pagdating ko sa bahay, on agad pc. login sa WP. bloghop hanggang tawagin ako at kakain na daw ng hapunan.
andami ko pa naman gusto isulat minsan. di ko magawa kse panget ang pagload ng blog ko dito sa opisina. may websense kse.
nagbirthday ako’t lahat. gusto ko sana i-blog, di ko nagawa. wala kse akong kasipag-sipag mag-internet cafe.
excited pa naman ako magbirthday. 1st birthday ko kse ito na misis ba. ilang text ang natanggap ko mula sa mga kuya at pinsan, tita, etc. nagtatanong ng gimik. di naman ako makasagot agad kse i have no idea kung ano ba ang plano namin ni mr. antuken (besides, birthday din ng nanay nya the day after my birthday). tinext pa ako ng kuya ko na ilibre ko daw sila kahit pizza ang drinks na lang, ihahatid na lang nila ako pauwi. sumagot ako ng: baka magtampo ang mister at mga biyenan ko. so he replied back with: sige, sa sabado na lang.
paguwi ko, mejo traffic. i texted my hubby kung aabot ba ako sa mass (630pm). abot naman daw ako. sinundo nya ako sa kanto, at pumunta na kami sa simbahan. na sobrang tagal ng pinaghintay namin sa pari. ang dapat na 630 eh past 7pm na ata nakasimula. ayos lang sana. kaso ang pari eh yung tipong kinakanta pa pati mga linya lang —- meaning, mahaba ang misa. past 8 na natapos shempre. pumunta kami pizza hut at nag-take out na lang. dinala pauwi at kumain. di naman mashado kumain ang mga biyenan ko. pagdating kse namin, kumakain na sila.
pagkatapos, lumabas ako sa veranda. mainit kse. sumunod si mr. antuken. nasambit ko, “tara couples tayo.” (sa hindi nakaka-alam, ang ibig sabihin nyan ay mag dalwang boteng beer kami)
supalpal ako sa sagot ni hubby—”baket ngayon mo lang sinabi? sana kanina pa nung maaga-aga pa. sarado na ang tindahan eh.”
ampowta, mga alasnuebe pa lang yun ha. at andaming 7-11 sa lugar namin. isang traysikel lang mararating mo na. shempre, dahil supalpal ako. tumahimik na lang ako. napansin siguro na mejo badtrip ako, kaya nagsalita ulet: “bukas na lang tayo mag-couples.” di ako nakatiis (although, pinigilan ko talaga ang sarili ko) at nasagot ko ng : “hindi ko na birthday bukas.” (period talaga yan at hindi exclamation point)
tahimik lang kami pareho. after sometime, napansin ko nakakatulog na sya. so sabi ko, pumasok ka na at matulog ka na. ganun nga ang ginawa nya. ako sa sobrang sama ng loob, nagtext na lang sa kaibigan. ayun, nakiramay naman.
sooper tempted ako to go out alone. kaya lang ang iniisip ko, baka magtaka ang mga in-laws, kaya ayun, sa veranda na lang ako nagpalipas ng oras. at ng mga oras na yun ang paulit-ulit na dumaan sa isip ko : “sana umuwi na lang ako sa batangas”
i went to work the next day really frustrated. sabi ko nga sa friend ko the night before: “i think this is the most uneventful birthday i’ve had. except for the times na holy week ang birthday ko. would you believe ang highlight ng araw ko eh yung binigyan ako ng aussie manager ko ng isang chocolate bar?”
thank god for friends talaga. the next day buti na lang inaya ako mag-inom ng mga kasama ko sa trabaho. dun ko nilunod ang sama ng loob ko. sanay kse ako na kahit konti eh maginom pag birthday ko. sa mga panahon na holy week, dun lang hindi pero after ng holy week, nagce-celebrate ako kahit papano.
at ayan. dahil sa wala ako connection up to now, i feel stupid writing about something na nung isang linggo pa nangyari. haay.