was tagged by randomdemeanor. mejo parang hirap ako sa tag na ito kse weekly ang pagpapalit ko ng shift eh…
before:
1. gigising ka wala pang araw. uuwi ka wala na ang araw.
2. lagi kang ngarag sa office kse ang mga boss lagi ka tinatawag to do this or to do that eh hindi mo pa nga natatapos ang una nilang pinagagawa sa yo.
3. you could do your grocery shopping after work.
4. you eat dinner alone cause by the time you get home, everyone has eaten. and some might be asleep already.
5. nakakainis ang biyahe going to work, kse andami mo makakasabay. ang mga driver ng jeep tigil ng tigil kahit hindi naman pinapara. at talagang malas ka pa kung ang nasakyan mo eh yung tipong halos pumarada na sa isang stoplight naghihintay ng pasahero. grrr.
6. nakakapag-lfs ka pa with your other half kahit weekday.
7. nakakasama ka sa lunch-out with the bosses pag may mga bisita.
8. you don’t get to watch tv. kse pagdating mo, kakain ka na lang at pagkatapos tutulog ka na lang sa pagod.
9. i don’t get to see my family kse pag-alis ko tulog pa sila. pagdating ko tulog na rin sila. dahil sa lekat na traffic!
10. andaming beses ako kumakain. breakfast. lunch. merienda. merienda.dinner.
11. normal ang tulog ko.
12. i could go out and have a drink with friends or officemates pag friday night.
after:
1. angastos ko sa pamasahe. malimit kse nakakatulog ako sa biyahe pauwi. lumalampas ako. at nagdo-doble ang pamasahe ko.
2. i don’t sleep in my room. during daytime, my room is like an oven. hanga na ako sa kayang matulog sa kwarto ko pag umaga.i sleep in my mom’s room instead.
3. walang phone calls na iistorbo sa yo habang nagt-trabaho ka. wala kse ang mga boss. i get to be the boss during night shift. hehe.
4. meals ko: gigising for lunch (kung makauwi early), tutulog. gising to go to work. dinner. yun na. nakakalimutan kse kumain ng 11pm at 130 am. eat breakfast when i get home.
5. na-e-experience ko tuloy mag-inom ng umaga. as in minsan 4am ng umaga.
6. no social life. at all.
7. could do errands on monday mornings. punta ng nso to get birth cert., punta sa simbahan para magpa-reserve ng date, punta sa divi to buy stuff, etc.
8. ang weekend ko? natutulog lang ako pambawi sa puyat.
9. dumadami ang pimples ko. buti na lang, pa-isa isa lang sila sumulpot.
10. i get to watch tv or dvds during the day.
11. i’m cranky. kse bawal mag-ingay pag night shift ako at ang hirap kumuha ng tulog sa umaga.
12. lagi akong mukhang tanga. pag-alis ko kse ng bahay, may bitbit ako na jaket eh sobrang init naman. gagamitin ko kse pag-uwi ko sa madaling araw (yun eh kung hindi 12-hour shift ang work ko, na bihira mangyari).
13. pag-alis ko ng house naka-shades. ansakit kse sa mata ng afternoon sun. pag-alis naman ng office, naka-shades pa rin. mahapdi sa mata ang morning sun.
14. mas malimit ako mag-internet.
15. di ako makapag-skirt or anything mahalay na outfit. baka kse hindi kami ot (meaning i get out at 4am). baka ma-rape ng di oras. hehe.
16. wala mashado lovelife. unless night shift din ang antuken ko.
wala na ako maisip pa sa ngayon. eto na lang muna. hmmn… who am i tagging? hindi ko naman alam kung sino ang mga shifting ang work dito eh. wala muna siguro.



hirap naman ng sa inyo…palit palit ng shift..
sa amin kasi..hindi sana kami ililipat sa morning shift kung enough ang mga sits and stations sa ofis..kaso may panibagong batch na darating kaya..ayan..kelangan ibakante ang mga stations namin sa gabi pra sa kanila…
ok na din…gising na gising nako at nasa mood na magtrabaho..di gaya ng dati..wahehehe..
buti ala kang tinag…heheeheh
wala itong kinalaman sa post… gusto ko lang magthank you sa inemail mo sakin.. napakabait mo chona. pwede ba kitang kuning ninang sa kasal?
anong ninang sa kasal???!!!??? baka unatin ko yang naka-curlers mong hair! pwede mo ko kuning ninang… ng anak mo. pero ninang sa kasal?!? grrr… hehehe.
hello po nasubukan ko din yung pagpasok at pag-uwe eh di ko na nasisilayan ang araw lalo na pag ot ako. hirap. feeling mo palaging gabi.
add po kita ha.
thanks bruhilda. bisita ka lagi.
hmmm ako walang shift yung mga dati kong trabaho kasi naman 24 hours 7 days a week, walang hinto kahit asa toilet, hmp
ehem..shifting ba kamo? wait, kchat kta minsan d ba?:)
lalo na sa gabi. hahaha.