ansarap maging bunso. tapos puro kuya pa. ang feeling ko talaga sa sarili ko prinsesa.
at ngayong buwan nga, 2 sa aking mga kuya ay tatanda na naman ng isang taon.
late na ang post kong ito para sa kujules ko. hindi ko agad sya nagawan ng post nung mismong kaarawan niya. ikanga nila, better late than never di ba.
ang kujules ko ang tatay ng malimit bida sa ‘kids say the darnedest things’ posts ko (ay iilan pa lang pala yun) na si yohan – inaanak kong inglesero, na ubod ng daldal, minsan ansarap i-mute. non-stop talking talaga. to think na late talker itong pamangkin kong to. nasobrahan ata sa pepe ng baboy. eniwei, ang kujules ko mahilig magluto. at masarip din, kala nyo ba. pag nag-pakain yan sa bahay nya, may mga arte pa yan na ice cream na may fruits sa ibabaw tapos sisindihan at biglang magliliyab (flambe ata ang tawag dun). may i make pa yan ng cappuccino, after mag-dinner. mga tipong ganun. frustrated chef ata. hehe. may i tanim pa yan ng iba’t-ibang herbs na ginagamit nya sa pagluluto. minsan nga nagmall kami. sabi nya daan daw kami sa homeworld (di ako sure sa name, basta home section ng sm makati). nag-comment yan na okei lang daw na makulong sya dun. my same sentiments exactly, pagdating sa bookstore. hehe. ano nga ba ang fond memories ko sa kujules ko? naco, isa sya sa mga salarin ng paglalakad namin pauwi from school when i was just, i think 4 years old (at hindi malapit ang school sa bahay). kaya naman paguwi namin, silang 2 ng pinsan ko hagupit sa lolo ko. ako, walang natanggap. favorite apo ako eh. ikaw na. unang apong girlaloo after 9 boylet apos (hehe). too bad my lolo was taken away by the guy upstairs early. kung hindi, naco, malamang spoiled brat ako. bah. hindi ako spoiled ngayon ha. brat lang. hehe. si kujules, lagi yan napagkakamalan na girl, pagdating sa boses. sa radio, sa fone. pero susko, anlaking tao (ay mali, antaba pala). madaling uminit ulo nyan sa trafik. asahan mo, pag trafik, hinding-hindi mo yan mapapakiusapan ipagmaneho ka. or sunduin ka. kesehodang mabigat ang bitbit mo. mag-cab ka na lang daw. sus. ampanget ng sulat ng kuya kong to. kaliwete kse eh (although may mga friends naman ako na lefties pero maganda handwriting). malamang dun sa writing class, tulog to lagi. napaka-banidoso. daig pa ako. nagpapa-facial pa yan ha. minsan sinabihan ako na magpa-facial din daw ako, while waiting for our mudra na nagpapa-facial din. makakatulog daw ako sa sarap. lekat. anong makakatulog. eh sobrang low ng tolerance ko for pain, anong tulog ang magagawa ko, gising na gising ang diwa ko at halos maiyak-iyak pa. kaya’t ang unang facial na yun, yun na rin ata ang huli. atleta ito. football varsity nung hs at college. at ngayon pa-champion champion pa sa badminton nya.eniwei, to my chef/sportsbuff/HB kujules, belated happy birthday. ang gift, next time na ha. lam mo naman, major nagtitipid ako ngayon. labyu.
ang isa pang kuya ko na magbi-birthday, ay ang panganay na si kuya jayvee. ngayon ang birthday nya actually. hindi nga ako makaka-attend ng birthday pagimik nya later (kse may work ako). sabi pa nya, dapat daw next year na lang sya maghanda at hindi ngayon. ang comment naman ng isa kong pilyong pinsan: ‘aba, hindi ka dapat nagpapalagpas, malay mo huling birthday mo na to, hahaha’
etong kuya ko na to, sus, sobrang kaaway ko to nung bata pa ako. fond memories ko sa kanya? susko, hinawakan lang naman nya ako sa leeg, sabay binalibag. sabagay, bastos din naman ako nun at sinagot ko sya. feeling ko nung hs ako mortal enemy ko to. sinasabi ko talaga na pag namatay na ang mga magulang ko, hindi sya pwedeng iwan saken kse lagi nga kaming nagc-clash. ganun katindi ang hate ko sa kanya before. ngayon, siguro dahil 2 na lang kaming anak na natira sa bahay, chummy-ing- chummy na kami. pareho kse kaming kuripot. hehehe.
susko, pamula nung nabulag tong kuya ko na to, sobrang nahumaling sa radyo. anghilig makipag-debate. tungkol sa mga bagay bagay sa mundo. pero ano ka, sobrang sipag nyan. sya naghuhugas ng pinggan, after namin kumain. katu-katulong ni yaya lagi (nakikiyaya lang ako, yaya nya talaga yan). si mr. kalikot. ang hilig magkakalikot ng sirang tv, sirang electric fan, sirang kahit ano. mahilig mag-inom. sya ang wise person na nagsabi saken dati (nang malaman nya na sinusundot ko ang lalamunan ko after ng toma session para walang hang-over the next day) na para walang hangover, siguruhing nakainom ng maraming tubig bago matulog. siguruhing wag mag-iinom ng walang laman ang tiyan. at hinay-hinay lang sa pag-inom (pacing kumbaga) para hindi mabilis malasing. ngayon, chummy galore kami pang-o-okray. ng kung anu-anong bagay. hahaha. malimit nito napapa-iyak ang nanay ko. brutal kse magsalita minsan. palagay ko, kung di sya nabulag agad, malamang marunong na ako mag-drive ngayon. sya lang naman ang nagturo saken magpalit ng flat tire, bulag na sya nyan. ang isa pang funny anecdote ko: anlimit namin magko-comment ng “kuya tingnan mo ang pinaggagawa ng pinsan mo” or “nakita mo yung ginawa ng nanay mo?” na ang mariin nyang sagot “hindi, bulag ako eh!”. hahaha. to my kuya beho/kuya kj/kuya tomador/kuya jayvee: isang maligayang kaarawan. nawa’y hindi ka malasing mimya. labyu.



happy beerday sa ma kuyas mo..hehe! pamilyang makulit din pala kayo…
di lang makulet. ubod ng kulet. hehe. thanks.
ako gusto ko ring magka kuya– kaso mo ako panganay e mabuti na lang dami kong makukulit na kuyang mga pinsan, hehe… happy birthday kamo. oops, yan ang hubs ni rach di ba? teka, mag blog din pala ko kasi na miss ko rin ang bday nung bunso kong kapatid, hayyy…
yup. yung kujules ko ang hubby ni rach. ako naman gusto ko magkameron ng ate… ate kengkay? pwede di ba? hehehe.
Happy birthday to your kuyas! Buti ka pa may mga kuya…
masaya at masarap magkakuya jovi.
happy birthday kina kuyas!
salamat!
hmm, sempre naman
Sana may kuya din ako. hehehe
Ako ang ate sa aming dalawang magkapatid pero parang may kuya pa din ako kasi mas marunong sa buhay at responsable ang nakakabata kong kapatid.
Nakakatuwa naman itong post na ‘to. Ipapabasa ko nga ito kay Jules at siguradong matatawa yun.