long weekend
April 19, 2008 by antuken
haay. bihira ko na ma-experience ang long weekend. kalimitan kse 6-day workweek kami. buti na lang holiday daw ang monday dito sa lugar namin. baket? celebration ng cityhood. 7 years na daw na city ang bagong siyudad na tinitirahan ko ngayon.
ansarap umuwi sa batangas. mejo may kainitan kse ang bahay na tinitirahan ko ngayon. plus, summer pa. ramdam na ramdam talaga. buti na lang may pool/swimming party akong pupuntahan tonight. despedida ng friend ko na nagwo-work sa dfa. she’ll be posted in brussels ata (if i’m not mistaken).
tomorrow naman bithday celebration ng pinsan ko, asawa nya at daddy nya. triple treat kumbaga.
sa lunes, plano ko sana pumunta ng sss to have my id pic taken. kaso mo kasama rin pala sila sa holiday. tsk.
nakakatawa. ilang buwan ko pinagkahintay-hintay ang dsl connection namin. last weekend pa kami nagkameron. pero nakapag-post ba ako kahit isang post the past week? deins din. sobrang toxic sa trabaho, na pagdating ko ang gusto ko na lang gawin eh matulog. i even got sick the other night. paguwi ko, nagtext agad ako kay mr. antuken if he could pick me up dun sa kanto pauwi sa bahay namin. mabait naman at sinabing sige daw. hala, paguwi, direcho kama na ako. sinabi ko sa kanyang kunin si thermometer. at ayun, pagkatapos ng ilang minuto, sinabi ni thermometer nilalagnat nga ako.
sobrang gusto ko nang uminom agad ng paracetamol. si hubby, pinagbawalan ako. baka daw nakabuo na kami e. wag daw ako mag-take. sabi ko: di ba ang biogesic ay safe even for pregnant women (sabi sa commercial). sabi nya, kahit na daw. kaya ang ginawa nya pinagluto ako ng sopas, pinainom ng vitamins at pinatulog. sweet ano.
kahapon nga paggising ko, tinatamad ako pumasok. sumagi sa isipan ko na valid naman if i call in sick, kse mejo may sinat pa ako. kaso mo, alam kong tatambak lang sa martes ang trabaho kung ipagpapabukas ko pa. kaya bumangon ako at pumasok. when i got to the office, maayos naman na ang lagay ko.
buti na lang di ako umabsent. nanlibre kse yung mga taga warehouse dep’t. nanalo kse sila na 6S winner. dapat inuman yun. dahil we’re trying to make a baby, di na ako naki-inom. umorder na lang ako ng halo-halo at nakikain sa food nila. hehehe. they specifically invited me. uuy, isipin nyo naman feeling vip ako. hindi. ako lang kse ang auditor nung nanalo sila. hehehe.
ang masaklap mo pa ngayon, na-issue-han na ako ng phone sa work. so meron na magbabayad ng phone bill ko pag-text at pagtawag sa mga tao ko at mga boss ko. yan ang upside di ba? ang downside, ano? well. i’m now on call 24/7. nyaay. parang ansarap isoli ng pribilehiyong ito. hehehe. sabagay my boss specifically told me naman na it’s not a privilege but a work tool.
lastly. feeling kinda sad. kse we had to issue memos to 5 people who aren’t performing well for the last couple of years. the management has decided to impose the policy regarding performance management (implemented nung 2006). at ngayon 5 people are ‘on watch’ for the next 6 months. ang sabi pa dun, any form of DA kesyo minor or major, the company will be compelled to decide on their employment. heads up na yun para sa kanila kumbaga to turn-around. madali lang naman kse makakuha ng magandang performance rating. pumasok ka lagi, magtrabaho ng tama. ewan ko ba sa 5 pasaway at baket sila eh hirap kumuha ng magandang rating. isa pa naman sa pinaka-ayaw ko sa trabahong to eh ang nagbibigay ng memo or DA. sus.
eniwei, looking forward to our gimik tonight. sayang di tuloy ako makasama sa eb ng GP. next time na lang. ![]()


sarap mo, bakasyon. i hope you’re okay now. at kwentuhan mo kami sa gimik mo tonight.
Sana maigi na pakiramdam mo. Naku, sana nga malapit na magkapinsan si Yohan.
Congrats sa DSL connection.
See you tom. Di lang nga kami makaka stay ng matagal kasi “lagare” kami tom, may party pa kami Greenhills then meet pa kami brother ko afterwards.
Oy sino ang bibigyan mo ng memo? wehe
haay naco joe, eto ang part na ayoko sa trabaho… 2 sa packing, 2 sa filling at 1 sa ster… consecutive years kse na poor performance eh… yan tuloy… tips nga on how to be a good boss… balita ko kse you always kept them in line nung time mo… ako hirap… hehehe
Tip? Be semi-machiavellian hehehe.
waah! sabi ko pa naman ayoko maging machiavelli! hehehe. pero mukhang ganun nga ata dapat… a little… hehehe.
========
========
IF YOU NEED A BLOG, DONT FORGET TO SEE HERE: http://www.leoxa.com/
(The themes is so beautiful & also able to place adsense)
========
========
many people have moved from other blog to Leoxa.com blog because the themes is very beautiful