social security system —- s*cks big time!
May 8, 2008 by antuken
early monday morning, at around 430 am, gumising na ako. sinabayan ko si hubby (his sked was 6am) ng gising. habang naliligo sya, pinagluto ko sya ng breakfast (yan, feeling wifey na talaga ako! hehehe). and after he left, i prepared na rin kse pupunta ako ulet ng sss lipa. night shift ako this week, kaya pinlano ko asikasuhin yun.
got at sss lipa around 7 am. i asked for a number for id capture from the guard (who was not the imbiernang guard from the previous post). nung nakita ko na number 10, natuwa ako. kse ibig sabihin, hindi ako magtatagal. naghintay kami for an hour bago kami papasukin (office hours are from 8am-5pm). they called in the ones with numbers 1-20. pasok agad ako. upo near the id capture booth. while waiting, i brought out ‘love in the time of cholera’ book that i bought a couple of months ago (hindi ko pa nababasa hanggang ngayon!) and started reading. nagambala ang pagbabasa ko…
830 am…
sss ojt: hintay hintay lang po tayo ha. wala pa po ang naga-id capture. 9 am pa po kse sya pumapasok. (pagkarinig ko nito, mejo na-HB ako agad, lunes na lunes, ke aga-aga)
antuken: what? 9am? why does it say “ID CAPTURE 8AM-6PM” there? (sabay turo sa poster na nasa wall) yun pala 9am pa dumarating yung nag-aasikaso nyan! eh di sana nilagay nyo dyan na 9am-6pm!
sss ojt: oo nga po ma’am. pero minsan po pagka may bakante at hindi busy, meron din po nag-id pag 8-9am.
antuken: which is next to impossible! everyday, early in the morning, pumipila na ang mga tao dito. shempre, 1st hour busy everyone! dapat pinapalitan nyo yang poster nyo.
sss ojt: kung may reklamo po kayo ma’am, dun po kayo sa boss namin magsabi.
antuken: o sige, asan ang boss nyo?
sss ojt: hindi pa rin po dumarating.
antuken: ano’ng pangalan nya?
sss ojt: yolly po.
antuken: yolly what?!?! i need a surname.
at this point, iniwan nya ako. inisip ko, bastos. yun pala nagtanong sa kasamahan.
sss ojt: lantin po.
antuken: boss mo, hindi mo alam ang pangalan! fine, yolly lantin.
bumalik na ulet ako sa pagbabasa.
930 am - hindi pa rin nags-start. meron na ibang tao lumapit sa counter at nagtanong. at yung isang matandang girl dun sa loob (whom i later found out eh si bossing yolly lantin pala) nagtaka at sinabing, maghahanap daw sila ng substitute at hindi pa pala dumarating.
10am - nagsimula na…
sss ojt: number 1
antuken (to self): yes! 9 na lang!
nagtawag sya ng nagtawag… hanggang… number 6? number 7? tapos biglang ang tinawag nya mga names ng girls… nagtaka ako. kse numbers ang tinatawag, tapos biglang names? nakita ko, meron isang matandang lalaki (who looks like a lolo) na umuna. fine, pagbigyan, kse baka sakitin. tapos name na naman ng girl ang tinawag…
antuken: excuse me. di ba numbers ang tinatawag mo kanina? baket ngayon mga pangalan na ang tinatawag mo? parake pa at nagpapa-issue kayo ng numbers sa guard na pinupuntahan namin ng ke-aga aga tapos tatawagin nyo rin naman pala ang gusto nyo? (mejo mataas na nga pala ang boses ko neto ha)
natigilan si sss ojt. the other ojt snickered. parang nagsi-signal na: hala ka!
imbiyerna kse di ba. ang ginawa, tinawag si number 9. tapos ako na. dahil imbiyerna ako a few moments before, feeling ko tuloy swanget ako sa piktyur. yaan mo na. at least nakuhanan. while my pic was being processed, sinasabi ni cameraman kay sss ojt na: tawagin mo na yang mga pinapatawag ko. lekat. eto pala pasimuno. si sss ojt shempre, hindi maka-imik. andun pa ako e. after ko, i was sooper tempted to go to mrs. lantin and complain about the guys sa id capture. sobra! kaya lang naisip ko, baka i-delay nila ang pag-process ng id ko. matagalan pa. kaya umalis na lang din ako. i learned rin pala na yun palang number 1 sa id capture eh before 5am ata pumila. grabe di ba! iniisip ko pa, grabe, pano pa yung mga nakapila sa verification. when i got there at 7am, kita ko ang number sa verification 73 na. bago pa sila ma-verify, tsaka pa kukunan ng id pic, na i’m sure hindi nila matatapos that day. asa pa. late na nga nag-start eh. may mga special cases pa na inuuna. kasuya.


May part 2 pa pala ang sss escapades mo ah… Pinapakita lang nito na ang ‘corruption’, kabulukan at ‘mismanagement’ sa Pilipinas ay hindi lang sa mga nakaupo sa mga matataas na posisyon sa gubyerno… Kakasawa na! Hindi talaga ‘customer service-oriented’ ang SSS… samantalang ang kuntribusyon naman nating mga ‘customers’ ang bumubuhay n’yan.
precisely! yan nga ang gusto ko sanang sabihin sa kanila ano… kaya lang, tama na yung katarayang idinisplay ko. hahaha. sabi nga ng mga tao sa pkg, nung nagkwento ako, baka daw buntis na ako kaya ako masungit… how i wish! kaso i’m sure na hindi pa e…
Government emplyoees at its finest..aejjeje…dapat dyan kasi pinasabog mo na ang sss..ako yan todo hubad na ate tapos maghuhumerentado..lols.
miss u ate chona!tagal kong indi nakapunta dito…buti at alam ko pa ang way.lols
hmp… ganyan ka… di mo na ako binibisita… busy siguro sa mga chicks mo… hehehe
napadpad lang po dito sa kaka bloghopping. kakatuwa naman magbasa sa blog mo. hehe.. ganya talaga sa mga gov’t offices nakakairita! hayblad ang abot mo kaya laging magdala ng catapress. lols!
thanks at nag-enjoy ka. bisita lang lagi dito. hindi ko rin maintindihan baket kairita talaga ang mga gov’t offices. i’ve had one lousy experience with BIR before also. hindi pa ako nagb-blog. catapress reminds me so much of my lola with hypertension!
ayuf ever naman yan! hahaha! and to think na pag-uwi ko, apply ako nang LOVE, aka PAG-IBIG, ganun din ba ang aabutan ko dahil mag-titili ako! grrrrr!!!
naco, i wish hindi ganyan sa LOVE. although, seeing/hearing you na nagtititili, parang gusto kita samahan! hahaha…
buti na lang may kakilala kami na sss employee..ahehe! sandalian lang yung pagpapa id ko dati
ganyan talaga mga govt employees kadalasan makikita mo nagchichismisan lang yung iba petiks talaga..ambabagal kumilos eh buwis naman natin ang nagpapasweldo sa kanila. grabe!
naco, kung talaga ngang biatch ako, pinamukha ko sana sa kanila na yung ino-ot ko ng sabado, at minsan linggo, eh sa kanila lang napupunta ano! (read: halos lahat ng OT pay ko sa tax napupunta, waaah!)
putang ina nila.
o ayan, quits na. ^_~
ahahaha. cute.
hahaha, sorry hindi ikaw pinagtatawanan ko kundi ang aking pinas — until now e palakasan at kumpare system pa rin. at si lolo, kasi ang alam ko kapag senior citizen hindi dapat pila e, dapat may extra counter sa kanila kaya siguro sya nauna. kaya nga sa ganyan, si tatay ko ang pinapaayos ko kasi mas madali talaga, pagkatapos bigyan ko lang sya ng pang jollibee, ahahaha
kaya nga dun kay lolo hindi naman ako talaga na HB, dun lang sa iba. labas na labas talaga ang katarayan ko dito! eskandalosa! hahaha.
nakow! maangal din ako sa mga ganyan. makulit din ako sa pagrereklamo lalo na pag hayagan ang favoritism. parang nai-imagine ko tsura mo sa mga eksena dun sa SSS.
kaya ayaw ko naglalakad ng papeles dito sa manila kasi ang hahaba ng pila. pagsakay nga lang sa taxi eh kelangan nakapila pa. pag sa bangko naman…dedeposito ka na lang aabutin ka pa ng siyam-siyam. hayysss..
to think, sa batangas yan sexy mama! haysus. quehorror experience… hehehe
Ive applied for my SSS ID last November 2007, ngayong May 2008 na, wala parin hanggang ngayon ang ID ko. Sabi may system maintainance daw. MGA PUTANG INA NILA. ANG KAKAPAL KUMALTAS NG PERA SA SUELDO NG SAMNAYANAN PERO BULOK NAMAN ANG SERBISYO. MGA BASTOS PA ANG MGA GUARD AKALA MO KUNG SINONG MATATALINO. Sana naman may magawa silang paraan dito.
korek! pero follow up mo na sa sss id mo… sabi kse nila 5 months daw di ba? thanks for dropping by my blog.
5 months na ba? ako kasi nun 2 months lang mga year 2003 pa nun… grabe naman yan, isumbong nyo yan sa central SSS…para nabibigyan ng exam ang mga yan…
yung 1st ID ko, mabilis lang din… pero even then ang sabi rin ng sss eh mga 5 months daw ang processing. sinabi lang siguro nila yun para hindi violent reaction agad pag na-delay. hehe.