eversince i could remember, every year, in May, ang angkan namin ay umaakyat ng bundok para magsimba sa antipolo. at every year sa tuwing sisimba kami, lagi akong may nakikitang kakilala. kaklase, ka-nayon, etc.
buhay pa ang lola ko, parang ang naaalala ko eh sinasabi na panata na daw namin yung magsimba. maagang gigising. may mga binalot na pagkain. kalimitan adobo, kaning nakabalot sa dahon ng saging, itlog na maalat, tinadtad na manggang hilaw na may bagoong. inihaw na kung ano, isda o liempo. pagkasimba mamimili ng kasuy, suman at manggang hinog. tapos magpi-piknik sa hinulugang taktak. yun marahil ang nakaka-miss. ang pikinik. kumbaga, tamad na kami mag-prepara. ang ginagawa namin ngayon eh after magsimba, bababa ng bundok at kakain sa labas. nung mga nakaraang taon, either market! market! or somewhere in libis or ortigas area.
di ko rin maintindihan kung baket laging andaming taong sumisimba sa simbahang ito. lagi na lang puno. hindi ka maka-upo. ang nangyayari, darating kayo in the middle of a mass. hihintayin matapos (nakatayo) at pag oras na ng communion, dun pa lang makaka-upo. at ang susunod na mass ang parang serious mass na papakinggan mo.
nilo-look forward ko rin ang biyaheng ito na ginagawa namin. baket kamo? masaya kse. all the time yung pamilya namin at pamilya ng kakambal ng nanay ko, magkakasabay lagi sumimba. noon mga bata pa kami, kasya pa sa 2 sasakyan. ngayon na matatanda, ang iba’y may mga asawa’t anak na, ganun pa rin kami magsimba. yun na nga lang di na kasya sa 2 sasakyan. unless rumenta kami ng van. hehe.
this year, after the mass we went to greenhills naman. at dun kumain. ang mga susunod na litrato ay inaalay ko sa pinsan kong si kirby, na talaga namang miss na miss na namin. butot, mainggit ka sa mga kinain namin. libre nga pala ito ng kuya keats ko…
at shempre, dahil libre, mas masarap di ba. after ng greenhills, nagpunta kami ng cartimar. niloko namin ang aming pamangkin na ang pupuntahan ay ocean park of cartimar. hahaha. parang baliw ng makababa ng sasakyan nung nakita ang iba’t-ibang klase ng pets na binebenta’t naka-display. different kinds of fish, love birds, puppies, corals, at kung anu-ano pa. nagtagal din kami kse namili ang kuya ko ng mga love birds. mahilig nga pala sa dogs at love birds ang mga kuya ko. bago pa kami umalis, our nephew was begging us to “please stay some more”. ansarap panoorin ng pamangkin ko na talaga namang amazed sa mga nakita nya. habang nasa daan pauwi, sinasabi pa nya na “let’s go back. please.”
buti pa pag bata ano, simple lang ang buhay.








yup! masarap talaga ang libre! ahehehe…
talaga ka naman. pag nasa office nga, during merienda, yung kasabay ko oorder ng pancit canton. pag nakikihingi ako sa kanya masarap. pero pag ako ang nagpaluto, hindi. weird. hehehe.
for the info of the readers, ako nga pala si kirby… the guy mentioned on this blog hehehe… and yeah thats 1 thing i miss too. its only in the month of May that we visit this glorifying holistic place. all the food mentioned here are true. we really bring lotsa food that i think everybody in our barangay could still share. haha… i miss the suman, casoy that we always ask who had the best bargain, but then share everything when we all get home. hmm… antipolo… yeah i noticed too that everytime we go there we always bump into some of our friends or relatives. before when i was still young, there was this thing called “pasabit” that when you walk towards the church there are people outside hanging pins on me and they ask for donation or something like that. haha i was really scared during that time. what else… hmm… i miss the ride in the toyota tamaraw!!! hahahaha coz sometimes we can all fit in that ride. with all the food on floor and dahon ng saging . well, there are two things i treasure most. first is my family kasama na kayo dun chona and that great bond that our family has. if you’re curious to what im saying, just ask any member of our family. try to talk with them. spend time or a weekend with them. youll see what im talking about. grabe parang ako ung may blog ah… hahahaha may space pa ba? nawala antok ko!!!
butot! you posted a comment! hahaha. abangan mo pa isa. meron pa. sabi mo kse mag-post ako pics eh. langya, napadpad ka lang sa tate, talagang nosebleed na ang comments ha. hahaha. oi, yung bilin kong so pink ha! walang katapusang ipapaalala ko yun sa yo! hahaha. nagda-dalawang isip pa ako sa laptop… hmmnnn…
sarap naman nung piknikan na ganun…nakabalot sa dahon ng saging ang kanin para mas may dagdag sarap galing sa katas ng dahon…ang pinakamasarap na parte dun ay ang pagsasalo-salo nyo sa mismong dahon ng saging, nakakamay at walang plato-plato… mas may bonding…
miss ko na rin ang mga ganyang moments…
naco, mahilig kaming kumain talaga! hahaha.
masarap nga pong mamasyal dyan sa antipolo. madami ring suman at iba’t-ibang kakanin.
off-topic: may pm po ako sa inyo sa GP forums.
dear, may reply ako dun sa pm mo.
magnda dyan sa simbahan ng Antipolo dati nga eh nag aalay lakad pa ko from Marikina papunta dun..andaming tao tapos andaming bubuntot sayong negosyante..grabe sila ang kukulit.
sarap talagang kumain sa dahon ng saging nakakagana. ayos rin yung Cartimar trip nyo ah! gusto ko ring pumunta run kasi nga kilalang bentahan ng pets na mura parang Aranque market. pano ba pumunta dyan?
naco, san ka ba mangga-galing. malapit lang kse yun sa buendia/taft eh. ay, may caroo ka nga pala di ba. from buendia/taft (kung tipong pa-roxas blvd ka ha), andun sya sa left side, so bale mag-u turn ka ata kse di naman pwede mag-left eh. tapos meron ka kakanan-an. pero di ko tanda san banda eh. i’ll tell you later! siguraduhin ko muna kung tama ba binigay kong directions. hahaha.
masarap ang kasoy sa antipolo!
oo nga. nung nanggaling kami ng palawan, sabi ng mga tao, yun daw ang isa sa mga popular na pampasalubong nila. pero, mas masarap pa rin yung nasa antipolo.
thanks for dropping by.
hay, dati ganyan din kami, umaakyat sa antipolo – pero bakit walang nanlilibre dati sa green hills, hehehe
yan, di ka nabiyayaan ng ubod ng generous na kuya. pinalaki kse kaming generous ng nanay ko (although, mejo sumablay ata saken kse kuripot ako e, hehe)…
Bigla ako nagutom sa mga food pics. Shet!
hahaha gd kaya masarap kasama pamilya ko. puro pagkain ang hilig. hihi. nakuha ko na cam ko.
sarap namn ngmga pagkain na yan sa antipolo dapat andyan ako sa antipolo kung tinaggap ko sana yung inaalok na maging teacher ako
hehe, actually sa greenhills yang pagkain na yan.
butot! puru makan bito yo ergo kanyaw.. mangidang kape kaw
sarap..
ehehe, di ko ata naintindihan comment mo.
Hi lovely site you have here.. would like do a link ex with you? please let me know at my blog:)
kamot ulo.. ewan ko kung engot lang ba talaga ako.. from antipolo, nagpunta kayo ng greenhills?? tapos cartimar..
kung ganun nga, ayan ang tunay na adventure..
pasensya na ngaun lang ako nakabisita.. ngaun lang ako nakapagblog hop sa wordpress..
ayz here..
haha, hindi ka engot. ganun nga ang ginawa namin. plus we came from batangas pa ng lagay na yan ha.
Tama nga, lalong naging masarap ang kinain natin kasi libre. Favorite ko yung sisig at kare-kare.
Masaya din ako lalo na at nag enjoy ang aking si koloks.
ako sisig din! at ang mabilis naubos na chicharong bulaklak! parang dinaanan ng bagyo!
andyan ang aking mga relathieves sa antipolo ateng! one place i really love there is yong Padi’s Point kasi overlooking the looking over at ang ganda mag-emote pagka gabi with your lovey lovey hehehe
hoy! nag vote ka na ba ki badoodles? kundi pa, bigyan kita nang babolgam boto mo lang ako! harap harapan na to ateng! hehehe! kundi ayoko na maging babae! hahahah
ahahaha. crammer ako reynz! at the last minute ang pagboto ko. wag ka mag-alala, matatanggal ka lang naman sa listahan ko kung may mag-bid ng mas mataas. hahaha. we enjoy eating at Padi’s also. kaso mo, every year, we try to eat at different places. kaya nakarating na kami ng greenhills. hahaha.
May kaibigan ako sa Antipolo, dinala kami sa Hinulugang katakataka, hindi na Taktak. Sayang, ito pa naman ang nasa awiting, Tayo na sa Antipolo. Napakadumi ang tubig. Polluted na ang lugar na dating paraiso. Kalbo na at puro mga naglalakihan nang subdivision ang dating magugubat na lugar.
oo nga. the last time we went there mga 4 years ago ata yun, sobrang ibang-iba na ang lugar. we ended up going somewhere else. thanks for dropping by my blog!