about 2 weeks ago, nag-try si hubby i-on ang pc… nagulat. ayaw mag-on ng monitor. eh saktong kakabayad ko pa lang ng last installment plan ng samsung lcd monitor na yun. inis ako shempre, kse i can’t do the normal visiting ang bloghopping that i do. pero keri, kse very toxic naman at work e. pag-uwi ko eh talagang bulagta sa kama na ang drama ko.
the next day, i called the store where i bought it from. dalhin ko lang daw dun at iche-check nila. eh sa festival mall pa yun. so i asked my kuya if i could borrow the car the next day. para, after work eh dalhin namin ni hubby. pumayag naman.
saktong, late na ako nakalabas ng planta the next day. nag-worry pa nga ako na baka magsara na ang mall pagdating namin dun. pero umabot naman kami. binigay ko ang monitor kay saleslady. she tried it. at ang sabi saken: “ma’am, confirmed. blackout po.”
kung di pa ako nagtanong, eh di nya ata ie-explain saken. meron daw talaga ganun nangyayari paminsan-minsan. i asked her if they get that often. ang sagot? mga 1 in 10 daw. aba, hindi ba’t mataas na rate yun? 10%? so sabi ko, hindi pala advisable bumili ng samsung lcd, ganun? hindi naman daw yun. kahit anong electronic gadget naman daw may mga bumabalik sa kanila. noon nga daw yung redfox na motherboard eh sa 10, 6 ang bumabalik. aba, kung sa palagay nya eh pampalubag loob yun, nagkakamali sya.
eniwei, when i asked her what will they do about my monitor, ang sabi eh they will send it back to samsung daw. samsung will check, and if parts are available, mga 3 weeks daw gawa na monitor ko. huwaat?!?!? 3 weeks? 3 weeks na walang online life? kaya ko kaya? well, wala akong choice.
at ngayon, eto nagt-tiyaga ako sa laptop ni kuya, ay mali, notebook pala. anliit. paulet-ulet ako sa pagt-type kse sumasabit yung keys sa fingers ko. hindi naman malaki ang mga daliri ko, ewan ko ba kung baket hirap ako. pero di ako sanay sa laptop eh. anliit ng screen. eh from 17″ wide ba naman mapunta ako dito sa almost 6″ lang ata, naco, naduduling ako.
wish ko lang, wag muna kunin ni brotherhood etong notebook nya. haay. nakaka-1 week na akong walang monitor. 2 weeks to go…



uuy notebook!! ang cute-cute nyan.
meron kaming ganyan dito sa office, na-tempt kaming bumili only to find out na kelangan din pala eh yung mga daliri mo eh dapat sinliit nung kamay kay MAHAL (o mura) para makapagtype. pero ok na rin. nagulat lang talaga kami sa kaKYUTan nya. napasigaw nga ako non ng ASUS! anliit naman pala talaga! (utot)
sakto! my sesntiments also. cute kung cute pero, ang hirap talaga… hehe.
Naku Chona, ganu na ba katagal yung PC nung nabili nyo?? Kung wala pang 1 week dapat nagdemand ka ng replacement… Kasi sobrang tagal ng 3 weeks na repair… tsk tsk….
when i called them up to report it, 1 day short of a year na sya… buti kamo pasok pa sa warranty. muntik na di ba? pero sooper hassle kse i have to go to alabang pa ulet to get it when it gets fixed…
Ang tagal ng 3 weeks. Siguro naman wala ng service charge yun. Malaki yata yung ratio na sinabi sa iyo. Biruin mo 1 out of 10, ok lang siguro kung 1 out of 100.
buti nga kamo, wala pang 1 year para free pa… pero susko, antagal nga!
i can sympathize with your situation, chona, 100%. lamang, huag masyadong iinit ang ulo (although this may sound impossible) maso-solve din ‘yan. If it is still within the warranty period, they should replace it right away, di ba? unfair yata ‘yong ikaw pa ang tinamaan ng 10% nila.
talking about, lap tops. since i received this laptop from Dindo, i’ve been using it whenever i am in the kitchen so now, i am getting more used to the crowded keypad.
syenga pala, received the beautiful windchime, finally. ayon, nakasabit na.
btw, tried to visit monette, pero i have to be invited first, daw.
take care and hugs to you and your beloved.
ninang
ah, buti po dumating na. 3 months nagbyahe yang chimes na yan ha? hehe. monet put her blog on private mode a few weeks back. pero she’s up again. meron kse makulet who kept flooding her chatbox eh, inabot na sya ng suya, sinara nya muna. it’s been a week & a half without the monitor, halfway there. hehe.
kabanas naman ang ganyan… grrr..
naco, chie. sinabi mo pa…
ayufff ever! ganun katagal?! ngek! kala ko number 1 at indi -1 ang customer service naten dyan! kelangan pala ma-update ako kung uuwi ako hehehe baka mamaya eh duguin lang ako sa bwisit hahaha
naco, kanina nga tinanong ako ni hubby kung tinawagan daw ako ng store na binilhan ko regarding the repair of my lcd… sabi ko: di ba sabi nga 3 weeks daw? asa ka pa na tatawagan na agad tayo. kasuya ever di ba? kelan ang uwi mo? mag-a-agosto na. hehe
–
hakhak
ayaw mo namang magpapektyur diba?
hakhak
elyens
XXXxx
Ganun talaga… Buti nasa warranty pa nga…
Bili ka na lang ng laptop, mura na lang ngayon. Dito sa Singapore madaming murang laptop.
i like using the desktop better pa rin eh. hehe. nagpaparinig nga ako lagi kay hubby kse my mom could buy one for me at mura din sa states. kaso, deadma. hahaha. nasabi mo na mura jan, nago-offer ka ba na bilhan ako? (pera ko shempre) hehe.
oi chona! kay axel ka na lang bumili ng monitor para makabalik ka na ulit sa mundo ng greenies!!!
..at baket nde ka na nagpapakita sa amin??
aba, at nagbebenta pala si axel ng monitor? hehehe… missing ako lagi kse strict si fafa. yung mga night time gimiks, malabo na ata ako makasama. pag daytime gimiks lang siguro. mag-set kse kayo ng mga lunch outings (na weekend hindi weekday, hehe)
love ko pa naman ang samsung…
oh well…
kaya nga samsung din binili ko eh. akalain mong inabutan ako ng isang may topak. thanks for visiting…
natawa naman ako dun sa saleslady.. talaga namang taas noo niya pang pinagmalaki na maraming nabalik sa kanila.. amp! hahaha..
aba, kid, salamat naman at napadaan ka dito.
mabait naman yung saleslady, pero sablay talaga yug hirit nya tungkol sa mga defective products that they’re selling. hahaha.
nako hirap nga kapag ganun. ako ilang araw lang walang pyuter nanginginig na kamay ko ahahaha adik daw..
Akala ko tungkol sa japanese topic mo kasi “kasuya” unog hapon.. hehehe Nakakasuya pala (tama ba?)
korek. kakasuya nga.