sa nanay kong nagliliwaliw sa amerika ngayon at sa tatay kong hindi na makaalis ng bahay dahil kinain na ng mapait na alzheimer’s ang utak…
happy 40th wedding anniversary!
mantakin mo nga namang 40 years na kayo ano? when i was a kid, i always said to myself that when i grow up, i want a marriage just like yours, mom & dad.
a dad that is so quiet, and so giving, and so cool.
and a mom that is so good at handling money (hahaha, tama ba ito ma? eh galit ka nga sa pera eh), the best cook in the world and had the nastiest belt that i’d always tasted (oo na, bad girl ako nung bata, actually hanggang ngayon ata).
dream ko yung set-up nyo. na lahat ng sweldo ni dad ikaw ang nagha-handle mom. andami na ng mga negosyong pinasok nyong mag-asawa. ang pinakanatatandaan ko na nasimulan nyo (dahil siguro dito na ako may malay) eh yung piggery/poulty natin. tapos nag-canteen pa kayo sa isang textile factory. tapos nag-garments. tapos nag-ice plant. ano pa ba ang sumunod dun? hehe, wala na pala. mga sideline sideline na lang.
sino nga ba ang disciplinarian sa inyong dalawa? basta ang alala ko, andaming belt at palo ng tsinelas ang inabot ko from you mom. kay dad, iilan lang. pero grabe, latay talaga. pasensya na kayo kung talaga namang brattinella ang bunso nyo.
but i truly owe everything i am to you. how you brought me up. how you instilled the values and principles you thought i should have. i remember, when i was working as a temp at unilab, one of the senior operators there called me aside and told me that he really liked me (not in a romantic way of course). he kept asking if i had a boyfriend cause he said he wanted to find me one. kse daw i was so grounded. and sobrang galing makisama. hindi raw ako namimili. nakikisama ako sa mga managers, sa mga operators tulad nila at sa mga temp din tulad ko. at ang nasabi ko sa kanya, that was how you raised me.
you both were so giving and so lenient. i hated it when you sent me to pisay then. kse i thought, hinihiwalay nyo ako sa mga friends ko (nung elementary). you kept saying that it was the best school for me. that i wouldn’t have a hard time in college if i graduated from there. i wouldn’t have thought na masaya pala dun. i learned to stand up for what i believed in pagdating ko dun. at natutunan ko na hindi lahat ng bawal ay masama. at hindi lahat ng tama ay maganda. nagkaron ata ako ng sungay dun. probably cause i wasn’t living with you. plus i really got to interact with people from different parts of the country.
i thank you for letting me explore even at an early age. i never had a hard time getting permission for going out. to cabanatuan, when i was a hs freshie. to anywhere actually. kaya siguro ngayon, parang napakalaking adjustment saken na kelangan kong humingi lagi ng permiso sa asawa ko if i wanted to go out. sa inyo kse, walang curfew curfew. as long as you both know where i was going, who i’m going out with, and how i will get home were enough for you.
alala ko pa, nung kolehiyo pa lang ako, natuto nang mag-inom. inimbitahan ko ang mga kaibigan ko sa bahay natin. at ang kapal pa ng mukha ko kse tumawag ako sa yo ma, at sinabing ipagluto mo kami ng pwede naming pulutan. at pagdating namin, aba andami mong inihanda. where in the world could you find a mom as cool as you? na sobrang benya galore ka naman sa mga friends ko. na sa sobrang benya, i kept on wishing that you would go to bed already. baket kamo? eh kse di ako maka-yosi. hahaha.
thank you dad, kse lagi mong sinusundo yung labada ko nung college tuwing friday ng umaga. para pag uuwi ako eh wala na akong bitbit. isipin mong kalimitan ng mga friday ng umagang yun eh wala pa akong tulog galing sa gimik ng thursday night? straight from a gimik, eh kelangan ko nang umuwi ng dorm para ilabas ang big bag ko ng labada.
parang hindi ko kayo nakikitang nag-aaway. mom has a very strong personality at laging tahimik ka lang dad. pero ano ka, pag humirit ka naman, tahimik din ang misis mo di ba? ganyan ata kami ng asawa ko. palagay ko sobrang strong din ng personalidad ko kumpara sa kanya. pero nakahanap ata ako ng katapat ko. sintigas ng bato rin ata ang ulo nya tulad ko. haha.
i used to love it pag inaasar naming magkakapatid si mom. kse feeling ko, hindi nya natumbasan ang sense of humor mo dad.
and i thank you dad for always reminding us that family comes first. alala mo when i was in hs and i had no ride for my prom (o grad ball ba yun?)? you told kuya keats to drive me to i forgot na where we had it. somewhere in qc rin ata. and kuya refused kse may lakad na sya with his brods. anong sinabi mo? unahin mo ang pamilya. may nagawa ba ang kuya ko? shempre, ano pa eh di ihatid ako.
dream ko ata talaga how you guys were to me and my brothers. yung mapagbigay. masayahin. sobrang parang kaibigan lang. pero alam ang linya kung kelan mom & dad naman dapat ang trato namin. even if you haven’t given us the best that money could buy (kse hindi naman marami ang pera natin), you’ve given us the best that you could.
nakakailan na ba kami ni antuken ko? almost 7 months pa lang.compared to your 40 years, susko, andami pa naming bigas na kakainin. and i’m sure you’ll be there to guide me too.
nawa’y umabot kayo sa golden anniversary nyo (kami rin ni antuken ko, hehe)!!!



naks 40 years! antagal na nun…sana maka-gold pa sila..give and take lang daw yan eh..kami naman naka 3 years na…away bati naman..she gives punches in bunches and I’ll take all of them…haha! biro lang..goodluck sa pagsasama nyo ni mr. antuken!
thanks gasti! wish ko makaganyan din kami ni hubby ko.
Namiss ko tuloy dad ko. He passed away 4 years ago. 24 years din sila together ni mommy, they were planning to renew their vow sana on their 25th pero hindi na umabot.
Anyway, you’re lucky to still have both your parents around. Happy 40th year to them! =)
P.S.
You’re lucky for having a cool dad ;p
sorry to hear about your dad. and i really think i’m lucky to have cool parents.
congrats to your mom & dad! kaya nyo rin yan ni mr antuken
pero tama ka madami dami pang bigas kayong kakainin….hehehe
salamat!
awww.. saya naman nun.. wow.. 40 years na.. how sweet naman.. Kayo din po ni hubby nyo
thanks angel!
happy happy sa iyong inay at itay! pa cheese burger naman kayo!
cheeseburger pa rin? naubos na. hehe
waw cool walang curfew curfew. haha.. cool in a way not like “yes! makakagala!” nyahha, but the fact that your parents trusted you that much to let you go and have fun. more years to come for your parents’ marriage and yours as well
thanks!
ang swerte mo naman sa mga magulang mo. di ko kasi naranasan ung mga ganyan e… =(
ay, strict ang parents mo? epitome of coolness talaga ang parents ko.
Ay, hindi ko nabati si sis.! tandang tanda ko pa noong ikakasal na ang mom mo chona. Actually, 2 months lang ang pagitan namin.
Everything you wrote about your mom and dad are to the point. I am also praying that 10 years from now they will still be celebrating their togetherness.
Maabot n’yo rin yon.
Ninang
sana nga ninang. thanks for the stuff you gave nga pala (dala ni tita fe)… sorry late thank you, kala ko po kse bigay ni tito jing eh. kakasabi lang ni yaya na it’s from you daw po ata. salamat!
masarap magbasa ng mga ganyang nagbibilang ng wedding anniversary, mas masarap kapag yung anak pala ang nagbilang at nagkwento kasi sa ibang version ang kanya e. yung mga in laws ko, they celebrated their 60th wedding anniversary last august 21 — until now, in love na in love pa rin sila sa isat isa, kahit na makakalimutin na silang pareho, basta tungkol sa kanilang dalawa ang usapan, wala silang nalilimutan.. hala, magbilangan na rin tayo
mommy kengks, ni wala pa ako sa 1. hahaha.
how sweeeeeeeeeeet. lalo ung part na nagpapasalamat ka sa kanilang pagiging “cool” – na ipinagluto ka pa ng mom mo ng pulutan para sa mga prendships mo, etc…
that’s one of the things na proud ako sa grupo natin: may pagmamahal sa magulang.
where else could we be if not for them.
mismo LV! waah. ngayon lang ulet ako nakapag-online. nag-upgrade ng pc si hubby eh. tapos sooper busy sa work. ano na bago sa greenies?
wow, so sweet of you!
dropping by!
thanks joycee! visit often.
Tinanong ko si Jules di daw nya alam kung kelan ang anniversary ng parents nyo. Guys talaga…
Ang gusto ko kay Mama Norma, very maasikaso, matiyaga, magaling magluto at very creative. Nagpapasalamat ako dahil parati nya akong pinagtatahi lalo na yung para kay Yohan.
Sayang di ko masyadong naka bonding si Daddy. Tahimik kasi sya pero pala ngiti naman.
sayang nga. dad is funny also. tulad ng mga kapatid nya, alaskador din yun. si mom naman pikon. hehehe
i think malapit na atang ilabas yong pill sa alzheimers to reverse the effects at least yun ang nakita ko dito sa US not sure kung ano na ang nangyari!
naco, yung company nga na pinagt-trabahuhan ko ngayon meron din mga research works regarding alzheimer’s. pero nothing conclusive pa. magkano naman kaya yang pill na yan reynz? hehe.