this is a late post. my kuya’s birthday was actually last wednesday pa. we just had dinner at our newly renovated kitchen — sa house namin sa batangas.
i just want to make a post for my kuya.
sa aming magkakapatid, hands down, sa kanya ko ibibigay ang korona ng pagiging generous. dahil ako ay aminadong kuripot, etong kuya ko — total opposite.
san ka nakakita ng kuya na pag-sweldo ang tanong eh: san nyo gustong kumain?at it-treat nya kami wherever we wanted.
o di kaya naman e: tara mag-mall, pag-sho-shopping ko kayo. eto yun, kasama pa mga pinsan ko dun ha.
when he got married, understandably eh shempre, dumalang na ang mga pagaaya nyang lumabas. wala na ang mga spontaneous ayain ng gimik. kse shempre, nagsisimula na sya ng sarili nyang pamilya.
meron na ibang iisipin bukod samin ng mga nanay, tatay at mga kapatid ko pang iba.
i really feel blessed. unang-una, napaka-swerte ko at napaka-understanding, mabait at lenient ng parents ko. pangalawa, kahit wala akong ate, ang mga kuya namang binigay saken eh ubod ng bait (ay, hindi pala lahat. hahaha).
eniwei…
happy birthday! antanda mo na rin ano. wish ko lang for you, magtuloy-tuloy pa ang paglago ng negosyo mo. i’ve always thought naman na magaling kang tao at lahat ng pagsubok na dumaraan sa buhay mo eh kayang-kaya mo. sana’y hindi mo pagsawaan ang pagiging galante mo. salamat sa pagpapagawa ng bagong room ni dad at pagpapa-ayos ng ating kitchen. sayang hindi na ako nakatira sa batangas ngayon. parang masarap na magluto dun ah.
i just want to thank you also for being one of the best kuya in the world. i truly appreciate everything you’ve done for me and everyone in our family. forgive me for the times na truly bratinella ang bunso nyo. sino nga bang sisisihin ko kundi ang sarili ko. hehe. wish ko lang ang asawa ko eh maging katulad mo. katulad nyo ni dad. kaya lang, parang anlaking shoes naman ang ifi-fill ni hubby ano. sya, kahit konting katulad nyo lang.
i always thought you made the best spag/pasta. daig ng spaghetti with sauce made from fresh tomatoes mo ang carbonara at baked mac ni mudra. ewan ko kung alala mo pa yun. antagal tagal na nun e. bata pa ako.
ingatan mo lagi ang kalusugan mo. malimit kse napansin ko, pag hindi ubo eh sipon ang meron ka. bawasan mo ng konti (kahit madami pa) ang paginom mo ng sopdrinks. lumalaki na ang tiyan mo e. hehe. salamat din sa pc na binigay mo saken. na after kong bumili ng router para makapag-internet eh nasira naman ng di oras. at talagang di na ma-revive kse luma na at wala nang parts na mabibili. salamat din sa mga pinamana mong celfone saken. naco, naka-ilan din yun ano? salamat sa pagsundo-sundo mo saken lagi. sa ofis. sa gimik. sa grad ball — na di ko makalimutan, kse pinag-drive mo ako kahit may big gimik kayo ng mga kabatch mo. at sa kung saan saan pa ako nagpasundo sayo. salamat pala sa 1st ever (feeling ko eh sooper expensive) shades na binili mo for me. nakatago pa yun. kahit hindi na uso. hehe.
ayokong pahabain ang post na ito. kaya’t titigilan ko na magisa-isa ng mga bagay na pinasasalamatan ko tungkol sa mga nagawa/naibigay mo. ige-generalize ko na lang. basta salamat sa lahat lahat. nawa’y di ka magsawa na pagtulong saken at sa pamilya natin. at magkita-kita tayo later sa birthday gimik mo. pangungunahan ko na kayo. akin ang videoke player kaya i have the right to hug one mike. akin lang sya the whole night. hehe. hanggang maubos ang boses ko pagkanta.
happy birthday ulet! cheers! (ay, nagpipigil na pala ako uminom. nawa’y malakas ang willpower ko tonight, hehe) and labyu.



Masarap siguro magkaroon ng kapatid. Only child kasi ako.
Happy Birthday sa Kuya mo. Belated! Hehe.
ay naco, gasul, sooper sarap. hehe. pareho kayo ni hubby ko. only child. OA ka rin? hahaha. alam mo ba nung college, ang theory namin ng mga friends ko eh OA ang mga only child (no offense ha). hahaha.
Suerte mo talaga, Chona, for having your beloved brothers.
Bow din ako sa kanila.
Take care.