i went to raon last saturday. alone. to ask if they have an updated cd for my videoke player. naco, tulad ng nabanggit ko na, mic-hugger ako during videoke nights.
i actually wanted a july wedding last year. kse my mom’s sister was in the country (she lives in LA). at kukunin ko syang ninang. plus another friend of my mom’s was in the country too (she’s from holland naman). eh ninang ko rin sya. kaso hubby’s lola died april last year. so ang plans of getting married in july eh talagang na-erase. bawal daw kse chorlva eklat.
sa frustration ko. i bought a videoke player. sakto kseng ang tito ko (who was from canada) was in town and bought a player. nung bumibili ang tito ko, kinakantyawan na ako bumili. kaso mo ang classic line ko then was: sorry my money’s tied up. alam mo na, ikakasal. pero maganda rin at nainggit ako sa tito ko so sabi ko sa kuya ko, tara, mag-raon tayo. bibilhin ko na yung videoke player.
pagdating ko last saturday, naco, parang na-disorient ako. kse nung nagpunta kami dun last time eh may dalang caroo. this time eh commute ang beauty ko. very easy. take a bus going to buendia/lrt. get off at lrt. take the lrt and get off at carriedo. tapos lakarin going to raon. pagbaba ng quiapo, hala, di ko maalala. tapos ang major factor pa eh i totally forgot the store’s name where i bought my videoke player from. so ikot-ikot muna ako. i was trying to remember the facade nung tindahan na binilhan ko.
nakita ko naman sya after a few minutes of roaming the streets. hahaha. i asked agad kung may bagong cd. tinanong ako kung anong model. patay. di ko tanda. buti na lang tinext ko ang pinsan kong si dada (nasa kanila kse at hiniram nya a couple of weeks ago — videoke everyday ang inaanak kong si tisha). ayun, i showed the saleslady (na sheila nga pala ang name) the text. sabi i need to upgrade my player daw. kse yung mga bagong labas ngayon eh meron nang live feature. di raw magp-play sa aking player. dalhin ko daw dun at ia-upgrade nila. shempre hindi free. sus. eh sabi ko saka na. bumili na lang muna ako ng bagong cd.
i asked kung magkano na lang ngayon ang videoke player. 8500 daw. (hmp. 10k bili ko last year!) pero iba na ang itsura nya. mejo makapal na ang itsura. yung nabili ko kse, parang tipong dvd player lang ang itsura. pag sinumpong ako, bibilhin ko yung amp, para lalong maganda ang boses ko gamit ang videoke player. (and note the words na ginamit ko: lalong maganda —- meaning maganda na sya talaga) hahaha. mangarap.
at ngayon, i can’t wait for saturday to try it. magdamagang kantahan na naman ito. hahaha.
da: wag kalimutan ang videoke player ha. pack it the way i did. videoke player, connectors, remote and songbook in the striped black bag. microphones on the black bag with orange ribbon. wag gayahin si hubby na kinalimutan ang remote nung last time na nag-videoke tayo ha!



Naku, hirap ka pa lang pahawakin ng Mic… Kaso hindi ka uubra saamin… hehehe…
hah! yan ang akala mo axel. hehehe
Wow bigla akong nainggit. Wala kasi kaming videoke dito sa Singapore, maghahanap pa lang. Pero feeling ko mas makakamura kami kung sa Pinas kami bibili. Kailangan makapag-praktis. Gusto ko sumali sa Pinoy Idol. *LOLz*
ay naco, advise ko, go to raon. sooper mura. hehe.
naalala ko tuloy yung EB natin with Reynz sa Red Box. kakainggit kayo kasi ang gagaling nyo kumanta. ako eh sa presinto lang kumakanta.
pero totoo…maganda ang boses mo.
at napansin ko rin…
… ang swabe mong humawak ng microphone. (halatang sanay humawak ng….)
mic? aba’y sanay talaga. ah, iba ba sinasabi mo? ay di pa mashadong sanay dun. hahaha. miss na rin kita sexy mamaru! pagpunta mo dito paramdam ka ha. kahit strict si fafa, i’ll make time for you.
antuken baka pwedeng mahingi ko ang number sa parapol ni badoodles? thanks! yung dati kong link ay talambuhay(dot)wordpress(dot)com
i’ll give it out once the list is totally final. as of now meron pa minor revisions eh.
hahaha, mabuti na lang ako, nagiisa dito kapag nagcoconcert kaya walang kaaway
mas mura pa rin pala dyan ang karaoke ha… pero ang mahal nung chips, kainis
mommy kengks, yung saken hindi magic sing. no need for chips. but if you want cheap chips, naco, dun ka sa raon pumunta. anlaking mura. yung uncle ko, dun namili ng mga chips.
iba ka na talaga batch….i can still remember the amuyong presentation days ….hiya hiyaan…at karaoke pa lang nun….sharon cuneta zsazsa padilla at ang memorable…”rainbows in the sky” na live performance sa audi…hahaha
humble beginnings to mic hugger …..hahaha
anak ng. ayaw ko na ngang alalahanin yung audi performance na yun eh. lekat. mic hugger forever to. kaya nga yung binili kong videoke, i made sure 2 yung mic. 1 para sa mga gustong kumanta. isa para saken. hahaha. thanks for visiting batch. se you guys on sunday!