i was out sick last monday. tuesday i went to work. ang hirap kse umabsent lagi kse yung trabaho mo naman, walang ibang gagawa. so pag nag-absent ka, yung naiwan mong work, andun pa rin. plus another day’s work, nag-pile up.
kaso, around 3pm, i was feeling really lousy na. giniginaw na ako. so even when i was in a weekly meeting, i went back to my room and took my jacket. kala ko the conference room (where we were having the meeting) was just too cold for my taste. i kept going to the clinic (na wala namang nurse — m-w-f lang kse ang nurse dun) kse i wanted to get my temperature. so i asked one of my crew, who was a non-practicing nurse, to take my temp.
we went to the clinic at naghanap pa ng thermometer (under upgrading kse ang clinic namin, so everything was everywhere, hehe). after a few minutes, sows, 35.1degC lang pala ang temp ko. in other words, nagi-inarte. hehe.
when our meeting finished at 430pm, i went back to my room, at talaga naman masama ang pakiramdam. i kept asking everyone who went in our room to feel kung may lagnat ba ako. karamihan nagsabi, hindi naman daw ako mainit.
anyway, at 6pm, umuwi na ako. ni hindi ko na hinintay yung kapalitan ko. nag-email na lang ako ng endorsements.
pagdating na pagdating ko kagabi sa house, i immediately took the thermometer and took my temp. sabi ni hubby, hindi naman daw ako mainit. pero masama nga ang pakiramdam ko kaya kinuha ko pa rin ang temp ko. after a few minutes, i looked at the temp at sows, 38.9degC ang temp. ang weird kse sabi ni hubby i didn’t feel hot at all daw. didn’t even had dinner. nag-soup lang ako, then i took some paracetamol and went straight to bed.
maalaga talaga ang hubby ko (di sya mashadong sweet, pero pag nagkakasakit ako, haay, maalaga sya). ginising nya pa ako after 4 hours and told me to take some meds again.
i didn’t go to work today. i’m still not feeling well. when i woke up kaninang madaling araw, may lagnat pa rin ako. i should go to the doctor. kaso mo walang clinic ang doctor ko pag wednesday.
i was supposed to conduct a training this afternoon, pero dahil absent nga ako, i told my boss i’ll move it to tomorrow na lang. that is if i’m feeling better. medyo woozy pa rin ang feeling ko.
pero ayoko nang umabsent pa. i’m sure andami na namang trabahong naghihintay sa pagbabalik ko.
i’m totally alone today at the house. my in-laws went out. hubby’s at work. sobra na yata ako sa higa kaya woozy ang ulo ko. i tried reading blogs, to pass the time, kaso sumasakit pa rin ang ulo ko.
sabi ko, mag-post lang ako isa tapos, bed na ulet. i want some soup. kaso kakatamad to get up and make some. haay.



wag mo kasing ipilit sarili mo kung hindi mo kaya… mas lalong hindi ka makakapag-trabaho kung lalala sakit mo… tsk tsk
nag-rest na nga po. i’m feeling better now. thanks axel.
At talaga namang nakapagsulat ka pa ng entry kahit me sakit ka ah. LOL
Anyways, sana magaling ka na habang sinusulat ko ‘to.
magaling na ko habang binabasa ko comment mo.
i was too bored being in bed the whole day. sumakit yung ulo sa sobrang higa. hehe. i’m going back to work tomorrow (friday). ang hirap pag 2 days kang out. nakakatamad bumalik.
get well soon antuken. eh katulad ng sabi ni gasul, eh sana magaling ka na habang kinokoment ko to.
tama din si axel, hayaan mo munang magpahinga ang katawan mo. wag masyadong isagad kasi ikaw din ang magsusuffer nyan. mas malaking abala at mas malaking gastos.
try mo din magpalaboratory ng dugo, baka may something naman, oh eh wag naman sana
get well soon ulit antuken.
thanks popoy. the doctor said rest nga lang daw. nothing’s wrong naman daw e (which is good di ba?). kasama ko ang mommy ko sa doctor kanina. sabi nya wala na daw kse pahinga kaya bumibigay katawan. hahaha. anoyun? curacha? hahaha. i’ll report back tomorrow (na nakakatamad).
ay ang sarap ng soup…ang tagal ko nang hindi nakatikim ng ganyan…weird is kung kelan tayu nagkakasakit dun din naman natin hinahanap ang sopas….hay….nostalgic…sarap kasi ng soup ni nanay…weee..
get well soon…iwasan na kasi ang dumaldal..ayan tuloy.ahhahhaha
balahura ka forever maldito. hehe. walang kinalaman ang pagdaldal ko sa pagkakasakit ko. hehehe.
mabuti naman at mukhang mabilis ang recovery mo at hindi na nauwi sa trangkaso. cguro nga stress ka na sa trabaho. buti dito samin kahit isang linggo ako umabsent nung bagyong Ondoy parang wala lang eh…hehe! di naman ako natambakan ng work kasi meron naman pde sumalo ng trabaho.
hinay hinay lang kasi. parang lagnat sa loob ng katawan yung naranasan mo eh parang na-late lang lumabas. dapat talaga pinapalabas yung init ng katawan para maginhawaan eh
i was out for 2 days yang week na yan. napahinga ng husay. ang mahirap pag umaabsent ng 2 days magkasunod, nakakatamad bumalik sa work. parang nawala ang momentum or drive. hehe.