i attended a double birthday celebration yesterday. double because one of my inaanak, sophia, is turning 4 on the 29th and her younger brother, akiro, turned 1 yesterday.
sa totoo lang, masakit sa tenga pala umattend ng children’s party. ang iingay nila.
one of the games the clowns played was the “name the commercial” game. dito, kakantahin nila yung jingle ng patalastas/commercial at tatawagin nila ang bata na unang nagtaas ng kamay para sagutin kung ano nga ang commercial na yun. bawal daw isigaw ang sagot.
so kinanta nila yung “bulilit, bulilit”. di naman ako mashadong nanonood ng tv, pero nacu-cute-an ako sa unang commercial ng camella homes, so tinawag nila ang isang batang lalaki
clown: ilang taon ka na?
kid boy: 5
clown: ano gusto mo paglaki?
kid boy: pulis!
clown: ano ba ginagawa ng pulis?
kid boy: NATUTULOG!
(laughter all around shempre)
clown: hindi, naghuhuli sila ng masasamang?
kid boy: MUKHA!
clown: masasamang tao, o sya sige ang commercial na kinanta ko, tahimik dito, mahangin, nagsisimula sa letter C…
kid boy: CEMENTERYO!
clown: hindi, tahimik nga dun, pero hindi sementeryo, o sige, nagsisimula ito sa CA..
kid boy: KABAYO!
clown: hindi, ulitin mo lang yung binulong sa ‘yo ni ate kanina, ano yung binulong nya?
kid boy: camella
clown: sige, camella homes. o eto ang prize mo. ano’ng sasabihin mo sa birthday celebrants? happy?
kid boy: NEW YEAR!
clown: happy birthday! kaano-ano mo yung celebrants?
kid boy: TROPA!
——————————-
hahaha, major kwela. eto pa isa… yung next naman kinanta nya yung jingle ng nescafe. tinawag ang isa sa mga celebrants, si ate:
clown: ate ikaw ano gusto mo paglaki mo?
sophia: doctor!
clown: ah, maganda yan. doctor ba ng tao o ng hayop?
sophia: NG BUS!
(hahaha. conductor pala?)
clown: si ate naman, o sige na nga. yung kinanta ko, ano’ng commercial yun? gusto yun inumin ng mga lolo at mga daddy sa umaga, pampainit ng tiyan.
sophia: ALAK!
clown: ate naman, hindi alak, nes?
sophia: NESCAFE!
clown: tama nescafe tapos c? anong c yun?
sophia: CALAMANSI!
————————-
punta na sa 3rd na bata.
clown: ilang taon ka na?
kid girl: tatlo
clown: ano gusto mo paglaki?
kid girl: teacher
clown: ano ba ginagawa ng teacher sa school?
kid girl: nagtitinda!
tapos madami pang palitan ng sagot ang dalawa, at ang ending…
clown: kaano-ano mo ba ang celebrants?
kid girl: syota.
——–
hahaha. sobrang riot talaga ang birthday party na to. noon lang din kse ako nakapanood ng game na ganun. at nakakaaliw pala pag mga bata ang nasagot. hahaha.



hahaha! eh totoo naman kasi sinasabi ng mga goin’ bulilits na ‘yan. kids say the darnedest things, indeed!
ahahahhahaha……..super like the first kid…gusto ko siyang ampunin..lols..
basta pag nakauwi ako. i wanna throw a a kids party s bday ko…ahahhahaa….tamang trip lang.
Hi! I’ve enjoyed reading your posts.. Nakakatuwa at nakaka relate ako. Xlinks tayo.
…buti at nadalw ko itong post mo na ito, chona…. nakakatawa talaga pag kausap mo ay mga bata…..
they are full of surprises u just can’t predict what they will say next hahaahah….
talaga ninang. kaya nga love ko kids e. kaso not all the time pala. minsan brat din kse. hehe.
ang kulit ng mga bata parang sinasadya na mali ang sagot..parang battle of the brainless na sagutan..haha! kakatuwa talaga sila.
hahaha. yan mismo ang sinabi ko. eh hindi naman nila sinasadya kse napakabata pa nila e. sa totoo lang that was the most fun kiddie birthday party i attended.