Feeds:
Posts
Comments

Archive for June, 2009

1. 8-hrs of sleep. working on a 6am schedule, kulang na lang lagi ang tulog ko. my sked’s supposed to be from 6am to 4pm, 5 days a week (compressed workweek). nasusunod ba yun? lately, hindi. most of the time, i’m at work from 6am to 6pm, or later than that. kaya nga wala na kaming QT ni hubby. pagdating ko from work, i’ll eat dinner tapos, tutulog na. i don’t even watch tv anymore.

2. ice-cold beer in the company of friends. medyo matagal-tagal na rin ang huli naming pagkikita ng mga kaibigan ko (mga december pa yun). we couldn’t work out our schedules eh. my friend rhods’ rest days are mon/tues. shempre naman the rest of us have work on those days. kaka-miss mag-inom kasama ang mga balahura kong kaibigan. kala ko nga last thursday baka pwede kaming mag-couples man lang. but my other friend redj said she’s out-of town daw. work-related. haay.

3. comfy pants. lately lang, napansin ko, sumisikip na ang mga pantalon ko. oo. it’s a sign na tumataba na ako. i have two options para ma-resolba ito. one is to buy new pairs of pants (na magastos, besides ano naman gagawin ko sa mga luma di ba?) and the other —- exercise. madaling sabihin, ngunit mahirap gawin. i didn’t even consider dieting. wala yun sa bokabularyo ko. masarap kumain. i thought i was blessed kse kahit gano kalakas kong lumamon, di ako tumataba. i guess some good things never last. pinagbabayaran ko na yata lahat ng katakawan ko nung medyo bata pa ako.

4. divisoria — ewan ko ba kung baket, pero gusto ko lang namimili sa lugar na ito. kaso mo, wala na ngang panahon. plus, wala na rin naman space ang closet ko for newer stuff. at least nakatipid ako di ba.

5. yaya’s cooking. hindi naman sa sinasabi kong hindi masarap ang pagkain sa bahay namin. pero nami-miss ko ang luto ni yaya talaga. siguro blessing in disguise na rin. kse kung hindi baka mas tumaba pa ako ngayon.

6. wearing flip-flops. bawal naman kse sa work. so yung mga flip-flops, tsinelas at sandalyas, naco, inaagiw na sa shoe rack.

7. the beach. i need a vacation. badly. i think.

8. cafe breton’s vesuve. parang nagc-crave ako neto. tsk. salungat ang sked namin ni hubby. di ko maaaya mag-breton (the nearest one is in paseo sta. rosa) spontaneously.

9. FBM (full body massage) — ahhh, just thinking about having one makes me wanna go to the spa immediately. kaso, oras. oras ang wala ako. tsk tsk.

10. long warm baths — dahil early ang pasok, i set my alarm at 345am (in time for my 6am work sked). kaso i keep on snoozing kaya mga 430 na ko minsan nagigising. ang resulta, speed ligo lagi. once or twice a week na nga lang ako nakakapag-hilod e (yes, yung bato ang gamit ko. i grew up using one. yun ngang panghilod ko sa bahay ngayon eh kinuha ko talaga sa bahay namin—bahay ng nanay ko pala). tsk tsk. laging dali-dali sa pagligo para di ma-late. haay.

Advertisements

Read Full Post »

more than 2 months pala akong walang post. sa sobrang ka-busy-han, di na ko nakakapag-update. mas nagbibisita pa ako ng blogs ng iba kesa mag-update dito.

hindi ko akalain na mawawalan ako ng araw ng pahinga. kung ang diyos nga daw may linggo para mag-rest, pwes, ako nawalan ng restday.

sabi ko nga sa mga kasamahan ko sa trabaho, nagpapasalamat naman ako at hindi ako napasama sa mga taong nawalan ng trabaho. truly, i’m soooo grateful at hindi kami mashado apektado ng nauusong recession na yan. pero naman… yung 7 araw isang linggo kang nasa trabaho? naman. ang parang nagiging restday ko lang eh kung galing akong night shift. saturday night papasok. tapos pagdating naman ng monday morning, 6am ang shift ko. ang ganda ng work sked ko di ba?

today is the 1st chance i got na magkameron ng rest day. mabuti pa nga ang mga tao namin, may rest day sila. kaming mga bisor, sus, nawalan ng pahinga. we worked out our schedule at hindi na fixed ang rest day namin, pero at least may rest day na kami. nagpaparinig nga yung isa kong kasama. he was supposed to attend a wedding (nung isang tao namin). ninong kse sya. he wanted to swap rest days e. kahapon sana yun. kaso mo, may project ako na hindi ko matatapos by thursday. kaya kelangan kong pumasok ng friday.

sabi ko: sorry but i wouldn’t give up my restday para maka-attend ka ng kasalan. pasensya na talaga.

he of course understands (plus palagay ko may excuse na sya, kse hindi pa sya nagkaka-chicken pox and the groom got it mga 2 weeks ago).

i’m glad and sooo happy may rest day ako. pero ang downer???

hubby has work today. tsk tsk. si alanis lang ang naririnig ko ngayon… haaay.

Read Full Post »