Feeds:
Posts
Comments

Archive for August, 2009

busy?

medyo. di ko na naman namalayan, mga 2 months na naman akong walang post. kalimitan kse when i get home from work, i’d eat dinner then go straight to bed na. or kung galing naman ng night shift, mag-breakfast tapos kama na ulet susunod. no wonder my tummy’s growing. wala nang exercise. tsk tsk.

nalulugi na nga kami sa binabayad namin sa pldt. di naman nagagamit ang dsl mashado.

tama bang pag overworked (underpaid??? hehehe) ka eh ang katapat non eh mananaba ka rin? unti-unti ko kseng nare-realize na sumisikip na ang mga jeans ko. i’d always prefer to wear slacks or skirts to breathe better. hahaha. tapos, pag naka-uniform ako (4 days a week), i’d always want to change into our plant uniform (i work in a pharma multinational company, hence the need for plant uniforms) na simpleng t-shirt lang. ang rason? i can’t raise my arms properly sa uniform ko. masikip na kse sa braso. middle of the year pa lang, alangan magpagawa ulet ako ng uniform. mga 1400 pesos ata ang isang set. i already asked my mom to repair my pants (read: luwagan) at ngayon, tama lang fit nya. kaso pagdating sa top, mukhang hindi pwedeng i-repair. tinipid daw sa tela e. walang allowance. waaah!

i told hubby, i’d buy a threadmill. para maka-exercise. pinagtawanan ako. dahil bumili na daw ako ng yoga mat noon pa. up to now, andun sa likod ng cabinet. hindi nagagamit. he once borrowed it from me. ayoko sana ipahiram, sabi ko, mapapawisan nya. again, pinagtawanan ako. shempre daw. exercise mat yun e. kaso sobrang pawisin yung asawa ko. pinahiram ko pa rin (half-heartedly dahil ayokong masabihan ng madamot, hahaha). pero the whole time, i was watching him. he also said, wag daw threadmill bilhin ko. kse prone to knee or ankle injuries daw yun. eh alam nyang lampa-yatot ako. he suggested stationary bike na lang daw.

kaso mo, kelan ba ako nakapunta ng mall? sus, matagal na. kung makapunta man, gahol sa oras para mag-shop.

isa pa sa problema ko, wala namang space sa bahay kung saan ilalagay yung bike na yun. sabi nya sa baba daw, yung parang silong. ang fear ko, baka nakawin. kung iuuwi ko naman sa batangas (dahil dun maraming space!), eh di parang useless lang din pagbili ko at once a week lang ako umuwi sa nanay ko e. minsan pa nga hindi. dilemma, dilemma.

ngayon, i hate looking at my naked self in the mirror (which i do, after i take a bath & before i put on my clothes). butete tiyan e. haay. kung sana sa boobies na lang napunta. baket ba pag tumataba ang isang tao, tiyan ang unang lumalaki? hindi? ako lang ba yun? tsk. pinapangarap ko na nga lang na bumalik ako sa dati kong figure.

once i was shopping with hubby. naghahanap ako ng tankini. para nga matakpan ang mejo lumalaki ko nang tummy. hindi ako pinayagan. kse daw hindi na ako mags-strive to remove the tummy. two piece pa rin ang pinapabili saken. ang ending, hindi ako nakabili. kse nakakasuka ang itsura ko. hahaha.

i tried cutting down on my carbs. yun daw kse ang malakas magpalaki ng tiyan. isang araw, nag half rice ako for breakfast. shempre, di ko kinaya. kaya hanga ako sa kasama ko dito sa work, kse laging half rice lang ang inoorder nya pag kumakain kami. breakfast or lunch. ginugutom ako.

willpower. yun ang kailangan ko ngayon. matinding willpower na mag-exercise.

may nag-advice nga saken i don’t need to buy a statio-bike daw. mag-gym na lang ako. naman. work from 6am-7pm. may time pa ba mag-gym? sows naman. andami ko na ngang birthday-an na di napuntahan. dahil may work ako e.

kahit holiday, meron din. ganun ba kadami talaga ang nangangailangan ng suero o pang-dialysis sa mundo? haay.

naco, don’t get me wrong. thankful ako na may trabaho ako. pero nasobrahan naman ata. hehehe.

hopefully i could post more often. parang once every two months na lang. haysus.

Advertisements

Read Full Post »