Feeds:
Posts
Comments

Archive for October, 2009

i was out sick last monday. tuesday i went to work. ang hirap kse umabsent lagi kse yung trabaho mo naman, walang ibang gagawa. so pag nag-absent ka, yung naiwan mong work, andun pa rin. plus another day’s work, nag-pile up.

kaso, around 3pm, i was feeling really lousy na. giniginaw na ako. so even when i was in a weekly meeting, i went back to my room and took my jacket. kala ko the conference room (where we were having the meeting) was just too cold for my taste. i kept going to the clinic (na wala namang nurse — m-w-f lang kse ang nurse dun) kse i wanted to get my temperature. so i asked one of my crew, who was a non-practicing nurse, to take my temp.

we went to the clinic at naghanap pa ng thermometer (under upgrading kse ang clinic namin, so everything was everywhere, hehe). after a few minutes, sows, 35.1degC lang pala ang temp ko. in other words, nagi-inarte. hehe.

when our meeting finished at 430pm, i went back to my room, at talaga naman masama ang pakiramdam. i kept asking everyone who went in our room to feel kung may lagnat ba ako. karamihan nagsabi, hindi naman daw ako mainit.

anyway, at 6pm, umuwi na ako. ni hindi ko na hinintay yung kapalitan ko. nag-email na lang ako ng endorsements.

pagdating na pagdating ko kagabi sa house, i immediately took the thermometer and took my temp. sabi ni hubby, hindi naman daw ako mainit. pero masama nga ang pakiramdam ko kaya kinuha ko pa rin ang temp ko. after a few minutes, i looked at the temp at sows, 38.9degC ang temp. ang weird kse sabi ni hubby i didn’t feel hot at all daw. didn’t even had dinner. nag-soup lang ako, then i took some paracetamol and went straight to bed.

maalaga talaga ang hubby ko (di sya mashadong sweet, pero pag nagkakasakit ako, haay, maalaga sya). ginising nya pa ako after 4 hours and told me to take some meds again.

i didn’t go to work today. i’m still not feeling well. when i woke up kaninang madaling araw, may lagnat pa rin ako. i should go to the doctor. kaso mo walang clinic ang doctor ko pag wednesday.

i was supposed to conduct a training this afternoon, pero dahil absent nga ako, i told my boss i’ll move it to tomorrow na lang. that is if i’m feeling better. medyo woozy pa rin ang feeling ko.

pero ayoko nang umabsent pa. i’m sure andami na namang trabahong naghihintay sa pagbabalik ko.

i’m totally alone today at the house. my in-laws went out. hubby’s at work. sobra na yata ako sa higa kaya woozy ang ulo ko. i tried reading blogs, to pass the time, kaso sumasakit pa rin ang ulo ko.

sabi ko, mag-post lang ako isa tapos, bed na ulet. i want some soup. kaso kakatamad to get up and make some. haay.

Read Full Post »

had a fun night last sunday. maldito was in town, at kahit sinungitan ako ni hubby at ayaw payagan, i still went ahead and met up with him.

while at work, i asked him & jeck where we were going to hang out. ang sagot chosen ground daw, 5 pm. somewhere in malate. so, okei. parang malapit lang din ang malate sa bus station, so hindi hassle ang pag-uwi ko.

palagay ko jeck’s not very familiar with malate, like me (sows, ’twas ages ago nung nagimik kami dun), kaya we decided to meet up at rob muna. he said nbs daw kami magkita. ansarap talaga magbabad sa bookstore. i kept on wishing i had tons of money so i could buy the books that i wanted.

ang unang natanong ko nga pala kay maldito eh kung bukas na ba yung place ng 5pm? knowing malate kse, late sila di ba?

we walked along bocobo until we reached nakpil. the old places i used to hang out were still there. verve room. common ground. and then it struck me. hindi kaya common ground ang mini-mean ni maldito when he said chosen ground? sakto, pagdating namin sa tapat ng common ground, andun din si maldito with two of his friends.

bigla kaming napahagalpak ng tawa. kung anoman ang rason, samen na lang yun. hehe.

turned out, sarado pa ang place na gusto nilang puntahan. we ended up hanging out at the one in front of where we met.

tahimik sa personal ang 2 bloggers na kasama ko (kapanipaniwala ba?). dahil ayoko ng dead air. daldal galore ang nagawa ko.

twas a fun night. when xg arrived, mejo napabuntung-hininga ako. kse feeling ko may ka-relyebo na ko. hahaha.

dahil matindi pa kay cinderella ang curfew ko, had to leave by 8pm dapat. pero i waited awhile longer to meet xg. i read her blog (hello, di ba obvious, nasa blogroll ko), pero i don’t comment. hehe. shy daw.

thanks jeck sa paghatid sa bus station. and thanks maldito for the chicha na 3 bayan pa ang pinanggalingan. at sa guitar kitchen (hehehe). bitin yung gimik, para saken. pero that was better than not meeting up with you guys at all. dahil strict si hubby, i had to compromise di ba.

too bad, i wasn’t able to witness you guys singing on-stage. hahaha.

at si gasti, drawing. hehehe.

Read Full Post »