Feeds:
Posts
Comments

Archive for the ‘major grrr’ Category

spent the weekend somewhere in ortigas/pasig. christmas get-together ko with friends. we got a discount voucher for a 2-bedroom suite so sabi namin, hotel naman for a change. buti nga mr. antuken could come also. we left home after lunch. then picked-up my cousin and her two angels.

expectedly traffic was terrible. christmas season plus saturday pa.

checked-in. after a few hours another friend arrived. nagutom kami. we wanted mcdo so nagpadeliver. surprisingly, mabilis ang mcdo delivery sa ortigas area. hehe.

around 8pm the last one arrived with her angel too.

we had dinner, then shared a few bottles of beer until the wee hours of the morning. okei, hanggang 4am.

namamahay siguro ako kaya kahit iilang oras pa lang ang tulog, i woke up a little past 9am. naco, breakfast buffet is only until 10. we had free breakfast buffet for 4.

mga 940am na kami nakalabas ng room at dali-dali sanang pupunta sa cafe to have breakfast. haynaco, we waited for about 15 mins (or 20 na ata) for the elevator. hindi na namin inisip gamitin ang stairs. unang-una nasa 32nd floor kami. pangalawa, we had kids with us, mahirap mag-stairs. so dahil sa tagal namin nakababa, we barely made it to the buffet.

at yun nga, iilan na lang ang pagkain. hubby & i availed the buffet. pork adobo at daing na bangus na lang inabutan namin (plus rice shempre). so my friends decided to order ala carte na lang. 1005 they gave their orders. mga 1030 my cousin’s little angel was asking for dede, eh hindi pa sila nakakakain so i volunteered to bring her back to our room.

when we got to the room, i made her dede. i asked her if she wanted to lie in bed, watch tv while taking her dede. no daw. she wanted her mama daw. naco, so no choice ako but to bring her back down.

when i got there, i was expecting them to be eating their breakfast already. ni isa sa mga order nila, wala pa. twice na daw sila nag-follow up. one of my “masungit” friends was getting pissed already. i asked to talk to the manager. before the manager came, the food arrived with a “pasensya na po matagal talaga yung food” from one of the waitresses. not a good line to give to “a little agitated” customers di ba? the waitress even gave us a survey/evaluation form. told her: “dear, i don’t think it’s a good idea, malamang kse hindi maganda ang masasabi namin dyan.” but she still left it with us.

when my cousin’s order came, her egg was scrambled. she specifically asked for sunny-side up, well done na egg. so tinawag ulet si waitress. told her the error. papalitan daw. after a few seconds, she came back. kung okei lang daw ba salmon omelette na lang. my cousin said ok. baka daw maghintay pa ulet sya ng 20 mins para lang sa isang egg.

dumating si manager. we just asked to have an extension in checking-out. told her we spent 20 mins waiting for the elevator and another 40 mins for the food. pumayag naman. we also told her kulang pa yung order ng isa kong friend. parang wala pa yung fruit platter at yung bread platter. we told her too that we wouldn’t have minded if upon ordering we were told that it would take that long to prepare our orders, kaso no advice. all of these were done civilly shempre. kahiya-hiya naman magtatalak sa hotel. plus baka babuyin yung iba pang food. hate ko pa naman nakikipagaway sa food establishments at baka kung ano gawin sa pagkain.

one friend wasn’t happy with her order. the bacon was so “matigas” at hindi crispy. plus her hash browns were overcooked. but the manager has left already. ang nakain lang nya yung scrambled egg. alam nyo naman na pag sa hotel medyo pricey ang menu di ba. so medyo inis sya na she’ll be paying for so much para lang sa isang scrambled egg na nakain nya. gusto ulet magreklamo sa manager.

before we had the chance to call her again (the manager), one guy (na hindi ko actually malaman kung ano ang role nya, kung waiter ba, kse hindi naman sya yung kumuha or nag-serve ng order namin) came to us at eto ang dialogue nya:

guy: ma’am, yung fruit platter po ninyo, either fruit platter or fruit juice po yun. you ordered for the juice.

kami: ah, ok.

guy: actually ma’am yung sinasabi nyo na kulang, sobra pa nga yung naibigay sa inyo e. kse hindi po kasama sa order nyo yung salmon omelette pero binigay po sa inyo at hindi po namin ichinarge.

pinsan ko: hindi namin kasalanan yun kse sunny-side up inorder ko. yan ang pinalit nila. na pumayag na ko para makakain na. antagal kse ng order.

friend 1: tsaka pano ko kakainin tong hash brown na to? sunog o.

guy: pwede nyo naman pong i-take out

me: baket ite-take out pa eh hindi na nga namin makain at sunog e.

may mga iba pang salitang nabitawan, pero hindi ko na maalala. the manager came back to our table. we told her about the guy and told her that he’s making things worse by coming to us. okei na kami e sa matagal, mali at sunog na order. pero nagsalita pa ng kung anu-ano. kumbaga, poor complaint management.

our get-together would’ve been perfect. that breakfast incident totally ruined it. after breakfast, we checked out had lunch somewhere in shang then went home. di ko lang talaga makalimutan yung angas nung lalaki sa cafe. kasuya. hmp.

Advertisements

Read Full Post »

i hate you jackson!

a couple of months ago, hubby came to me and asked for a name. sabi ko para saan? sabi nya meron daw puppy nagbigay sa tatay nya. the first name that came to my mind was bogart. ayaw nya. meron pa ibang mga sinabi pero ang napili nga e jackson. nakakatawa pa nga ng una kse si tatay iba ang tawag sa kanya (nakalimutan ko na kung ano). hindi naman sya nalilito, pero para maiwasan nga ang malito, tinawag na rin syang jackson ni tatay.

nung una cute sya. playful. pag padating na ang asawa ko niloloko ko si jackson na salubungin na ang tatay nya. at tuwang-tuwa naman ang mokong.

i started to hate him, when i came home and found a pair of my havs na may ngatngat. sino pa ba ang salarin e wala naman nang ibang aso sa bahay. pero sige, wearable pa rin naman yung tsinelas kahit may ngatngat nya.

then one night, i saw a pair of my sneakers na sira na rin. isa lang ang suspek. at wala nang iba kundi si jackson. pero keri pa rin. even if i hated him then, okei lang. kse my FIL and my hubby seemed to enjoy having him around.

a few weeks ago, i was searching for a pair of sandals that i wanted to wear. terno sa belt ko sana (kulay ube). pero i couldn’t find the other half. isa lang ang present. sinabi na lang ng MIL ko na nasira na daw at pinaglaruan ni jackson. so mejo tumitirik na balahibo ko sa inis di ba? nasagot ko na lang ng: SANA HO TINAPON NYO NA RIN YUNG ISA KSE WALA NANG SILBI YUNG ISA LANG.

from the 1st ngatngat incident, hindi ko na iniiwan na sahig yung mga slippers/shoes/sandals ko. i always put it on top of either a chair or on top of the shoe rack.

last night, after having dinner out, shempre, ganun ulet ginawa ko. iniwan ko na ang sandals ko on top of the chair, then i went inside, played a little in FB, then went to bed.

paglabas ko kanina, ano ang makikita ko? yung sandals na hinubad ko, ngatngat front and back. so sobrang inis ako di ba. na tipong napasigaw ako ng: PUTANGINANGJACKSONYANHA!

nagulat ang asawa ko, sabi baket daw. shempre pa, ibinato ko sa kanya yung sandals ko. pagkakita nya, kinuha nya at ipinampalo kay jackson.

the whole time, on my way to work, sooper nagkukumulo ang dugo ko. nung malapit na ko sa office, napasipa ako sa kotse. with matching mura para mailabas ng konti ang inis ko. before getting off the car, i told hubby to bring all my shoes/sandals, the whole shoe rack inside the house (andun kse sya sa may veranda e). sabi ko, hindi nyo naman itatapon yang aso na yan, ipasok mo na lang mga sapatos ko. ang sabi nya: itatali ko na lang si jackson. napasagot tuloy ako ng: baket kelangang masira nya pa ang apat na sapatos ko bago mo naisip yan! sabay BLAG ng pinto.

sobrang inis to the nth level ang lola nyo. ampanget nga kse everyone at work was greeting me “good morning” and i was all “miss groucho”! dati pa kse sinabi ko nang wag hayaang umakyat sa balcon ang asong yun. ang nakakasuya, laging shoes & sandals ko pinupuntirya ng lekat na asong yun. grrr! ang nakakainis mo pa, ang pinupuntirya nya yung mga gusto kong shoes/sandals. kainis!

jackson

Read Full Post »

more than 2 months pala akong walang post. sa sobrang ka-busy-han, di na ko nakakapag-update. mas nagbibisita pa ako ng blogs ng iba kesa mag-update dito.

hindi ko akalain na mawawalan ako ng araw ng pahinga. kung ang diyos nga daw may linggo para mag-rest, pwes, ako nawalan ng restday.

sabi ko nga sa mga kasamahan ko sa trabaho, nagpapasalamat naman ako at hindi ako napasama sa mga taong nawalan ng trabaho. truly, i’m soooo grateful at hindi kami mashado apektado ng nauusong recession na yan. pero naman… yung 7 araw isang linggo kang nasa trabaho? naman. ang parang nagiging restday ko lang eh kung galing akong night shift. saturday night papasok. tapos pagdating naman ng monday morning, 6am ang shift ko. ang ganda ng work sked ko di ba?

today is the 1st chance i got na magkameron ng rest day. mabuti pa nga ang mga tao namin, may rest day sila. kaming mga bisor, sus, nawalan ng pahinga. we worked out our schedule at hindi na fixed ang rest day namin, pero at least may rest day na kami. nagpaparinig nga yung isa kong kasama. he was supposed to attend a wedding (nung isang tao namin). ninong kse sya. he wanted to swap rest days e. kahapon sana yun. kaso mo, may project ako na hindi ko matatapos by thursday. kaya kelangan kong pumasok ng friday.

sabi ko: sorry but i wouldn’t give up my restday para maka-attend ka ng kasalan. pasensya na talaga.

he of course understands (plus palagay ko may excuse na sya, kse hindi pa sya nagkaka-chicken pox and the groom got it mga 2 weeks ago).

i’m glad and sooo happy may rest day ako. pero ang downer???

hubby has work today. tsk tsk. si alanis lang ang naririnig ko ngayon… haaay.

Read Full Post »

kainis.

kainis lumuwas ng maynila lately. baket kamo? lekat na traffic.

gumising ka ng maaga para hindi ma-late sa training mo na sinabi sa ‘yong 8am ang start.

shempre, sumabay ka ba naman sa mga normal na empleyado. lunes. pamula calamba hanggang mantrade, nakatayo ka sa bus.

tapos pagdating mo sa opisina, 830am naman pala ang simula. pero ang tinext sayo ng organizer eh 8am. okei lang. may libre namang breakfast.

(pero bago ka pa pumasok, dumaan ka muna sa mcdo para mag-hamdesal with cheese at orange juice)

ayos naman ang training.

umalis ka ng office ng 5pm. lekat na traffic going to alabang.

ang haba pa ng pila sa van pauwi ng calamba.

nag-text si hubby ng: kumain ka na?

at nagreply ako ng: hindi pa

with matching text from hubby again: naco, eh di nalipasan ka na ng gutom nyan?

reply-an ko ng: nag-merienda ako before leaving the office

nakasakay ka na rin at long last.

at traffic??? asa ka pang wala nun. normal na yun ngayon. christmas season daw. anong koneksyon?

dumating ka ng bahay halos alas-diyes ng gabi. gutom na gutom at nagsisisi sa mahabang pila sa festival (di ka naka-singit dumaan sa kahit na anong fastfood para mag-take out).

bonus: walang pagkain. cute di ba.

ang drama ko: matulog na lang at nalipasan na ng gutom

nag-text pa ng: kumain ka na? (eh wala rin naman palang pagkain. akala ko naman, tinirahan ako. hmp.)

grrr talaga.

shempre, sira ang drama ko na matulog agad. may nagpa-party sa kabilang street at kumusta naman ang music nila? kahit mag-earplugs ka hindi eepekto sa lakas.

so shempre, ang drama ko sira. ano pa nga bang magagawa ko. eh di i-accept agad ang sorry nya kahit deep inside eh bwiset na bwiset ako sa kagutuman. grr.

(pero, nagluto agad sya ng food nung nalamang di pa pala ako kumakain. akala daw eh busog na ako sa meriendang kinain ko. —- hello! kelan pa ako nabusog sa merienda!)

Read Full Post »

i’m on night shift this week. i started my day cooking breakfast. nothing extravagant. just fried some beef tapa. then watched a few olympics. i told hubby i wanted to watch my sassy girl (the american version). he asked me what it was about and i couldn’t exactly tell him. didn’t wanna spoil the ending. i just told him it’s a romantic-comedy. he couldn’t join me (although, i think he wanted to, cause his crush was starring in it — elisha cuthbert) because of his work so i went and watched alone (i really wanted to see this because i loved the original! one of my all-time faves, actually) 

even if i didn’t understand a word of korean, i still liked the korean version better. I guess Jun Ji-hyun (not sure if I remember her name right) was feistier and funnier than elisha was. plus the lead actor (whose name escapes me right now) in the original version was way funnier than jesse bradford was. there were little comedic scenes in the english version as compared to the original. plus the scenes of jun ji-hyun’s imaginative stories are better in the korean/original version.

i would’ve loved to read the book also. but i don’t know how to read korean. hehe. i wonder if it has an english version too? hmmn.

——-

went out last friday to celebrate my friend’s birthday. it’s been a while since my friends and i went out (the last time i saw redj was during my wedding, and glenn, i think about 2 years ago) and i really had a blast. when da mentioned that we go out to celebrate rhods’ birthday, i was kinda hesitant. i already made plans with my k-batches ruth & bel for a mani-pedi date days ahead. but since it’s been awhile since i’ve seen redj, i told da i’d get hubby’s permission first (he doesn’t want it if i sleep-over in someone else’s house). and when he agreed, and after i texted bel and ruth about rhods’ birthday, i happily told da to push through with the arrangements.

we went to grilla kalayaan (stopped over at national bookstore at powerplant first, and was soooo tempted to buy the latest marian keyes title). and it was way too late (after 2 buckets of sanmig light) when we learned that they were serving what they called “below zero” beer. what’s below zero? well, a bottle of a perfectly ice cold beer’s what it is. i promised hubby i wouldn’t drink that night. but because of their urging, i gave in and had a couple. a few minutes after rhods & i arrived, i remembered that we used to hate the place (service is soooo slow and the waiters are always out of sight! plus we kept on following up our orders!). but redj wanted a bar that was a little secluded (instead of the usual ortigas/makati (greenbelt) joints that we used to frequent) and so the decision to go to grilla.

it was great to see glenn and redj again! plus, glenn was extra generous that night and shouldered the bill ( i guess he was making up for forgetting the biscuits that he promised, hehe).

i guess our table was one of the loudest ones esp. when da was doing her usual funny antics again (which is what we sooo love about her, a gimik with her is definitely not dull).

rhods, da, redj and glenn —- when are we going to do it again? hehe

——

i got word from the store where i bought my monitor. it seems that the 3-week waiting period would be extended. according to them, samsung told them that they were still awaiting some parts before samsung could fix my monitor. waaahhh. and the worse part? they wouldn’t give a timeline on how long the wait could be. darn.

(p.s. da, nosebleed ito, pinuna mo kse na laging tagalog ang entries ko eh, hehe)

Read Full Post »

kasuya

about 2 weeks ago, nag-try si hubby i-on ang pc… nagulat. ayaw mag-on ng monitor. eh saktong kakabayad ko pa lang ng last installment plan ng samsung lcd monitor na yun. inis ako shempre, kse i can’t do the normal visiting ang bloghopping that i do. pero keri, kse very toxic naman at work e. pag-uwi ko eh talagang bulagta sa kama na ang drama ko.

the next day, i called the store where i bought it from. dalhin ko lang daw dun at iche-check nila. eh sa festival mall pa yun. so i asked my kuya if i could borrow the car the next day. para, after work eh dalhin namin ni hubby. pumayag naman.

saktong, late na ako nakalabas ng planta the next day. nag-worry pa nga ako na baka magsara na ang mall pagdating namin dun. pero umabot naman kami. binigay ko ang monitor kay saleslady. she tried it. at ang sabi saken: “ma’am, confirmed. blackout po.”

kung di pa ako nagtanong, eh di nya ata ie-explain saken. meron daw talaga ganun nangyayari paminsan-minsan. i asked her if they get that often. ang sagot? mga 1 in 10 daw. aba, hindi ba’t mataas na rate yun? 10%? so sabi ko, hindi pala advisable bumili ng samsung lcd, ganun? hindi naman daw yun. kahit anong electronic gadget naman daw may mga bumabalik sa kanila. noon nga daw yung redfox na motherboard eh sa 10, 6 ang bumabalik. aba, kung sa palagay nya eh pampalubag loob yun, nagkakamali sya.

eniwei, when i asked her what will they do about my monitor, ang sabi eh they will send it back to samsung daw. samsung will check, and if parts are available, mga 3 weeks daw gawa na monitor ko. huwaat?!?!? 3 weeks? 3 weeks na walang online life? kaya ko kaya? well, wala akong choice.

at ngayon, eto nagt-tiyaga ako sa laptop ni kuya, ay mali, notebook pala. anliit. paulet-ulet ako sa pagt-type kse sumasabit yung keys sa fingers ko. hindi naman malaki ang mga daliri ko, ewan ko ba kung baket hirap ako. pero di ako sanay sa laptop eh. anliit ng screen. eh from 17″ wide ba naman mapunta ako dito sa almost 6″ lang ata, naco, naduduling ako.

wish ko lang, wag muna kunin ni brotherhood etong notebook nya. haay. nakaka-1 week na akong walang monitor. 2 weeks to go…

Read Full Post »

early monday morning, at around 430 am, gumising na ako. sinabayan ko si hubby (his sked was 6am) ng gising. habang naliligo sya, pinagluto ko sya ng breakfast (yan, feeling wifey na talaga ako! hehehe). and after he left, i prepared na rin kse pupunta ako ulet ng sss lipa. night shift ako this week, kaya pinlano ko asikasuhin yun.

got at sss lipa around 7 am. i asked for a number for id capture from the guard (who was not the imbiernang guard from the previous post). nung nakita ko na number 10, natuwa ako. kse ibig sabihin, hindi ako magtatagal. naghintay kami for an hour bago kami papasukin (office hours are from 8am-5pm). they called in the ones with numbers 1-20. pasok agad ako. upo near the id capture booth. while waiting, i brought out ‘love in the time of cholera’ book that i bought a couple of months ago (hindi ko pa nababasa hanggang ngayon!) and started reading. nagambala ang pagbabasa ko…

830 am…

sss ojt: hintay hintay lang po tayo ha. wala pa po ang naga-id capture. 9 am pa po kse sya pumapasok. (pagkarinig ko nito, mejo na-HB ako agad, lunes na lunes, ke aga-aga)

antuken: what? 9am? why does it say “ID CAPTURE 8AM-6PM” there? (sabay turo sa poster na nasa wall) yun pala 9am pa dumarating yung nag-aasikaso nyan! eh di sana nilagay nyo dyan na 9am-6pm!

sss ojt: oo nga po ma’am. pero minsan po pagka may bakante at hindi busy, meron din po nag-id pag 8-9am.

antuken: which is next to impossible! everyday, early in the morning, pumipila na ang mga tao dito. shempre, 1st hour busy everyone! dapat pinapalitan nyo yang poster nyo.

sss ojt: kung may reklamo po kayo ma’am, dun po kayo sa boss namin magsabi.

antuken: o sige, asan ang boss nyo?

sss ojt: hindi pa rin po dumarating.

antuken: ano’ng pangalan nya?

sss ojt: yolly po.

antuken: yolly what?!?! i need a surname.

at this point, iniwan nya ako. inisip ko, bastos. yun pala nagtanong sa kasamahan.

sss ojt: lantin po.

antuken: boss mo, hindi mo alam ang pangalan! fine, yolly lantin.

bumalik na ulet ako sa pagbabasa.

930 am – hindi pa rin nags-start. meron na ibang tao lumapit sa counter at nagtanong. at yung isang matandang girl dun sa loob (whom i later found out eh si bossing yolly lantin pala) nagtaka at sinabing, maghahanap daw sila ng substitute at hindi pa pala dumarating.

10am – nagsimula na…

sss ojt: number 1

antuken (to self): yes! 9 na lang!

nagtawag sya ng nagtawag… hanggang… number 6? number 7? tapos biglang ang tinawag nya mga names ng girls… nagtaka ako. kse numbers ang tinatawag, tapos biglang names? nakita ko, meron isang matandang lalaki (who looks like a lolo) na umuna. fine, pagbigyan, kse baka sakitin. tapos name na naman ng girl ang tinawag…

antuken: excuse me. di ba numbers ang tinatawag mo kanina? baket ngayon mga pangalan na ang tinatawag mo? parake pa at nagpapa-issue kayo ng numbers sa guard na pinupuntahan namin ng ke-aga aga tapos tatawagin nyo rin naman pala ang gusto nyo? (mejo mataas na nga pala ang boses ko neto ha)

natigilan si sss ojt. the other ojt snickered. parang nagsi-signal na: hala ka!

imbiyerna kse di ba. ang ginawa, tinawag si number 9. tapos ako na. dahil imbiyerna ako a few moments before, feeling ko tuloy swanget ako sa piktyur. yaan mo na. at least nakuhanan. while my pic was being processed, sinasabi ni cameraman kay sss ojt na: tawagin mo na yang mga pinapatawag ko. lekat. eto pala pasimuno. si sss ojt shempre, hindi maka-imik. andun pa ako e. after ko, i was sooper tempted to go to mrs. lantin and complain about the guys sa id capture. sobra! kaya lang naisip ko, baka i-delay nila ang pag-process ng id ko. matagalan pa. kaya umalis na lang din ako. i learned rin pala na yun palang number 1 sa id capture eh before 5am ata pumila. grabe di ba! iniisip ko pa, grabe, pano pa yung mga nakapila sa verification. when i got there at 7am, kita ko ang number sa verification 73 na. bago pa sila ma-verify, tsaka pa kukunan ng id pic, na i’m sure hindi nila matatapos that day. asa pa. late na nga nag-start eh. may mga special cases pa na inuuna. kasuya.

Read Full Post »

Older Posts »