Feeds:
Posts
Comments

Archive for the ‘trip ko to’ Category

quiapo

nung hs, maraming beses kong dinadaan-daanan ang lugar na to. coming from diliman and going home to batangas, dito dumaraan ang jeep na sinasakyan ko papuntang lawton, halos every weekend. dun pa kse ang bus terminal noon. hindi pa uso ang cubao. either pasay or lawton lang. at sa apat na taon na yun, hindi ata ako bumaba man lang or dumaan sa quiapo church.

a few (ay, a lot ata) more years in college passed, hindi ko rin natanawan or nadaanan ang lugar na to.

a couple of years after graduation, yun, nabisita ko na sya at last. sa may mlqu (ay tama nga ba?) kse yung board exam ng chem. eng’g na kinuha ko. that was the first time i entered quiapo church. nag-stay ako somewhere in elizondo, above the vendors ng mga piratang dibeedee. day before my board exam, yun, dun ko unang nadaanan ang underpass papuntang quiapo church. nag-try humingi ng tulong. and everyday for the next 3 days (oo, 3 days ang board exam, parusa), after ng exam, bumalik ako dun. nagpasalamat at may nasagutan, humingi ng tulong at parang medyo nahirapan nung 2nd day, at nagpasalamat ulet nung huling araw.

may ilang beses na rin ako nakabalik ng quiapo after that. at tuwing babalik ako, nage-enjoy ako (knock on wood, kse sabi nila marami rin daw mandurukot dun, ayoko naman ma-experience yun. ako pa na magnanakaw/snatcher magnet). enjoy ako panoorin ang mga matatandang (ok, may bata-bata rin) manghuhula doon. minsan nga nate-tempt ako mag-try. kaso mo, ayoko rin. baka kse bad hula ang ibigay saken eh masira pa diskarte ko sa buhay trying to avoid that bad hula. hehehe.

kanina, nagpunta na naman kami ng nanay ko doon. initial plan was ihahatid kami ng pinsan ko, then punta sila sa tito ko. kaso, ewan ko ba naman, odd hour na nga yung pagluwas namin, sobrang traffic pa rin. so my mom decided na i-drop off na lang kami sa buendia-lrt. mag-lrt na lang daw kami papuntang carriedo. duda ako kung kakayanin ng nanay ko umakyat ng lrt. 4 years nang senior citizen ang nanay ko. at nakakalungkot sabihin, kulang na kulang sya sa exercise kaya ang mga ganung kataas na akyatin na hagdan, e feeling ko, di kakayanin ng mudra. pagbaba namin ng van, tinanong ko kung sure sya na mag-lrt kami. kaya daw, basta tamang pacing lang. sige. susko, after every 3 steps ata, hingal. sabi pa nya, umuna na raw ako. sabi ko, alangan namang di ko sya alalayan. eh kung matumba sya ng wala sa oras? after 2 flights of steps, sabi ko, una na ko at medyo mahaba ang pila sa pagbili ng ticket. magdahan-dahan lang sya. sige daw. so pumila ako, nakabili ng ticket. pagpasok namin, naco, ang mudra, napaupo dun sa steps ng guard. yung tinatayuan nya para makita ang magkabilang dulo ng station. nag-advice pa si manong guard na dun daw kami sa 1st train sumakay at marami daw vacant seats dun. kaso yung na-pwestuhan namin, sa 2nd train na kami napasakay. pagpasok sa lrt train, naco, standing. wala pang 10 seconds, may mabait na babaeng nag-offer ng seat nya sa nanay ko. salamat. palagay ko nakita nya ang mukha ng nanay ko na parang lantang gulay na. ulit, salamat sayo mabait na dilag.

first went to clearance outlet ng sm. hmm. mura. nakabili ng isang pares ng sapatos na wala sa plano. namili na rin ng ibang christmas gifts para sa inaanak. next stop, lunch. mami lang daw gusto ni madam, so sakto, paglabas namin chowking. nag-mami kami pareho. sumunod, may pinagdalhan sya saken sa tindahan ng mga gamit sa kusina. naco, feeling ko, pwedeng makulong dun ng ilang taon ang kuya ko at ayos lang sa kanya. lahat ng mga pwede mong maisip na gamit sa kusina, palagay ko andun na. wala rin naman kami nabili dun. mashadong mahal kse yung mandolin na gusto sanang bilhin ng mudra. 9500 ba naman. haysus. may mga nakita pa ako dun na ceramic knives that i think my brother would love to get on christmas. hehe. di lang ako sure if the brands there are to his liking. german knives naman, so feeling ko, good quality. kung ako makakabunot sa kanya sa monito-monita namin sa family, alam ko na kung san ako bibili ng gift. hehe. to think sa gourdo’s at rustan’s kami naghanap nun at yun Β sana reregalo namin sa kanya nung birthday nya last week, e wala kami makita.

next stop, another shop selling hello kitty goodies. nakabili kse kami dun last week ng slippers/sandals na mashadong malaki naman pala sa pamangkin ko. napagalitan pa ako ng mudra kse baket daw sabi ko 31 ang size ng paa ng pamangkin ko. sabi ko, yun ang alam kong size nya e. malaki daw ang 31. dapat 30 lang. so imbes na hintayin ng pamangkin ko na lumaki pa ang paa nya, pinapalitan namin. pagtingin ko kanina sa dala naming sandals, size 32. sows. ang galing ng nanay ko manisi kung bakit malaki ang sinabi kong size eh magaling pala sya sa numbers. hehe. nakabili pa sya ng isang relo ata (again, wala sa plano) para sa sarili nya. andami nya pang sinukat na relo. with matching tanong saken kung “ok ba?”. told her, i think she’s too old for hello kitty. although meron din naman designs na pang grown-up. bumili pa sya ng isang bag para sa apo nya (apo ng pinsan nya, na tito ko, na pabalik na ng canada). gala-gala ulet. may nakitang mga cute leggings for kids. perfect for one of my inaanaks. so bili na naman. hopefully before the month ends, tapos na ko sa christmas shopping ko.

may nakita syang mga accessories sa isa sa mga tindahan at nadismaya sya nang sagutin ang tanong nya kung magkano. meron na kse syang parang ganung hikaw/singsing/bangle. sobrang mura daw. tipong more than triple the price ang bili nya dati, na di nya maalala kung san nya nabili. so namili ng sangkatutak ang nanay ko.

went to another store. found really cute lighters. so namili na rin ako pangregalo sa pasko para sa mga smoker cousins ko. wanted to buy one for myself kaso, it-try ko tumigil manigarilyo sa 2011. hopefully, i’ll succeed. i’ve tried quitting once. lasted for 18 months. bumalik nang tumindi ang stress sa trabaho. hindi naman mashadong mahirap saken. kse di naman ako malakas mag-yosi talaga. malakas lang pag nasa inuman/gimik. dun ako mapapatay. so palagay ko 2 ang iiwasan ko next year. hehe.

another stop: master hopia. nagbilin ang pinsan ko, so dahil imbierna sya kahapon, bibigyan ko sya ng pampalubag loob nya. mali, bibilhan pala.

napagod din kami ng nanay ko kaya’t nagpasya nang umuwi. magjeep ba o mag-fx? mga puno ang fx, masarap sana mag-lrt ulet para mas mabilis. kaso sa carriedo parang 3 flights (of stairs) yung station. baka bumigay ng di oras si mudra, jeep or fx na lang para walang hagdan na aakyatin. naghintay rin kami ng ilang minuto bago nakasakay. swerte naman at may fx so aircon ng konti. dapat mag-bus kami pauwi. sinubukan ko itext ang kuya ko na nasa makati, baka pauwi na. sakto. uwi na raw sya in about 15 mins. so sabi ko sa mudra, sabay na lang kami kay kuya. namroblema pa kami kse hanggang buendia-lrt lang ang fx. pinaka-convenient na sana kung sa magallanes kami madaanan. di ko naman kabisado ano sasakyan ng commute (ay taxi pala no? di ko naisip agad) papunta dun. buti na lang ubod ng bait din ng kuya ko at sabi nya sunduin nya raw kami. dun daw sa may goldilocks. trobol, lakarin na naman. si mrs. senior citizen, hindi na kaya keri maglakad pa. text ulet ako kay kuya na dun na lang sa bus station ng jac liner para lesser lakarin for mrs. senior citizen. as expected, okay ang sagot ng kuya ko (sobrang bait talaga nito). ang nakakatawa? sabi nya 15 mins di ba? text agad sya, medyo traffic daw, malamang 30 mins. ang ending, more than 1 hour kami naghintay ng nanay ko. hahaha. bukod sa sobrang traffic may dinaanan pa pala sya sa market!market!

pagsundo nya samen, nagtext lang ako ng konti sa asawa ko (actually nagpaalam. sinabihan kse ako ng nanay ko na dun na lang ako matulog sa bahay nya. last 2 nights na lang daw kse ng balikbayan uncle ko e. so shemps, paalam kay mr. antuken. pumayag naman), nag-shawl at natulog na sa byahe pauwi. nakakapagod rin pala pumunta ng quiapo. to think, mga 3 or 4 na tindahan lang naman pinuntahan namin dun.

babalik ulet ako dun. pero ayoko ng ganitong panahon na maulan. medyo maputik e. sarap siguro pag tag-init. mag-people watching lang.

Advertisements

Read Full Post »

badoodles, naco, sinabi ko sayo talagang crammer ako. up to the last minute tsaka ako sasali sa project lafftrip laffapalooza mo. i so wanted to join agad pagka-post mo. kaso mo, naisip ko antagal pa ng deadline. di ako sanay na anlayo pa ng deadline eh tapos na ko. major crammer ako eh. sabagay, if i voted then, iba na magiging boto ko sa ngayon. eniwei, heto na ang mga blog na talaga naman nakakapagpatawa sa kin…

(actually, kung hindi naman ikaw ang may pakana nito, ikaw ang namberwan. kaso mo nga ikaw, so di ka na valid na kandidato—- at hindi paninipsip yan ha)

1. sino nga ba ang una? sa totoo lang mahirap pumili eh. pero top na siguro sa boto ko ang greenpinoy.com. baket kamo? mababaw lang naman akong tao e. pero sa kanya, talagang humahagalpak ako ng tawa. ang nage-enjoy pa akong isa eh ang interaction ng mga readers nya. mantakin mong magkameron ng forum ang mga tinatawag na “greenies”. pero sa totoo lang, mas nakakatawa sya sa personal.

2. pangalawa na ang walang kakupas kupas sa kasungitang si mighty jon cabron. antipatiko ang dating ng entries nya pati na rin ang comments, pero sa kada bibisitahin ko sya, susko, hanga ako sa humor ng entries. actually reality with a touch of humor ang pag-classify ko sa blog nya. minsan, nakumentuhan na ako ng kasama ko sa trabaho na para daw akong baliw. totally quiet one moment tapos humahagalpak ng tawa the next second. eh nakatingin lang naman daw ako sa monitor. what can i say? funny is synonymous to jon cabron.

3. ang puno ng ka-hada-han (hahaha). ang palasyo ng reyna elena. queen of social climbing to the highest level ito. truliling enjoy ako bumisita sa blog nya. very generous at truly funny sa personal rin. nung una, naririnig rinig ko lang sya. pero ngayon kasama na sya sa mga lagi kong binibisita. tamad nga lang mag-kumento minsan. pero aliw na aliw ako sa kanya.

4. ang walang kakupas-kupas sa kaseksihang si sexy mamaru. isa sa mga una kong naging blogging friend. actually, sya ang kauna-unahang blogger na na-meet ko (except for those related to me, shempre). i never thought na petite sya. kahit sa personal susko, enjoy kasama. yung mga posts nya minsan (ay malimit, pala) malimit may mga censored words, pero keber, talagang aliw ako bumisita sa bahay nya.

5. ang blog na hindi nakikita (invisible daw kse). mahaba kalimitan ang mga posts nya. pero wag ka, aliw talaga akong magbasa ng posts nya. pati mga pagsagot nya sa mga comments ng readers nya, naaaliw ako.

baket naman kse 5 lang dapat. mahirap na proseso ang pagpili ng 5 funniest blogs ha. marami pa akong gustong idagdag. kaso mo magiging void ang votes ko kung sosobra.

baket nga ba ako sumasali? dahil ba sa nokia n70? hindi, kse ganun ang binigay ng opisina namin sa akin (ang bait ng company na pinagt-trabahuhan ko ano?). dahil sa cybershot? naco lalong hindi. mabait ang pinsan ko, niregaluhan na nya ako ng digicam nung kasal ko. dahil sa salaping pa-premyo? hindi rin. masaya na ako sa estado ko sa buhay ngayon e. although being 15K richer is not bad. hehe. o, eh baket nga ba ako sumasali. wala naman. suporta lang sa isang kaibigan. pareng badoodles, kung iba nagpasimuno nito, baka di ako sumali. pero dahil malakas ka saken. eto na ang entry ko.

dapat sa 20 ko pa talaga ito gagawin. kaya lang busy ako sa 20. baka makaligtaan ko. πŸ˜‰

Read Full Post »

tayo na sa antipolo

eversince i could remember, every year, in May, ang angkan namin ay umaakyat ng bundok para magsimba sa antipolo. at every year sa tuwing sisimba kami, lagi akong may nakikitang kakilala. kaklase, ka-nayon, etc.

buhay pa ang lola ko, parang ang naaalala ko eh sinasabi na panata na daw namin yung magsimba. maagang gigising. may mga binalot na pagkain. kalimitan adobo, kaning nakabalot sa dahon ng saging, itlog na maalat, tinadtad na manggang hilaw na may bagoong. inihaw na kung ano, isda o liempo. pagkasimba mamimili ng kasuy, suman at manggang hinog. tapos magpi-piknik sa hinulugang taktak. yun marahil ang nakaka-miss. ang pikinik. kumbaga, tamad na kami mag-prepara. ang ginagawa namin ngayon eh after magsimba, bababa ng bundok at kakain sa labas. nung mga nakaraang taon, either market! market! or somewhere in libis or ortigas area.

di ko rin maintindihan kung baket laging andaming taong sumisimba sa simbahang ito. lagi na lang puno. hindi ka maka-upo. ang nangyayari, darating kayo in the middle of a mass. hihintayin matapos (nakatayo) at pag oras na ng communion, dun pa lang makaka-upo. at ang susunod na mass ang parang serious mass na papakinggan mo.

nilo-look forward ko rin ang biyaheng ito na ginagawa namin. baket kamo? masaya kse. all the time yung pamilya namin at pamilya ng kakambal ng nanay ko, magkakasabay lagi sumimba. noon mga bata pa kami, kasya pa sa 2 sasakyan. ngayon na matatanda, ang iba’y may mga asawa’t anak na, ganun pa rin kami magsimba. yun na nga lang di na kasya sa 2 sasakyan. unless rumenta kami ng van. hehe.

this year, after the mass we went to greenhills naman. at dun kumain. ang mga susunod na litrato ay inaalay ko sa pinsan kong si kirby, na talaga namang miss na miss na namin. butot, mainggit ka sa mga kinain namin. libre nga pala ito ng kuya keats ko…

at shempre, dahil libre, mas masarap di ba. after ng greenhills, nagpunta kami ng cartimar. niloko namin ang aming pamangkin na ang pupuntahan ay ocean park of cartimar. hahaha. parang baliw ng makababa ng sasakyan nung nakita ang iba’t-ibang klase ng pets na binebenta’t naka-display. different kinds of fish, love birds, puppies, corals, at kung anu-ano pa. nagtagal din kami kse namili ang kuya ko ng mga love birds. mahilig nga pala sa dogs at love birds ang mga kuya ko. bago pa kami umalis, our nephew was begging us to “please stay some more”. ansarap panoorin ng pamangkin ko na talaga namang amazed sa mga nakita nya. habang nasa daan pauwi, sinasabi pa nya na “let’s go back. please.”

buti pa pag bata ano, simple lang ang buhay.

Read Full Post »