Feeds:
Posts
Comments

Archive for the ‘Uncategorized’ Category

appetite control toothpaste

nagpunta ako ng sm kahapon. sinamahan ang kaibigan at gusto raw bumili ng digicam. pagkatapos namin makabili, nag-ikot ikot kami ng konti. at natawa ako dito sobra, hindi ko napigilan na hindi kunan ng litrato.

bebenta kaya ito? helps suppress appetite and reduce food cravings! aba eh baka eto ang kelangan ko para pumayat ulet. hahaha.

Read Full Post »

quiapo

nung hs, maraming beses kong dinadaan-daanan ang lugar na to. coming from diliman and going home to batangas, dito dumaraan ang jeep na sinasakyan ko papuntang lawton, halos every weekend. dun pa kse ang bus terminal noon. hindi pa uso ang cubao. either pasay or lawton lang. at sa apat na taon na yun, hindi ata ako bumaba man lang or dumaan sa quiapo church.

a few (ay, a lot ata) more years in college passed, hindi ko rin natanawan or nadaanan ang lugar na to.

a couple of years after graduation, yun, nabisita ko na sya at last. sa may mlqu (ay tama nga ba?) kse yung board exam ng chem. eng’g na kinuha ko. that was the first time i entered quiapo church. nag-stay ako somewhere in elizondo, above the vendors ng mga piratang dibeedee. day before my board exam, yun, dun ko unang nadaanan ang underpass papuntang quiapo church. nag-try humingi ng tulong. and everyday for the next 3 days (oo, 3 days ang board exam, parusa), after ng exam, bumalik ako dun. nagpasalamat at may nasagutan, humingi ng tulong at parang medyo nahirapan nung 2nd day, at nagpasalamat ulet nung huling araw.

may ilang beses na rin ako nakabalik ng quiapo after that. at tuwing babalik ako, nage-enjoy ako (knock on wood, kse sabi nila marami rin daw mandurukot dun, ayoko naman ma-experience yun. ako pa na magnanakaw/snatcher magnet). enjoy ako panoorin ang mga matatandang (ok, may bata-bata rin) manghuhula doon. minsan nga nate-tempt ako mag-try. kaso mo, ayoko rin. baka kse bad hula ang ibigay saken eh masira pa diskarte ko sa buhay trying to avoid that bad hula. hehehe.

kanina, nagpunta na naman kami ng nanay ko doon. initial plan was ihahatid kami ng pinsan ko, then punta sila sa tito ko. kaso, ewan ko ba naman, odd hour na nga yung pagluwas namin, sobrang traffic pa rin. so my mom decided na i-drop off na lang kami sa buendia-lrt. mag-lrt na lang daw kami papuntang carriedo. duda ako kung kakayanin ng nanay ko umakyat ng lrt. 4 years nang senior citizen ang nanay ko. at nakakalungkot sabihin, kulang na kulang sya sa exercise kaya ang mga ganung kataas na akyatin na hagdan, e feeling ko, di kakayanin ng mudra. pagbaba namin ng van, tinanong ko kung sure sya na mag-lrt kami. kaya daw, basta tamang pacing lang. sige. susko, after every 3 steps ata, hingal. sabi pa nya, umuna na raw ako. sabi ko, alangan namang di ko sya alalayan. eh kung matumba sya ng wala sa oras? after 2 flights of steps, sabi ko, una na ko at medyo mahaba ang pila sa pagbili ng ticket. magdahan-dahan lang sya. sige daw. so pumila ako, nakabili ng ticket. pagpasok namin, naco, ang mudra, napaupo dun sa steps ng guard. yung tinatayuan nya para makita ang magkabilang dulo ng station. nag-advice pa si manong guard na dun daw kami sa 1st train sumakay at marami daw vacant seats dun. kaso yung na-pwestuhan namin, sa 2nd train na kami napasakay. pagpasok sa lrt train, naco, standing. wala pang 10 seconds, may mabait na babaeng nag-offer ng seat nya sa nanay ko. salamat. palagay ko nakita nya ang mukha ng nanay ko na parang lantang gulay na. ulit, salamat sayo mabait na dilag.

first went to clearance outlet ng sm. hmm. mura. nakabili ng isang pares ng sapatos na wala sa plano. namili na rin ng ibang christmas gifts para sa inaanak. next stop, lunch. mami lang daw gusto ni madam, so sakto, paglabas namin chowking. nag-mami kami pareho. sumunod, may pinagdalhan sya saken sa tindahan ng mga gamit sa kusina. naco, feeling ko, pwedeng makulong dun ng ilang taon ang kuya ko at ayos lang sa kanya. lahat ng mga pwede mong maisip na gamit sa kusina, palagay ko andun na. wala rin naman kami nabili dun. mashadong mahal kse yung mandolin na gusto sanang bilhin ng mudra. 9500 ba naman. haysus. may mga nakita pa ako dun na ceramic knives that i think my brother would love to get on christmas. hehe. di lang ako sure if the brands there are to his liking. german knives naman, so feeling ko, good quality. kung ako makakabunot sa kanya sa monito-monita namin sa family, alam ko na kung san ako bibili ng gift. hehe. to think sa gourdo’s at rustan’s kami naghanap nun at yun  sana reregalo namin sa kanya nung birthday nya last week, e wala kami makita.

next stop, another shop selling hello kitty goodies. nakabili kse kami dun last week ng slippers/sandals na mashadong malaki naman pala sa pamangkin ko. napagalitan pa ako ng mudra kse baket daw sabi ko 31 ang size ng paa ng pamangkin ko. sabi ko, yun ang alam kong size nya e. malaki daw ang 31. dapat 30 lang. so imbes na hintayin ng pamangkin ko na lumaki pa ang paa nya, pinapalitan namin. pagtingin ko kanina sa dala naming sandals, size 32. sows. ang galing ng nanay ko manisi kung bakit malaki ang sinabi kong size eh magaling pala sya sa numbers. hehe. nakabili pa sya ng isang relo ata (again, wala sa plano) para sa sarili nya. andami nya pang sinukat na relo. with matching tanong saken kung “ok ba?”. told her, i think she’s too old for hello kitty. although meron din naman designs na pang grown-up. bumili pa sya ng isang bag para sa apo nya (apo ng pinsan nya, na tito ko, na pabalik na ng canada). gala-gala ulet. may nakitang mga cute leggings for kids. perfect for one of my inaanaks. so bili na naman. hopefully before the month ends, tapos na ko sa christmas shopping ko.

may nakita syang mga accessories sa isa sa mga tindahan at nadismaya sya nang sagutin ang tanong nya kung magkano. meron na kse syang parang ganung hikaw/singsing/bangle. sobrang mura daw. tipong more than triple the price ang bili nya dati, na di nya maalala kung san nya nabili. so namili ng sangkatutak ang nanay ko.

went to another store. found really cute lighters. so namili na rin ako pangregalo sa pasko para sa mga smoker cousins ko. wanted to buy one for myself kaso, it-try ko tumigil manigarilyo sa 2011. hopefully, i’ll succeed. i’ve tried quitting once. lasted for 18 months. bumalik nang tumindi ang stress sa trabaho. hindi naman mashadong mahirap saken. kse di naman ako malakas mag-yosi talaga. malakas lang pag nasa inuman/gimik. dun ako mapapatay. so palagay ko 2 ang iiwasan ko next year. hehe.

another stop: master hopia. nagbilin ang pinsan ko, so dahil imbierna sya kahapon, bibigyan ko sya ng pampalubag loob nya. mali, bibilhan pala.

napagod din kami ng nanay ko kaya’t nagpasya nang umuwi. magjeep ba o mag-fx? mga puno ang fx, masarap sana mag-lrt ulet para mas mabilis. kaso sa carriedo parang 3 flights (of stairs) yung station. baka bumigay ng di oras si mudra, jeep or fx na lang para walang hagdan na aakyatin. naghintay rin kami ng ilang minuto bago nakasakay. swerte naman at may fx so aircon ng konti. dapat mag-bus kami pauwi. sinubukan ko itext ang kuya ko na nasa makati, baka pauwi na. sakto. uwi na raw sya in about 15 mins. so sabi ko sa mudra, sabay na lang kami kay kuya. namroblema pa kami kse hanggang buendia-lrt lang ang fx. pinaka-convenient na sana kung sa magallanes kami madaanan. di ko naman kabisado ano sasakyan ng commute (ay taxi pala no? di ko naisip agad) papunta dun. buti na lang ubod ng bait din ng kuya ko at sabi nya sunduin nya raw kami. dun daw sa may goldilocks. trobol, lakarin na naman. si mrs. senior citizen, hindi na kaya keri maglakad pa. text ulet ako kay kuya na dun na lang sa bus station ng jac liner para lesser lakarin for mrs. senior citizen. as expected, okay ang sagot ng kuya ko (sobrang bait talaga nito). ang nakakatawa? sabi nya 15 mins di ba? text agad sya, medyo traffic daw, malamang 30 mins. ang ending, more than 1 hour kami naghintay ng nanay ko. hahaha. bukod sa sobrang traffic may dinaanan pa pala sya sa market!market!

pagsundo nya samen, nagtext lang ako ng konti sa asawa ko (actually nagpaalam. sinabihan kse ako ng nanay ko na dun na lang ako matulog sa bahay nya. last 2 nights na lang daw kse ng balikbayan uncle ko e. so shemps, paalam kay mr. antuken. pumayag naman), nag-shawl at natulog na sa byahe pauwi. nakakapagod rin pala pumunta ng quiapo. to think, mga 3 or 4 na tindahan lang naman pinuntahan namin dun.

babalik ulet ako dun. pero ayoko ng ganitong panahon na maulan. medyo maputik e. sarap siguro pag tag-init. mag-people watching lang.

Read Full Post »

update?

haven’t had the inspiration to post anything for the last couple of months. life has been a little stressful and i’d rather sleep than think up of anything to write. but what have i been busy with these last couple of months. mostly, work. i’m having trouble walking too what with my medical problem with my left foot. so i haven’t been able to wear shoes for the last couple of months. it’s always open sandals.

i’ve spent quite a lot on meds too. but it’s okei, as long as i can wear shoes and walk straight again. haha. haven’t been able to go to malls for quite some time now (okei, that’s a bit of a lie). well, since one of the clinics of my doctor is in a mall, that statement was not entirely true. hehe.

it’s so frustrating that i can’t eat many of the food that i love to eat because of this foot problem. no chicken, no eggs, no shrimp. no crabs. anything “malansa” isn’t good for me. even canned goods isn’t allowed. sometimes i’m soooo tempted to try. but i just think about trying to walk straight again and the urge disappears.

a friend from the office calls me darna. haha. and i thought she thought i was sexy like marian rivera. hahaha. feeling. i asked her why she calls me that and she said cause i walk like i had a limp. just like darna. hahaha.

my doctor advised me to not to stand or walk for long periods of time. but my job requires me to do those. so i wrote to my boss a month ago and asked him that i won’t be able to complete the work standard that he set for us (daily). i dunno what they discussed but two weeks ago, i started training, trying to learn how to be part of the supply chain, instead of production where i’m really in.

this work doesn’t require me to do walk-arounds, or stay on my foot for long periods of time. i spend most of my days in front of my pc. the last two weeks saw me trying to learn how to make the production schedule. at least with this new training (which i’m to undergo for about 3 months), my weekends are free! yey!

tonight i’m going out with the other supervisors and the new team leaders. too bad, i couldn’t drink. i promised hubby i’ll waive my drinking privileges until my foot heals. hehe.

hopefully, i can get to update this blog more frequently. lately, i can’t seem to get the urge to write anything. i spend more time visiting the blogs of friends than i do on my own. hehe.

tomorrow is palm sunday. start of the holy week. and for the nth time my birthday falls on a good friday. bummer. although some friends say it’s good for i don’t have to spend anything to celebrate. abstain for this year. haha. but then again, i love celebrating my birthday. not sure yet when i’ll do that. but for sure there’ll be a little celebration here at home on the 5th for it’s the town fiesta. feast day of st. vincent ferrer.

Read Full Post »

the boat is sinking…

i’m feeling swamped lately. di ba obvious? di nakakapag-update dito. my boss resigned a couple of weeks ago (i didn’t like how it happened) and we miss her. mahirap pala mawala ang boss. dumadami ang kailangan gawin.

isipin mo naman, i’m here in the office 10hrs a day, monday thru friday. tapos, ang bagong plant manager namin wants us to be present too when another operation is ongoing (na dati naman hindi namin pinapasukan). kaya naman pati weekends ko dito na rin ako nabuburo.

i don’t like the set-up, but what can i do? mag-resign?!? at san naman ako pupunta. haay. sa mga ganitong panahon, hinahanap ko talaga ang trabaho sa gobyerno. you don’t work on weekends, tapos you work an 8-hour day lang. sabi naman ng nanay ko, mababa naman ang sweldo. i answered her: di ko naman pinangarap yumaman. ayoko lang maging mahirap.

sabi ko nga sa colleague ko, buti na lang wala pa akong anak. pano na kung meron? anong quality time pa ang mas-spend ko with them if ever di ba? i used to enjoy it here. kaso parang unti-unting nawawala ang fun at enjoyment sa trabaho ko. how do i get over this?

Read Full Post »

sa nanay kong nagliliwaliw sa amerika ngayon at sa tatay kong hindi na makaalis ng bahay dahil kinain na ng mapait na alzheimer’s ang utak…

happy 40th wedding anniversary!

mantakin mo nga namang 40 years na kayo ano? when i was a kid, i always said to myself that when i grow up, i want a marriage just like yours, mom & dad.

a dad that is so quiet, and so giving, and so cool.

and a mom that is so good at handling money (hahaha, tama ba ito ma? eh galit ka nga sa pera eh), the best cook in the world and had the nastiest belt that i’d always tasted (oo na, bad girl ako nung bata, actually hanggang ngayon ata).

dream ko yung set-up nyo. na lahat ng sweldo ni dad ikaw ang nagha-handle mom. andami na ng mga negosyong pinasok nyong mag-asawa. ang pinakanatatandaan ko na nasimulan nyo (dahil siguro dito na ako may malay) eh yung piggery/poulty natin. tapos nag-canteen pa kayo sa isang textile factory. tapos nag-garments. tapos nag-ice plant. ano pa ba ang sumunod dun? hehe, wala na pala. mga sideline sideline na lang.

sino nga ba ang disciplinarian sa inyong dalawa? basta ang alala ko, andaming belt at palo ng tsinelas ang inabot ko from you mom. kay dad, iilan lang. pero grabe, latay talaga. pasensya na kayo kung talaga namang brattinella ang bunso nyo.

but i truly owe everything i am to you. how you brought me up. how you instilled the values and principles you thought i should have. i remember, when i was working as a temp at unilab, one of the senior operators there called me aside and told me that he really liked me (not in a romantic way of course). he kept asking if i had a boyfriend cause he said he wanted to find me one. kse daw i was so grounded. and sobrang galing makisama. hindi raw ako namimili. nakikisama ako sa mga managers, sa mga operators tulad nila at sa mga temp din tulad ko. at ang nasabi ko sa kanya, that was how you raised me.

you both were so giving and so lenient. i hated it when you sent me to pisay then. kse i thought, hinihiwalay nyo ako sa mga friends ko (nung elementary). you kept saying that it was the best school for me. that i wouldn’t have a hard time in college if i graduated from there. i wouldn’t have thought na masaya pala dun. i learned to stand up for what i believed in pagdating ko dun. at natutunan ko na hindi lahat ng bawal ay masama. at hindi lahat ng tama ay maganda. nagkaron ata ako ng sungay dun. probably cause i wasn’t living with you. plus i really got to interact with people from different parts of the country.

i thank you for letting me explore even at an early age. i never had a hard time getting permission for going out. to cabanatuan, when i was a hs freshie. to anywhere actually. kaya siguro ngayon, parang napakalaking adjustment saken na kelangan kong humingi lagi ng permiso sa asawa ko if i wanted to go out. sa inyo kse, walang curfew curfew. as long as you both know where i was going, who i’m going out with, and how i will get home were enough for you.

alala ko pa, nung kolehiyo pa lang ako, natuto nang mag-inom. inimbitahan ko ang mga kaibigan ko sa bahay natin. at ang kapal pa ng mukha ko kse tumawag ako sa yo ma, at sinabing ipagluto mo kami ng pwede naming pulutan. at pagdating namin, aba andami mong inihanda. where in the world could you find a mom as cool as you? na sobrang benya galore ka naman sa mga friends ko. na sa sobrang benya, i kept on wishing that you would go to bed already. baket kamo? eh kse di ako maka-yosi. hahaha.

thank you dad, kse lagi mong sinusundo yung labada ko nung college tuwing friday ng umaga. para pag uuwi ako eh wala na akong bitbit. isipin mong kalimitan ng mga friday ng umagang yun eh wala pa akong tulog galing sa gimik ng thursday night? straight from a gimik, eh kelangan ko nang umuwi ng dorm para ilabas ang big bag ko ng labada.

parang hindi ko kayo nakikitang nag-aaway. mom has a very strong personality at laging tahimik ka lang dad. pero ano ka, pag humirit ka naman, tahimik din ang misis mo di ba? ganyan ata kami ng asawa ko. palagay ko sobrang strong din ng personalidad ko kumpara sa kanya. pero nakahanap ata ako ng katapat ko. sintigas ng bato rin ata ang ulo nya tulad ko. haha.

i used to love it pag inaasar naming magkakapatid si mom. kse feeling ko, hindi nya natumbasan ang sense of humor mo dad.

and i thank you dad for always reminding us that family comes first. alala mo when i was in hs and i had no ride for my prom (o grad ball ba yun?)? you told kuya keats to drive me to i forgot na where we had it. somewhere in qc rin ata. and kuya refused kse may lakad na sya with his brods. anong sinabi mo? unahin mo ang pamilya. may nagawa ba ang kuya ko? shempre, ano pa eh di ihatid ako.

dream ko ata talaga how you guys were to me and my brothers. yung mapagbigay. masayahin. sobrang parang kaibigan lang. pero alam ang linya kung kelan mom & dad naman dapat ang trato namin. even if you haven’t given us the best that money could buy (kse hindi naman marami ang pera natin), you’ve given us the best that you could.

nakakailan na ba kami ni antuken ko? almost 7 months pa lang.compared to your 40 years, susko, andami pa naming bigas na kakainin. and i’m sure you’ll be there to guide me too.

nawa’y umabot kayo sa golden anniversary nyo (kami rin ni antuken ko, hehe)!!!

Read Full Post »

my mom visited me today. night shift ako sa work at sakto namang ako lang ang tao sa bahay. my FIL was at work and my MIL was at her therapy (she got into an accident last year and she’s doing therapy twice a week). actually it was my cousin who really wanted to visit me. may mga hiniram. sumabit lang ang mudra. natatawa ako. kse when they got out of the car ay may mga bitbit na gulay. akala mo galing probinsiya (eh mga 20-30 mins away lang naman ang bahay namin sa bahay nila). reminds me so much of old movies na galing probinsiya ang mga nanay at lumuwas ng maynila may mga bitbit na bayong. although hindi naman bayong ang bitbit nila. eto mga dala nila…

saglit nga lang din sila dito. i wasn’t decided yet if i’ll call in sick at work. tinitimpla ko pa ang katawan ko. sabi ng mudra ay magrest na lang daw ako. kaso mahirap umabsent from work pag last workday of the week.

at ngayon, absent na nga ako. i hate this feeling. may sore throat ka na. may lagnat pa. at may bonus pang runny nose. haay. nakapasak na talaga ang tissue sa ilong ko. otherwise, mababasa ang unan ko from my colds. eeww.

pa-cute nga ako ng pa-cute kay hubby to come early at sicky ang wife nya. uminom daw ako ng gamot. lots of fluids. at susubukan daw nya umuwi early. haay. time moves so slowly when you’re not doing anything. antagal dumating ni mr. antuken. haay.

Read Full Post »

before and after

was tagged by randomdemeanor. mejo parang hirap ako sa tag na ito kse weekly ang pagpapalit ko ng shift eh…

 before:
1. gigising ka wala pang araw. uuwi ka wala na ang araw.
2. lagi kang ngarag sa office kse ang mga boss lagi ka tinatawag to do this or to do that eh hindi mo pa nga natatapos ang una nilang pinagagawa sa yo.
3. you could do your grocery shopping after work.
4. you eat dinner alone cause by the time you get home, everyone has eaten. and some might be asleep already.
5. nakakainis ang biyahe going to work, kse andami mo makakasabay. ang mga driver ng jeep tigil ng tigil kahit hindi naman pinapara. at talagang malas ka pa kung ang nasakyan mo eh yung tipong halos pumarada na sa isang stoplight naghihintay ng pasahero. grrr.
6. nakakapag-lfs ka pa with your other half kahit weekday.
7. nakakasama ka sa lunch-out with the bosses pag may mga bisita.
8. you don’t get to watch tv. kse pagdating mo, kakain ka na lang at pagkatapos tutulog ka na lang sa pagod.
9. i don’t get to see my family kse pag-alis ko tulog pa sila. pagdating ko tulog na rin sila. dahil sa lekat na traffic!
10. andaming beses ako kumakain. breakfast. lunch. merienda. merienda.dinner.
11. normal ang tulog ko.
12. i could go out and have a drink with friends or officemates pag friday night.

after:
1. angastos ko sa pamasahe. malimit kse nakakatulog ako sa biyahe pauwi. lumalampas ako. at nagdo-doble ang pamasahe ko.
2. i don’t sleep in my room. during daytime, my room is like an oven. hanga na ako sa kayang matulog sa kwarto ko pag umaga.i sleep in my mom’s room instead.
3. walang phone calls na iistorbo sa yo habang nagt-trabaho ka. wala kse ang mga boss. i get to be the boss during night shift. hehe.
4. meals ko: gigising for lunch (kung makauwi early), tutulog. gising to go to work. dinner. yun na. nakakalimutan kse kumain ng 11pm at 130 am. eat breakfast when i get home.
5. na-e-experience ko tuloy mag-inom ng umaga. as in minsan 4am ng umaga.
6. no social life. at all.
7. could do errands on monday mornings. punta ng nso to get birth cert., punta sa simbahan para magpa-reserve ng date, punta sa divi to buy stuff, etc.
8. ang weekend ko? natutulog lang ako pambawi sa puyat.
9. dumadami ang pimples ko. buti na lang, pa-isa isa lang sila sumulpot.
10. i get to watch tv or dvds during the day.
11. i’m cranky. kse bawal mag-ingay pag night shift ako at ang hirap kumuha ng tulog sa umaga.
12. lagi akong mukhang tanga. pag-alis ko kse ng bahay, may bitbit ako na jaket eh sobrang init naman. gagamitin ko kse pag-uwi ko sa madaling araw (yun eh kung hindi 12-hour shift ang work ko, na bihira mangyari).
13. pag-alis ko ng house naka-shades. ansakit kse sa mata ng afternoon sun. pag-alis naman ng office, naka-shades pa rin. mahapdi sa mata ang morning sun.
14. mas malimit ako mag-internet.
15. di ako makapag-skirt or anything mahalay na outfit. baka kse hindi kami ot (meaning i get out at 4am). baka ma-rape ng di oras. hehe.
16. wala mashado lovelife. unless night shift din ang antuken ko.

wala na ako maisip pa sa ngayon. eto na lang muna. hmmn… who am i tagging? hindi ko naman alam kung sino ang mga shifting ang work dito eh. wala muna siguro.

Read Full Post »