Feeds:
Posts
Comments

Archive for November, 2008

hubby and i went to the mall last sunday. ang pakay ko? i need to find a plastic measuring cup (yung tipong pang-liquid) that i need for the office. i went to 2 malls a few weekends back at wala akong makita. so i tried another mall naman. ayun, nakakita rin kahit papano. not exactly what i was looking for pero pwede na.

after that, he asked me if i wanna windowshop for a watch. (mahilig talaga ako sa relo noon, pero nang nauso ang celfone, at nasira na ang iba’t-ibang relo na naipon ko through the years, medyo nawala na ang hilig ko sa relo) my aussie boss actually commented once that pinoys don’t wear watches daw. i told him, we do. but since we always have our celfones with us, we’d rather look at the time in that, rather than buy expensive watches (oo na, marami nang murang relo ngayon. na pag naubos ang battery eh mas mura pang bumili ng bago kesa bumili ng bagong battery).

we went in one of the shops na puro relo ang binebenta. although, di ko na matandaan ang pangalan. una kong nilapitan yung rack ng seiko. ewan ko ba, parang bata pa lang ako, yun talaga yung tumatak sa isip ko na matibay. kse my mom & dad have this his & hers watch na gustong-gusto ko nung bata ako. i wanted sana yung kinetic nila. kaso di ko mashado gusto yung mga designs na naka-display. next tumingin ako dun sa rack ng anne klein. ay dai, meron akong type na isa talaga (too bad, di ko nakuhanan ng pic). kaso kung yun naman ang ipapabili ko kay hubby, nahihiya naman ako at feeling ko eh medyo pricey ng konti. so curb ng excitement sa pagbili.

umalis kami dun ng wala akong napili. tapos napadaan kami sa department store ng SM. ayun, may mga relo na naman. so pasok ulet. may nakita ako na mejo gusto ko. kaso feeling ko malaki mashado yung face for my arm. patpatin kse ako, kaya feeling ko hindi bagay. magaling si saleslady. she told me to try it on. sabi ko, wag na. we were just looking (and had no intentions of buying — pero shempre, di ko sinabi yun). mapilit. isukat ko raw. so sige sukat. eto ang sinukat ko…

dsc00991

type… pero dahil red ang fave color ko. yun ang sinabi kong gusto ko. kaso yung red kse hindi two-tone ang face. tapos sinabi pa ni saleslady na mas maganda raw etong isang ito. kse ang red daw medyo namimili ng kulay. (na sa totoo lang, keber. eh sa red ang gusto ko eh!) hubby said mas bagay daw itong cream/beige na strap na ito sa akin. sabi ko, sige.

si saleslady, aba may comment pa na: pwede nyo i-installment ma’am.

sabi ko: aba, hindi pa kami bibili. (kay hubby) bibilhin mo na ba? saka na pag di mo ako kasama. para pagdating ng pasko, mejo surprised ako kunyari.

hubby: hindi, sige, kunin na namin miss.

hmmn. nasa spending mood si hubby. which is so rare, so who am i to argue di ba? hehe.

we paid for it at the counter. at nung nakuha na namin, sabi nya: dati ko pa sinasabi sayo na bibilhan kita ng relo di ba? di ako makabili agad kse baka hindi mo gusto yung mapili ko. hindi yan ang christmas gift ko.

naman. what else can i do but kiss him sooper thanks di ba? at ngayon, everyday, after i come from work and slide next to him in bed (night shift ako, day shift sya), i kiss him good morning and tell him thanks for the watch. sabi nya nga. one thanks is enough. i don’t need to thank him everyday daw. eh sa happy ako sa bigay nya e. hehe. tapos, after nun, tutulog na ako at sya naman eh babangon para pumasok. haay. (i’m actually thinking of buying the anne klein watch as my christmas gift for myself. pero saka na. pag may natira sa pera ko after ng shopping for my pamangkins and inaanaks)

Advertisements

Read Full Post »

NDE

kuletz tagged me about this. and i’m really having a hard time doing it. baket kamo? wala kse akong maisip na NDE (na nung una hindi ko maintindihan. yun pala near death experience) ko. kse yung mga aksidenteng kinasangkutan ko, minor naman. hindi naman mga tipong total wreck.

minsan na akong na-snatch-an sa jeep ng aking semi-new bag (a christmas gift from my mom) kung saan tumalon ako pababa upang habulin ang snatcher, only to stop after a number of steps kse lumulubog ang heels ng sandals ko sa lupa. dun ba naman pumunta sa taniman ng ewan ko kung ano yung tanim that time. so hindi pa rin NDE yun. (although i found out after a couple of days na yung 2 snatcher na yun e marami nang nabiktima at nanunutok pa ng icepick)

ang malimit lang nangyayari saken eh yung maapakan ako sa paa. sabi nga ni hubby, magnet daw ang paa ko. parang may sign na sumisigaw na “APAKAN NYO AKO!”.

kaya’t ang mashe-share ko na NDE, well ang NDE ng mga toenails ko.

one incident i couldn’t forget eh college. nakasakay ako sa jeep pauwi na sana. nang sa may bandang grove, may sumakay na 2 chiclet. ayos lang, kaso paglampas saken eh parang kinayod ang heels at sandals nya sa naka-flipflops kong paa. ano ang initial reaction ko? well, napasigaw lang naman ako ng: ‘POWTANG-INA, ARAY KO! FUCK!’ aba, ang nagulat ako, eh react to the bones ang nakaapak. porke kagustuhan daw ba nyang maapakan ako. mano man lang ba eh mag-sorry. alam ko rin namang hindi nya sinasadya. eh kaya nga tinawag na “initial reaction” eh. kumbaga, hindi na na-filter ng taklesa kong utak na sobra naman ang reaksyon ko. kala mo tumahimik sya agad? hindi. putak pa ng putak. sya na nga ang nakasakit. i just zoned her off para di na rin ako mag-react pa. dahil pag ang bunganga ko, nagsimula, naco, walang brake fluid ito. pagbaba nya, tiningnan ko ang toenail ng isa kong daliri sa paa. shiyet. nags-start nang mag-violet ang kulay. yun talaga, akala ko kinabukasan eh magkakaroon na ako ng patay na kuko. buti na lang after a few days eh nawala rin (actually, maraming days ata yun).

sensya na kuletz kung ito lang ang maish-share ko. marami sigurong anghel ang nagbabantay saken kaya di ako mashado nakaka-eksperiyensya ng mga ND chorlva na yan. at nawa’y di sila magsawa sa pagbabantay saken. marami pa akong plano sa buhay. hehe. at sensya na rin kung hindi pa lalawak ang tag na ito. na-tag nyo na ata lahat ng greenies eh. hehe.

Read Full Post »