Feeds:
Posts
Comments

Archive for February, 2008

what do i know about social climbing nga ba? naco, wala ata. hehe. i need to be part of the reyna’s circle muna siguro. sa ngayon kse aaligid-aligid pa lang kse  ako. ngunit nakulbit ako ng diyosang nakaka-balinguyngoy talaga, ano nga ba ang magagawa ko kundi bumoto. ang habol ko dito yung dolyares na pwamis nya. hehehe.

at shempre, dahil sa lahat ng contestants eh siya lang naman ang nabibisita ko ng mas malimit, siya shempre ang iboboto ko.

here are my choices/votes:

1. Chuvaness/Malen

social_climb_logo1.jpg

2. 100% Batangueno dahil batangueña rin ako, hihi.

reyna200x200.jpg

   3. Kotseng Kuba

x200.jpg

4.  Pinoy Ambisyoso

200.jpg

5. Chuvaness/Malen

social_climb_logo3.jpg

halatang-halata bang babae ang bumoboto? pansinin at ang mataas ang puntos eh yung mga pa-gurl ang design. hehe. i actually like yung blondie na may laptop (sori diyosa!) the best, pero dahil si malen naman talaga ang naka-interact ko among all the artists (di ko alam what to call you guys who joined the contest ng reyna, hehe), shempre, she gets top votes diba?

ay, i almost forgot, reyna started this, sayang nga, kung may artistic talent lang ako, sumali din sana ako, kaso, kahit stick figures, panget pa rin ang drawing eklat ko. if you guys wana vote also bisita na dito (i actually like the banner you made in this entry reyna)

Advertisements

Read Full Post »

dahil natagalan ang pagpo-post ko, eto, i’m sharing some photos of our wedding. i was trying to wait for the photos from our official photographer before i posted anything about my wedding. wag nang pulaan ang mga photo collage na ginawa ko ha. pinangungunahan ko na kayo, amateur ako. hehehe.

eto ang wedding preps… dito ko na-realize that i could never stand being a model. at nun ko lang na-realize na mahirap pala ang trabaho nila.

preparations-resize.jpg

The photographers kept on telling me to pose this way, or look that way. At ang hirap pala ng forever naka-paste ang smile mo. Haay. Eniwei, here are pics at the church…

at-the-church-resize-1.jpg

eto naman ang sa reception (hehe, pansinin, isa lang ang lay-out ng mga photo collage ko noh? really trying to learn playing with digital image suite)…

reception-resize.jpg

The two kids in the lower right corner are my nieces (the older one is also my godchild). Di ba pretty sila? hehe. Right after the reception, we went home to my hubby’s house. I wanted to stay longer at the reception sana, makipag-chikahan pa sa mga kamag-anak ko. But my mother-in-law needs to rest na (I think). She had a ball & socket operation last August and I think she was tired already. I told my hubby’s aunt that it was okei, they could go ahead, our car would bring us home. But they said hindi daw pwede. May mga pamahiin pa palang ganun. Before we left, my mom asked me when I’ll go and visit them at our house and the same aunt answered that I can’t yet. I had to wait three days pa raw. Wala rin, kse we were going to Palawan 2 days after our wedding day.

So napilitan ako to go home agad. When we got there, my hubby’s relatives were all waiting for us at their veranda/lanai. Naco, pag akyat pa lang ng stairs, pinakain na agad kami ng leche flan. As in, sinubuan pa kami. Feeling ko nga galit saken ang tita ng asawa ko kse anlaki ng sinubo nya. Eh di pa naman ako mashado mahilig sa sweets. Hehe. May mga iba pa silang seremonyas na ikinagulat ko. Sa amin kse hindi ganun. We spent the night at one of the resorts in pansol (malayo na kse kung mag-manila pa kami, although my boss was supposed to give us a bridal suite at shang, i told him, wag na lang, kse it would be too late na rin kung pupunta pa kami ng makati eh, he gave us cash instead, use it on our honeymoon daw. ambait no?). The next day we opened our gifts and listed everything (from cash to gifts). But that’s another entry. 😀

Read Full Post »

haay, kaka-miss

i miss blogging. been very busy lately at hindi na ako nakakapag-bisita sa mga blog na dati rati’y lagi kong napupuntahan (at humihingi ako ng paumanhin).

a few days before jan 19, talagang busy na ako. di na nakakapag-blog. after that, lalo pang naging busy. sa pag-enjoy ng mga tanawin sa palawan. pagkatapos, mga kung ano-anong aktibidades kasama sa paglipat ng bahay (ako lang yun, lumipat na ako sa bahay ng hubby ko).

tapos, wala palang internet connection sa nalipatan kong bahay. we tried having dsl installed pero ang sabi ng pldt, on-hold daw at sa marso pa daw. na sa palagay ko’y napakahabang panahon pa from now.

kaya’t eto, sisingit muna ako ng isa. patakas pa kamo kse nasa ofis ako. andami ko sana gustong i-post. sa susunod na lang. nang may maaabangan kayo. hehe. nawa’y bumisita pa rin kayo kahit bihira ako magpost. dontcha wori, pag nagka-koneksyon na ako sa bahay, magiging madalas na ulet.

yun eh, kung pakakawalan ako ni mister. hehe.

Read Full Post »