Feeds:
Posts
Comments

Archive for February, 2009

angel tagged me. and so did damdam. any 10 things about me, 9 truths and a lie. go figure which is which.

1. ang tawag saken ng iba kong tita at tito nung bata pa ako eh si “kilometrico”. i know it shows how old i am, when i say that it’s a brand name of a ballpen. baka yung iba jan, hindi pa narinig ang brand na yun. pero baket nila ako tinawag ng ganyan? sabi nila i once cried daw from bicol to batangas non-stop. cause i wanted something and my mom couldn’t get me whatever that was that i wanted (i was too little to remember). ngawa raw ako ng ngawa. pamula nun yun na ang tinawag nila saken. buti na lang na-outgrow ko yung nickname na yun. pero nung bata ako, talagang ganun ang style ko ng pag-iyak. ubos na ang tears pero ang sound andun pa rin. kaya naman bwiset na bwiset ang mga kuya ko dati pag nagta-tantrum ako. o sya, sige aaminin ko na. i was a brat (i still am, i think. hehe).

2. i’m a lolo’s girl. sobra. my lolo had 10 grandsons before i came. 4 from my tita baby, 2 from my ninang prency, 1 from my ninang (who isn’t really my ninang but we call her that), my mom’s twin sister and 3 older brothers. kaya nung buhay pa ang lolo ko, i could get away with anything. my mom would reprimand me or spank me and when i start crying (out loud so lolo could hear), he’d go to me and tell my mom “o sya, tama na yan.” and always defend me. hehehe.

3. nung kinder ako, inggit na inggit ako sa mga kaklase ko. kse di ako makabili ng junk food or softdrinks sa canteen. ang baon ko kse laging 2 pesos lang. hindi pa sapat para makabili ng chippy man lang. when i grew older, nalaman ko na 5 pesos pala talaga ang binibigay ng nanay ko na baon. dos lang ang binibigay saken ng inay (my mom’s mom) at ang tres direcho na sa bangko. kaya feeling ko, deprived ako nung bata. (yung savings nga pala sa bank, di ko natikman. ewan ko kung san napunta. ginastos ata ng mommy ko. hahaha)

4. never ko na-experience maligawan. sa buong buhay ko 2 lang naging boypren ko. isa nung college at yung isa eh itong napangasawa ko. (although, ang alam pala ng nanay ko isa lang naging boypren ko — si hubby na yun) at sa parehong yan, hindi ako niligawan. parehong kaibigan ko muna sila. sa una, sinabi lang na “i like you, do you like me?” natameme ang promdi self ko at ayun, kami na. sa pangalawa, kung di ko pa sinunggaban, di aamin na type din pala ako. kaya wala ako maipagmamalaki sa mga magiging apo ko na great & sweet love story namin. tsk.

5. nung college, thursday nights were gimik nights. ano nga ba ang gimik namin noon? punta sa mga tambayan or sa may vetmed, magcha-charades habang nagiinom. at dahil may curfew ang dorm namin ng 12mn (oo, mala-cinderella ang drama namin noon), malimit we’d stay up till 5am (yun ang oras na nagbubukas ulet ang dorm) tsaka uuwi. one time, early natapos. trobol kami ng mga kabatch ko (4 kami na same dorm ang tinitirahan). sarado pa ang dorm. ang plano, magpa-cute sa guard. baka pagbuksan. around 3am ata yun, nasa gate na kami. tinatawagan si manong guard. ngunit mukhang tulog. pano ba ang pwede naming gawin? yung bakod ng gate may space bago yung ground. eh hindi namin magising-gising si guard. wala na kaming magawa, nag-crawl kami para makapasok. ang masaklap mo, when it was the last person to crawl, biglang si manong guard: “at ano’ng ginagawa nyo diyan?!?”. huli. buti na lang charming ang mga kasama ko. ayun, di naman naisumbong sa dorm manager.

6. nung hs, muntik na akong mapatalsik sa dorm ko. oo, as in kick-out. ang reason, lagi daw ako nagru-room hopping. o, e ano naman ngayon? sa nasa ibang room ang friends ko e? buti na lang magaling magpa-langis ang nanay ko. ang style, laging binibigyan ng regalo si dorm manager. hehe.

7. isang beses, after ng gimik naming magkakaibigan, hinatid ako ng college friends ko sa swimming gimik ng officemates ko. so mejo senglot na. pero sige, gimik pa rin. pagkatapos ng ilang minuto, binalikan ako. mag-gay bar daw kami. 2 cars kami nun, mostly girls. except for 2 guys (asawa ng friend at friend ng friend). nagulat ako at walang covercharge. kaya naman pala e pag-upo mo pa lang 5 bottles of warm beer agad ang ise-serve sayo. good as ordered na pala. pagtingin namin sa stage, may mga guys na nakahilera gumigiling-giling. may mga damit pa. after some time, nasusuka na ako (hindi sa show kundi dahil laseng na), so nagbanyo. paglabas ko, wala nang mga pants. at ang suot? white, shiny, spandex na cycling shorts. kadiri ang itsura. hahaha. inom inom, nood nood. after some time, banyo na naman. paglabas ko, wala nang saplot. meron na lang bandanang animal print na gamit pang cover sa cuteness nya. kaso laseng na talaga ang lola nyo. nag-aya nang umuwi. on the way home. pinagalitan ako ng mga friends. kaya daw sila nagaya dun para naman makakita ako ng cuteness ng lalaki (ahm, ako na lang kse ang virgin sa barkada ko nung panahong yun, hehehe). useless gimik, wala rin ako nakita. hahaha.

8. nung 2nd yr hs, dahil ang upd eh walang pasok pag wednesdays, lagi kaming tumatambay ng sm north edsa, in the hopes na makita namin ang mga crush namin (sila ang mga seniors nung freshies pa kami, at bale freshies na rin sa diliman). how pathetic di ba? ginagawan pa talaga namin ng paraan makalabas ng campus. kami kseng dormers eh bawal lumabas without a gate pass signed by the dorm manager. buti na lang meron kami friends na magaling mag-forge. hahaha.

9. when i was working in mandaluyong (circa 2003-2004), nagulat na lang ako when after eating breakfast, bigla na lang ako kinantahan ng mga AMTs ng happy birthday, out of the blue, eh hindi ko naman sila kilala (well, i know one of them kse sya yung nakaka-interact ko sa work). ang nakakatawa mo nun, it wasn’t even my birthday. yung kantang yun ang nagsimula ng pagiging benya ko with them. na kinagulat ng mga regulars (i was part of the QA team, ang AMTs manufacturing). kse wala raw girl na nagiging close dun sa mga yun. ano daw ginawa ko. baket ako? i didn’t do anything. pamula nun, malimit na kami gumigimik nung mga yun. even when i wasn’t with the company anymore, minsan nagte-text din sila na may gimik sila near my place, sama daw ako.

10. hubby and i’ve tried all the positions illustrated dun sa gift ni mommy kengkay na the complete idiot’s guide to super charged kama sutra. para magka-baby. successful ba kamo? sad to say, hindi pa. nakakaaliw din basahin itong librong ito. dito ka nalaman na isang term pa pala for the female genitalia ay yoni. tawang-tawa ako. kse i used to know a guy in college na yoni ang name. hahaha.

there, it took me awhile to finish this post. i won’t be tagging anyone. this tag has been around a while already. luma na kung magta-tag pa ako. but anyone’s free to do this tag if they want. iwan lang kayo ng comment if you did, para mabasa ko rin at makapanghula rin which is which.

Advertisements

Read Full Post »

aquarius

The sun/moon influence offers a slight reprieve from the recent glitches, but while travel plans are fabulously aspected for today, bear in mind that tomorrow may bring a few hiccups directly related to travel. Use the day to undo a negative impression, to volunteer an explanation and to generally make some metaphorical repairs!

Your Compatible Sign today for
Love: Aries

That’s today’s horoscope of an Aquarian. What’s the basic profile of an Aquarian? Here:

Progressive, original, idealist, altruistic, issue-oriented, charismatic, up-to-date, visionary, humanitarian, personable, imaginative, generous, inspiring, practical, congenial, casual, open-minded, amiable, inventive, off-beat, but can be rebellious, eccentric, thoughtlessness, contrarian, childish, aloof, uninvolved, obstinate, antisocial, unconventional, impressionable

Why do I bother? No reason. Natawa lang ako kse talaga namang ang ka-compatible daw for the day (Love) is an Arian. So bale pwede magpalit pala. Depende sa araw? Hehe. Bukod dun, baket pa ako natawa? Kse Arian ako. O eh ano namang koneksyon? Si Mr. Antuken Aquarian. So talagang perfect na kaming dalawa ang compatible today. Kse birthday nya ngayon. So ibig sabihin, di ko dapat painitin ang ulo nya. Pagsilbihan ko sya. Sundin lahat ng kagustuhan nya. Hehehe. It’s not as if umiinit ang ulo nya. Bihira yun. Between the two of us, I’m the more volatile one (duh! aside from the obvious na ako ang babae,  major moody ako). Why did I include the basic personality of an Aquarian in this post? Sobrang natawa ako kse kasama dun yung anti-social. I’ve been telling him since time immemorial that he is anti-social. Sa family gatherings (family ko), tahimik lang yan. Sits in one corner. Dun nga sa monito namin last christmas, his monito had a little hard time trying to describe him (that’s what we did before revealing). Ang sabi, he doesn’t really know him much. Even my friends’ initial opinion of him was tahimik daw. Which they say is perfect kse nasakop ko na raw yung share nya sa kaingayan ko. Hahaha.

Kaya siguro walang saysay o hindi namin sine-celebrate ang Valentine’s Day. Pamula nung naging mag-boypren/gelpren kami hanggang sa ngayong mag-asawa na kami, Feb. 14 is just another day. Kse prior to it, nakapag-selebra na kami.

What do we plan to do today? Ano bang mapa-plano namin? I’ll be getting off work in about a little over an hour. Add an hour to that for me to get home. Shempre, wala akong kwenta. Malamang matutulog lang ako the whole day. He asked me to take the day off. Shempre, dahil start of the year pa lang hinihingan na kami ng VL (vacation leave) planner, na-schedule ko na yun.

Hopefully I won’t be such a sleepyhead today and try to get up early. In time to help him and his mom prepare for tonight’s dinner. He invited a few relatives and a few friends over to have a little celebration. In the 5 years that I’ve known him, this is the first time that he’s celebrating it with other people (aside from his parents & I). I’ve been asking him what he plans to serve (food), and all he keeps telling me is that everything’s been taken care of. So okei, I’ll probably just be decorative later. Hehehe.

Antuks, I wish you wonderful things for 2009. Hopefully, we won’t have any major fights – petty ones are welcome cause making up after’s good. 😀 I wish you good health. May whatever it is that’s been bothering you for a while now be nothing (go see a doctor!). May we have the enthusiasm to work out together (pareho tayong tumataba, hehe). And I wish you’d have the best day today ever! Happy birthday and always know that what I feel for you’ll never wane. Probably it’ll get more intense. hehe. Labyu.

 

Read Full Post »