lately, halos lahat na ata ng nakakasalubong ko e tinatanong ako kung ilang months na ako on the way. magandang tanong sana kung totoo ngang buntis na ako. kaso mo it’s all fat. even my mom told me (quite a number of times already) na kelangan ko raw ingatan ang tiyan ko. baka magdire-direcho daw ng paglaki eh mahirap paliitin ulet. I SO TOTALLY AGREE!!!
last christmas i gave mr. antuken a stationary bike as a gift. at ngayon, nakikigamit na rin ako. it’s only been 5 days that i’ve been using it daily. aside from that i’m also doing some tummy exercises. kahapon, nagsimula nang sumakit yung tiyan ko. according to a friend, normal lang daw yun. it’ll be painful for the next 3-5 days daw. nakupo naman.
pinagtawanan nga ako ng asawa ko the first time he saw me after a routine. ngayon lang daw nya ako nakitang pinagpawisan. admittedly hindi ako pawising tao (and that according to mr. antuken means i’m not healthy daw. ewan ko rin). ang masaklap mo nga ang pinagpapawisan kalimitan saken pag mainit ang panahon — kili-kili. kaya nga pag minsang down ang a/c sa dati kong office, natatawa saken ang mga kasama ko kse ang usual outburst ko: “shiyet! walang aircon? why didn’t they tell us agad? hindi ako nag-secret today!” hehe.
last weekend, nag-try ako magtimbang. umaga ito, pagkagising. nagulantang ako sa nakita ko. lekat, tumataginting na 110 lbs! bago pa magreact ang iba diyan at sabihing magaan na yun, coming from someone like me na kekelan lang tumuntong sa 3-digit weight (in lbs), kagulat-gulat yun. it’s not actually horrible news. kse kung tutuusin that’s my ideal weight. kaso mo, hindi bale sana na nasa ideal weight ako at kasya mga pants ko. no. that’s not the case at all.
usual naman sa office na ang fridays ay wash day di ba? meaning, no need to wear the company uniform that we wear 4 times a week. ewan ko ba kung taga-bundok or taga-probinsya mashado mga kasamahan ko sa planta. everytime i wear a skirt, parang sobrang big deal. hindi ata nakakakita na binti at hita ang mga tao sa dati kong opisina. hahaha. lately malimit ako mag-skirt. not that i want everyone ogling at my legs. the main reason? most of my pants, masikip na. so tiis ako sa pags-skirt. or dresses. although i love wearing skirts & dresses too. pero i love wearing pants more.
so eto, every morning i’m doing about 20-30 mins of tummy exercises (got it from a book i found at booksale — mejo luma na, pero hopefully, it’ll do some work, hehe), at 30 mins sa stationary bike. although today, i did the bike in the afternoon. hopefully in a couple of months, may makita akong resulta. i know… i need to cut down on my carbs also. i’m a kanin person kaya mejo hirap din ako. what does a kanin person mean? kahit bigyan mo ako ng isang pirasong tuyo, kaya ko pagkasyahin yun sa 2 rice. our lola brought us up that way. na dapat matipid sa ulam. doesn’t matter how much rice we had. sa kanya, pag kumain ka ng 2 pirasong hotdog, lamon na yun. hehe. anywhere i go nga, pag kumakain, laging 1 ulam lang ako. kse hindi ko nauubos lagi ang ulam ko. enjoy naman mga kasabay ko kse shi-ne-share ko sa kanila ang ulam ko. so pag nag 2 ulam ako (ex: gulay & meat), asahan mo, hindi ko ubos yun.
here’s hoping i could keep it up — the exercising and the rice cutdown. para naman hindi ako alaskado kay mr. antuken. i think that’s his way of telling me to keep in shape. hahaha.
suportahan kita dyan sa pagsisipag mo. nawa’y makakita ka rin ng good results dyan sa ginagawa mo. hehe!
pareho nga pala tayo ng weight sa ngyon pero payat tingnan sakin yan kaya kelangan ko pa kumain ng madami.
pareho tayo ng weight? eh di payat ka nga. i stopped for a while. nag-activate ang mga skin disorders ko. ang hirap ng may skin asthma. panira sa pagpapa-sexy ko. hahaha.
Good for you. Keep it up!
Wish ko lang pumayat ulit ako. Pero malabo sa lakas ko kumain. haha!
hahaha. mahirap talaga no? lalo ka na, kse ansarap magluto ng asawa mo! torture sa diet yan. hehehe.
42nd anniversary namin ng sulatin mo ito, chona!!! 8 years na lang at goldies na kami,, yeeeeyyyyy…
epectado sa akin… little or no rice…. hindi man halata ng nakakakita, nafi-feel ko ….