Feeds:
Posts
Comments

spent the weekend somewhere in ortigas/pasig. christmas get-together ko with friends. we got a discount voucher for a 2-bedroom suite so sabi namin, hotel naman for a change. buti nga mr. antuken could come also. we left home after lunch. then picked-up my cousin and her two angels.

expectedly traffic was terrible. christmas season plus saturday pa.

checked-in. after a few hours another friend arrived. nagutom kami. we wanted mcdo so nagpadeliver. surprisingly, mabilis ang mcdo delivery sa ortigas area. hehe.

around 8pm the last one arrived with her angel too.

we had dinner, then shared a few bottles of beer until the wee hours of the morning. okei, hanggang 4am.

namamahay siguro ako kaya kahit iilang oras pa lang ang tulog, i woke up a little past 9am. naco, breakfast buffet is only until 10. we had free breakfast buffet for 4.

mga 940am na kami nakalabas ng room at dali-dali sanang pupunta sa cafe to have breakfast. haynaco, we waited for about 15 mins (or 20 na ata) for the elevator. hindi na namin inisip gamitin ang stairs. unang-una nasa 32nd floor kami. pangalawa, we had kids with us, mahirap mag-stairs. so dahil sa tagal namin nakababa, we barely made it to the buffet.

at yun nga, iilan na lang ang pagkain. hubby & i availed the buffet. pork adobo at daing na bangus na lang inabutan namin (plus rice shempre). so my friends decided to order ala carte na lang. 1005 they gave their orders. mga 1030 my cousin’s little angel was asking for dede, eh hindi pa sila nakakakain so i volunteered to bring her back to our room.

when we got to the room, i made her dede. i asked her if she wanted to lie in bed, watch tv while taking her dede. no daw. she wanted her mama daw. naco, so no choice ako but to bring her back down.

when i got there, i was expecting them to be eating their breakfast already. ni isa sa mga order nila, wala pa. twice na daw sila nag-follow up. one of my “masungit” friends was getting pissed already. i asked to talk to the manager. before the manager came, the food arrived with a “pasensya na po matagal talaga yung food” from one of the waitresses. not a good line to give to “a little agitated” customers di ba? the waitress even gave us a survey/evaluation form. told her: “dear, i don’t think it’s a good idea, malamang kse hindi maganda ang masasabi namin dyan.” but she still left it with us.

when my cousin’s order came, her egg was scrambled. she specifically asked for sunny-side up, well done na egg. so tinawag ulet si waitress. told her the error. papalitan daw. after a few seconds, she came back. kung okei lang daw ba salmon omelette na lang. my cousin said ok. baka daw maghintay pa ulet sya ng 20 mins para lang sa isang egg.

dumating si manager. we just asked to have an extension in checking-out. told her we spent 20 mins waiting for the elevator and another 40 mins for the food. pumayag naman. we also told her kulang pa yung order ng isa kong friend. parang wala pa yung fruit platter at yung bread platter. we told her too that we wouldn’t have minded if upon ordering we were told that it would take that long to prepare our orders, kaso no advice. all of these were done civilly shempre. kahiya-hiya naman magtatalak sa hotel. plus baka babuyin yung iba pang food. hate ko pa naman nakikipagaway sa food establishments at baka kung ano gawin sa pagkain.

one friend wasn’t happy with her order. the bacon was so “matigas” at hindi crispy. plus her hash browns were overcooked. but the manager has left already. ang nakain lang nya yung scrambled egg. alam nyo naman na pag sa hotel medyo pricey ang menu di ba. so medyo inis sya na she’ll be paying for so much para lang sa isang scrambled egg na nakain nya. gusto ulet magreklamo sa manager.

before we had the chance to call her again (the manager), one guy (na hindi ko actually malaman kung ano ang role nya, kung waiter ba, kse hindi naman sya yung kumuha or nag-serve ng order namin) came to us at eto ang dialogue nya:

guy: ma’am, yung fruit platter po ninyo, either fruit platter or fruit juice po yun. you ordered for the juice.

kami: ah, ok.

guy: actually ma’am yung sinasabi nyo na kulang, sobra pa nga yung naibigay sa inyo e. kse hindi po kasama sa order nyo yung salmon omelette pero binigay po sa inyo at hindi po namin ichinarge.

pinsan ko: hindi namin kasalanan yun kse sunny-side up inorder ko. yan ang pinalit nila. na pumayag na ko para makakain na. antagal kse ng order.

friend 1: tsaka pano ko kakainin tong hash brown na to? sunog o.

guy: pwede nyo naman pong i-take out

me: baket ite-take out pa eh hindi na nga namin makain at sunog e.

may mga iba pang salitang nabitawan, pero hindi ko na maalala. the manager came back to our table. we told her about the guy and told her that he’s making things worse by coming to us. okei na kami e sa matagal, mali at sunog na order. pero nagsalita pa ng kung anu-ano. kumbaga, poor complaint management.

our get-together would’ve been perfect. that breakfast incident totally ruined it. after breakfast, we checked out had lunch somewhere in shang then went home. di ko lang talaga makalimutan yung angas nung lalaki sa cafe. kasuya. hmp.

i attended a double birthday celebration yesterday. double because one of my inaanak, sophia, is turning 4 on the 29th and her younger brother, akiro, turned 1 yesterday.

sa totoo lang, masakit sa tenga pala umattend ng children’s party. ang iingay nila.

one of the games the clowns played was the “name the commercial” game. dito, kakantahin nila yung jingle ng patalastas/commercial at tatawagin nila ang bata na unang nagtaas ng kamay para sagutin kung ano nga ang commercial na yun. bawal daw isigaw ang sagot.

so kinanta nila yung “bulilit, bulilit”. di naman ako mashadong nanonood ng tv, pero nacu-cute-an ako sa unang commercial ng camella homes, so tinawag nila ang isang batang lalaki

clown: ilang taon ka na?

kid boy: 5

clown: ano gusto mo paglaki?

kid boy: pulis!

clown: ano ba ginagawa ng pulis?

kid boy: NATUTULOG!

(laughter all around shempre)

clown: hindi, naghuhuli sila ng masasamang?

kid boy: MUKHA!

clown: masasamang tao, o sya sige ang commercial na kinanta ko, tahimik dito, mahangin, nagsisimula sa letter C…

kid boy: CEMENTERYO!

clown: hindi, tahimik nga dun, pero hindi sementeryo, o sige, nagsisimula ito sa CA..

kid boy: KABAYO!

clown: hindi, ulitin mo lang yung binulong sa ‘yo ni ate kanina, ano yung binulong nya?

kid boy: camella

clown: sige, camella homes. o eto ang prize mo. ano’ng sasabihin mo sa birthday celebrants? happy?

kid boy: NEW YEAR!

clown: happy birthday! kaano-ano mo yung celebrants?

kid boy: TROPA!

——————————-

hahaha, major kwela. eto pa isa… yung next naman kinanta nya yung jingle ng nescafe. tinawag ang isa sa mga celebrants, si ate:

clown: ate ikaw ano gusto mo paglaki mo?

sophia: doctor!

clown: ah, maganda yan. doctor ba ng tao o ng hayop?

sophia: NG BUS!

(hahaha. conductor pala?)

clown: si ate naman, o sige na nga. yung kinanta ko, ano’ng commercial yun? gusto yun inumin ng mga lolo at mga daddy sa umaga, pampainit ng tiyan.

sophia: ALAK!

clown: ate naman, hindi alak, nes?

sophia: NESCAFE!

clown: tama nescafe tapos c? anong c yun?

sophia: CALAMANSI!

————————-

punta na sa 3rd na bata.

clown: ilang taon ka na?

kid girl: tatlo

clown: ano gusto mo paglaki?

kid girl: teacher

clown: ano ba ginagawa ng teacher sa school?

kid girl: nagtitinda!

tapos madami pang palitan ng sagot ang dalawa, at ang ending…

clown: kaano-ano mo ba ang celebrants?

kid girl: syota.

——–

hahaha. sobrang riot talaga ang birthday party na to. noon lang din kse ako nakapanood ng game na ganun. at nakakaaliw pala pag mga bata ang nasagot. hahaha.

appetite control toothpaste

nagpunta ako ng sm kahapon. sinamahan ang kaibigan at gusto raw bumili ng digicam. pagkatapos namin makabili, nag-ikot ikot kami ng konti. at natawa ako dito sobra, hindi ko napigilan na hindi kunan ng litrato.

bebenta kaya ito? helps suppress appetite and reduce food cravings! aba eh baka eto ang kelangan ko para pumayat ulet. hahaha.

quiapo

nung hs, maraming beses kong dinadaan-daanan ang lugar na to. coming from diliman and going home to batangas, dito dumaraan ang jeep na sinasakyan ko papuntang lawton, halos every weekend. dun pa kse ang bus terminal noon. hindi pa uso ang cubao. either pasay or lawton lang. at sa apat na taon na yun, hindi ata ako bumaba man lang or dumaan sa quiapo church.

a few (ay, a lot ata) more years in college passed, hindi ko rin natanawan or nadaanan ang lugar na to.

a couple of years after graduation, yun, nabisita ko na sya at last. sa may mlqu (ay tama nga ba?) kse yung board exam ng chem. eng’g na kinuha ko. that was the first time i entered quiapo church. nag-stay ako somewhere in elizondo, above the vendors ng mga piratang dibeedee. day before my board exam, yun, dun ko unang nadaanan ang underpass papuntang quiapo church. nag-try humingi ng tulong. and everyday for the next 3 days (oo, 3 days ang board exam, parusa), after ng exam, bumalik ako dun. nagpasalamat at may nasagutan, humingi ng tulong at parang medyo nahirapan nung 2nd day, at nagpasalamat ulet nung huling araw.

may ilang beses na rin ako nakabalik ng quiapo after that. at tuwing babalik ako, nage-enjoy ako (knock on wood, kse sabi nila marami rin daw mandurukot dun, ayoko naman ma-experience yun. ako pa na magnanakaw/snatcher magnet). enjoy ako panoorin ang mga matatandang (ok, may bata-bata rin) manghuhula doon. minsan nga nate-tempt ako mag-try. kaso mo, ayoko rin. baka kse bad hula ang ibigay saken eh masira pa diskarte ko sa buhay trying to avoid that bad hula. hehehe.

kanina, nagpunta na naman kami ng nanay ko doon. initial plan was ihahatid kami ng pinsan ko, then punta sila sa tito ko. kaso, ewan ko ba naman, odd hour na nga yung pagluwas namin, sobrang traffic pa rin. so my mom decided na i-drop off na lang kami sa buendia-lrt. mag-lrt na lang daw kami papuntang carriedo. duda ako kung kakayanin ng nanay ko umakyat ng lrt. 4 years nang senior citizen ang nanay ko. at nakakalungkot sabihin, kulang na kulang sya sa exercise kaya ang mga ganung kataas na akyatin na hagdan, e feeling ko, di kakayanin ng mudra. pagbaba namin ng van, tinanong ko kung sure sya na mag-lrt kami. kaya daw, basta tamang pacing lang. sige. susko, after every 3 steps ata, hingal. sabi pa nya, umuna na raw ako. sabi ko, alangan namang di ko sya alalayan. eh kung matumba sya ng wala sa oras? after 2 flights of steps, sabi ko, una na ko at medyo mahaba ang pila sa pagbili ng ticket. magdahan-dahan lang sya. sige daw. so pumila ako, nakabili ng ticket. pagpasok namin, naco, ang mudra, napaupo dun sa steps ng guard. yung tinatayuan nya para makita ang magkabilang dulo ng station. nag-advice pa si manong guard na dun daw kami sa 1st train sumakay at marami daw vacant seats dun. kaso yung na-pwestuhan namin, sa 2nd train na kami napasakay. pagpasok sa lrt train, naco, standing. wala pang 10 seconds, may mabait na babaeng nag-offer ng seat nya sa nanay ko. salamat. palagay ko nakita nya ang mukha ng nanay ko na parang lantang gulay na. ulit, salamat sayo mabait na dilag.

first went to clearance outlet ng sm. hmm. mura. nakabili ng isang pares ng sapatos na wala sa plano. namili na rin ng ibang christmas gifts para sa inaanak. next stop, lunch. mami lang daw gusto ni madam, so sakto, paglabas namin chowking. nag-mami kami pareho. sumunod, may pinagdalhan sya saken sa tindahan ng mga gamit sa kusina. naco, feeling ko, pwedeng makulong dun ng ilang taon ang kuya ko at ayos lang sa kanya. lahat ng mga pwede mong maisip na gamit sa kusina, palagay ko andun na. wala rin naman kami nabili dun. mashadong mahal kse yung mandolin na gusto sanang bilhin ng mudra. 9500 ba naman. haysus. may mga nakita pa ako dun na ceramic knives that i think my brother would love to get on christmas. hehe. di lang ako sure if the brands there are to his liking. german knives naman, so feeling ko, good quality. kung ako makakabunot sa kanya sa monito-monita namin sa family, alam ko na kung san ako bibili ng gift. hehe. to think sa gourdo’s at rustan’s kami naghanap nun at yun  sana reregalo namin sa kanya nung birthday nya last week, e wala kami makita.

next stop, another shop selling hello kitty goodies. nakabili kse kami dun last week ng slippers/sandals na mashadong malaki naman pala sa pamangkin ko. napagalitan pa ako ng mudra kse baket daw sabi ko 31 ang size ng paa ng pamangkin ko. sabi ko, yun ang alam kong size nya e. malaki daw ang 31. dapat 30 lang. so imbes na hintayin ng pamangkin ko na lumaki pa ang paa nya, pinapalitan namin. pagtingin ko kanina sa dala naming sandals, size 32. sows. ang galing ng nanay ko manisi kung bakit malaki ang sinabi kong size eh magaling pala sya sa numbers. hehe. nakabili pa sya ng isang relo ata (again, wala sa plano) para sa sarili nya. andami nya pang sinukat na relo. with matching tanong saken kung “ok ba?”. told her, i think she’s too old for hello kitty. although meron din naman designs na pang grown-up. bumili pa sya ng isang bag para sa apo nya (apo ng pinsan nya, na tito ko, na pabalik na ng canada). gala-gala ulet. may nakitang mga cute leggings for kids. perfect for one of my inaanaks. so bili na naman. hopefully before the month ends, tapos na ko sa christmas shopping ko.

may nakita syang mga accessories sa isa sa mga tindahan at nadismaya sya nang sagutin ang tanong nya kung magkano. meron na kse syang parang ganung hikaw/singsing/bangle. sobrang mura daw. tipong more than triple the price ang bili nya dati, na di nya maalala kung san nya nabili. so namili ng sangkatutak ang nanay ko.

went to another store. found really cute lighters. so namili na rin ako pangregalo sa pasko para sa mga smoker cousins ko. wanted to buy one for myself kaso, it-try ko tumigil manigarilyo sa 2011. hopefully, i’ll succeed. i’ve tried quitting once. lasted for 18 months. bumalik nang tumindi ang stress sa trabaho. hindi naman mashadong mahirap saken. kse di naman ako malakas mag-yosi talaga. malakas lang pag nasa inuman/gimik. dun ako mapapatay. so palagay ko 2 ang iiwasan ko next year. hehe.

another stop: master hopia. nagbilin ang pinsan ko, so dahil imbierna sya kahapon, bibigyan ko sya ng pampalubag loob nya. mali, bibilhan pala.

napagod din kami ng nanay ko kaya’t nagpasya nang umuwi. magjeep ba o mag-fx? mga puno ang fx, masarap sana mag-lrt ulet para mas mabilis. kaso sa carriedo parang 3 flights (of stairs) yung station. baka bumigay ng di oras si mudra, jeep or fx na lang para walang hagdan na aakyatin. naghintay rin kami ng ilang minuto bago nakasakay. swerte naman at may fx so aircon ng konti. dapat mag-bus kami pauwi. sinubukan ko itext ang kuya ko na nasa makati, baka pauwi na. sakto. uwi na raw sya in about 15 mins. so sabi ko sa mudra, sabay na lang kami kay kuya. namroblema pa kami kse hanggang buendia-lrt lang ang fx. pinaka-convenient na sana kung sa magallanes kami madaanan. di ko naman kabisado ano sasakyan ng commute (ay taxi pala no? di ko naisip agad) papunta dun. buti na lang ubod ng bait din ng kuya ko at sabi nya sunduin nya raw kami. dun daw sa may goldilocks. trobol, lakarin na naman. si mrs. senior citizen, hindi na kaya keri maglakad pa. text ulet ako kay kuya na dun na lang sa bus station ng jac liner para lesser lakarin for mrs. senior citizen. as expected, okay ang sagot ng kuya ko (sobrang bait talaga nito). ang nakakatawa? sabi nya 15 mins di ba? text agad sya, medyo traffic daw, malamang 30 mins. ang ending, more than 1 hour kami naghintay ng nanay ko. hahaha. bukod sa sobrang traffic may dinaanan pa pala sya sa market!market!

pagsundo nya samen, nagtext lang ako ng konti sa asawa ko (actually nagpaalam. sinabihan kse ako ng nanay ko na dun na lang ako matulog sa bahay nya. last 2 nights na lang daw kse ng balikbayan uncle ko e. so shemps, paalam kay mr. antuken. pumayag naman), nag-shawl at natulog na sa byahe pauwi. nakakapagod rin pala pumunta ng quiapo. to think, mga 3 or 4 na tindahan lang naman pinuntahan namin dun.

babalik ulet ako dun. pero ayoko ng ganitong panahon na maulan. medyo maputik e. sarap siguro pag tag-init. mag-people watching lang.

daddy’s little girl

that’s me. and with my daddy having his 68th birthday tomorrow, napapa-senti ako ng di oras. most of you who’ve read my blog for some time know that my dad is suffering from alzheimer’s. it’s really heartbreaking watching him most of the time. he couldn’t recognize any of us anymore. not his wife, not his siblings, not any of his kids. it’s like looking at a stranger.

he couldn’t talk. he couldn’t do stuff any normal grown-up would do. someone should be there to prepare food and watch him eat. someone should be there to ensure he drinks enough water everyday. someone’s giving him baths, dressing him up.

and i haven’t been a good daughter to him since he was struck with this disgusting disease. not once have i tried in assisting yaya or my brothers in giving him baths or trying to feed him. at first, i was scared. he was prone to having violent fits most times. especially when it was bath time. it was as if he was hydrophobic. he’s kick out, punch out, lash out at everyone. so i saw it best not to try to help. all of my 3 kuyas received hits from him. punch in the face, on the shoulder, in the stomach. which is all so unfamiliar. he has always been the soft-spoken, silent one. i think i only heard him raise his voice a couple of times only. i really seldom hear him raise his voice.

nowadays, i always greet him when i visit my mom’s house. but he just stares. that blank stare. he doesn’t recognize me anymore. i talk to him sometimes but it’s like talking into thin air. i miss my daddy so much. and the saddest thing? i wasn’t able to treat him out during fathers’ day or during his birthday. he was too sick by the time i could afford it.

every time i hear this song, naco, it brings tears to my eyes talaga.

 

 

 

esp. this one. hay naco.

 

 

happy birthday daddy. i miss you.

walang nangyayari dito araw-araw. walang nangyayari dito araw-araw, tambay rito, tambay roon. — from one of kulay’s songs (i really liked them pero nag-disband na).

yan ang drama ng buhay ko ngayon. officially, i’ve been a bum for 38 days. officially. pero actually 48 days na akong patambay-tambay. i tendered my resignation effective june 11 (last month). pero ginamit ko ang mga na-earn kong leave credits kse hindi naman babayaran yun, so june 1 was my last day at work.

kung hindi lang dahil sa pera, parang i’m loving the jobless life right now. mahirap lang kse pag walang work, walang sweldo, walang pera so hindi rin ako makabili ng mga gusto ko at di ako maka-gala ng tulad ng gusto ko. most of my friends told me to ask some from hubby. kaso ma-pride ako. hahaha. hindi. pag wala akong spending money, binibigyan naman nya ako.

when i first told my mom i was planning on resigning, her advice was that i should find another job first. that’s what i tell others also. kaso pala, when you’re tired of what you’re doing, hindi mo na iisipin yun e. shempre, i asked hubby first if it was okei for me to resign. he didn’t want a non-working wife e. nakikita naman nya that during the past months, i was too tired lagi. so okei lang with him.

when my mom asked me why i wanted to resign (i kept putting it off. likas kse sating pinoy ang nagbibigay ng konting sustento sa magulang di ba) i told her i was tired of working. ang hirap kse na parang yung oras na dapat ay ginugugol mo sa sarili mo or sa pamilya mo, hindi mo nabibigay. at binibigay mo sa trabaho. tapos at the end of the day, you still feel you haven’t satisfied your boss at parang sa loob-loob nila eh you still haven’t done enough. plus the ungodly work hours i’ve been putting isn’t helping in our wish to have a baby. hehe.

the last couple of months, i was cross trained in another position. okei naman ang work. kung tutuusin kung dun ako mapu-pwesto, pwede. kse work-life balance ok na. kaso my decision was made prior to my cross-training e. may katigasan ang ulo ko. once i’ve made up my mind. mahirap ako magbago ng desisyon.

so ngayon, eto ang drama ko. bum. day in & day out, i’m not doing anything productive. for the last year na hindi ako mashadong nakapag-tv or nakapagliwaliw, ngayon binabawi ko. last week hubby asked me if i were making any steps in finding another work. sabi ko, not yet. konting rest pa, kung pwede. besides, we plan to have another vacation end of august. i told him, kung maghanap ako ng work, tas matanggap ako, parang dyahe naman to tell them na i’ll be absent for 4 days kse magbabakasyon kami ng asawa ko. hehe.

halos araw-araw, umuuwi ako sa bahay ng nanay ko sa batangas (about 20-30 mins away from where i am now, depending on the traffic). nasabihan na nga ako ng kuya ko kung baket daw ba uwi pa ako ng uwi sa laguna e araw-araw din naman daw akong pumupunta sa kanila. told him, mas presko ang hangin ng batangas kaya ako umuuwi. at ang rason lang ng paguwi ko sa laguna ay dahil mas masarap matulog katabi ang asawa ko kesa sa nanay ko. hahaha. although my old room is still free, i could still use it anytime i wanted. kaso it hasn’t been aired. baka umakto lang ang allergies ko.

according to a friend, after about 3 months daw of bumming, magsasawa rin ako at gugustuhin ko na talaga magtrabaho ulet. sana nga. sa ngayon kse parang ninanamnam ko pa ang pagpapahinga. ang pag-gising ng medyo tanghali, at pagtulog ng late kung napapanood ako ng tv. yang mga ganyang bagay ang hindi ko nagawa ng nakaraang taon.

i’m wishing sa susunod na magiging trabaho ko, weekends are weekends and holidays are holidays. sa ngayon, nage-enjoy pa ako na walang trabaho. hindi ko naman masabing plain housewife. dahil i don’t take care of the house naman. my MIL does that. hindi rin naman ako nagluluto for hubby. inaamin ko, wala akong katalent-talent sa kusina. sa ilang beses na nagluto ako, laging matabang daw ang luto ko. my fault actually. parang may phobia kse akong tumikim ng niluluto ko. baka mapaso ang dila ko or yung ngalangala ko, eh hate ko ang ganung feeling. so pag nagluluto ako, kelangan ko ng taga tikim. according to my mom, i should use this time to try to learn a few recipes daw. sa pamilya namin, i’m the only one who doesn’t know how to cook. my mom & my brothers are great cooks. sobrang sarap nila magluto. bukod tanging ako lang ang hindi nakakuha ng ganong talento. hahaha.

even our yaya has become one great cook also. nakuha na nya ang mga technique ng nanay ko. kaya rin siguro malimit ako umuwi sa bahay ng nanay ko. kse i miss my mommy & our yaya’s cooking. the only downside sa masarap na bum life na ito, lumalapad ang katawan ko. wala kseng sumusukat ng kinakain ko. unlike when i was working —  1 cup of rice & 1 ulam lang ako. minsan may half gulay (bihira kse i don’t really like gulay much) i did exercising nung una, kaso my skin asthma’s acting up pag pinapawisan ako. so tigil muna sa ngayon ang page-exercise ko.nagbabawas na lang ako ng kain.

during my last day at work, the leadteam in the office gave me a mini-despedida. my immediate boss told me that now that i’m resigning, i’ll have more time to blog daw. hahaha. hindi lang naman oras ang kailangan para mag-blog. napagsabihan na ako ng isang blogging friend na pa-isa-isa raw ang posts ko. hindi pa kse  ako ginaganahan ulet mag-blog religiously. mas bumibisita pa ako sa blog ng ibang tao kesa mag-update or gumawa ng bagong post. malay natin, one of these days, ganahan ulet ako di ba.

lately, halos lahat na ata ng nakakasalubong ko e tinatanong ako kung ilang months na ako on the way. magandang tanong sana kung totoo ngang buntis na ako. kaso mo it’s all fat. even my mom told me (quite a number of times already) na kelangan ko raw ingatan ang tiyan ko. baka magdire-direcho daw ng paglaki eh mahirap paliitin ulet. I SO TOTALLY AGREE!!!

last christmas i gave mr. antuken a stationary bike as a gift. at ngayon, nakikigamit na rin ako. it’s only been 5 days that i’ve been using it daily. aside from that i’m also doing some tummy exercises. kahapon, nagsimula nang sumakit yung tiyan ko. according to a friend, normal lang daw yun. it’ll be painful for the next 3-5 days daw. nakupo naman.

pinagtawanan nga ako ng asawa ko the first time he saw me after a routine. ngayon lang daw nya ako nakitang pinagpawisan. admittedly hindi ako pawising tao (and that according to mr. antuken means i’m not healthy daw. ewan ko rin). ang masaklap mo nga ang pinagpapawisan kalimitan saken pag mainit ang panahon — kili-kili. kaya nga pag minsang down ang a/c sa dati kong office, natatawa saken ang mga kasama ko kse ang usual outburst ko: “shiyet! walang aircon? why didn’t they tell us agad? hindi ako nag-secret today!” hehe.

last weekend, nag-try ako magtimbang. umaga ito, pagkagising. nagulantang ako sa nakita ko. lekat, tumataginting na 110 lbs! bago pa magreact ang iba diyan at sabihing magaan na yun, coming from someone like me na kekelan lang tumuntong sa 3-digit weight (in lbs), kagulat-gulat yun. it’s not actually horrible news. kse kung tutuusin that’s my ideal weight. kaso mo, hindi bale sana na nasa ideal weight ako at kasya mga pants ko. no. that’s not the case at all.

usual naman sa office na ang fridays ay wash day di ba? meaning, no need to wear the company uniform that we wear 4 times a week. ewan ko ba kung taga-bundok or taga-probinsya mashado mga kasamahan ko sa planta. everytime i wear a skirt, parang sobrang big deal. hindi ata nakakakita na binti at hita ang mga tao sa dati kong opisina. hahaha. lately malimit ako mag-skirt. not that i want everyone ogling at my legs. the main reason? most of my pants, masikip na. so tiis ako sa pags-skirt. or dresses. although i love wearing skirts & dresses too. pero i love wearing pants more.

so eto, every morning i’m doing about 20-30 mins of tummy exercises (got it from a book i found at booksale — mejo luma na, pero hopefully, it’ll do some work, hehe), at 30 mins sa stationary bike. although today, i did the bike in the afternoon. hopefully in a couple of months, may makita akong resulta. i know… i need to cut down on my carbs also. i’m a kanin person kaya mejo hirap din ako. what does a kanin person mean? kahit bigyan mo ako ng isang pirasong tuyo, kaya ko pagkasyahin yun sa  2 rice. our lola brought us up that way. na dapat matipid sa ulam. doesn’t matter how much rice we had. sa kanya, pag kumain ka ng 2 pirasong hotdog, lamon na yun. hehe. anywhere i go nga, pag kumakain, laging 1 ulam lang ako. kse hindi ko nauubos lagi ang ulam ko. enjoy naman mga kasabay ko kse shi-ne-share ko sa kanila ang ulam ko. so pag nag 2 ulam ako (ex: gulay & meat), asahan mo, hindi ko ubos yun.

here’s hoping i could keep it up — the exercising and the rice cutdown. para naman hindi ako alaskado kay mr. antuken. i think that’s his way of telling me to keep in shape. hahaha.