Feeds:
Posts
Comments

Archive for September, 2009

i hate you jackson!

a couple of months ago, hubby came to me and asked for a name. sabi ko para saan? sabi nya meron daw puppy nagbigay sa tatay nya. the first name that came to my mind was bogart. ayaw nya. meron pa ibang mga sinabi pero ang napili nga e jackson. nakakatawa pa nga ng una kse si tatay iba ang tawag sa kanya (nakalimutan ko na kung ano). hindi naman sya nalilito, pero para maiwasan nga ang malito, tinawag na rin syang jackson ni tatay.

nung una cute sya. playful. pag padating na ang asawa ko niloloko ko si jackson na salubungin na ang tatay nya. at tuwang-tuwa naman ang mokong.

i started to hate him, when i came home and found a pair of my havs na may ngatngat. sino pa ba ang salarin e wala naman nang ibang aso sa bahay. pero sige, wearable pa rin naman yung tsinelas kahit may ngatngat nya.

then one night, i saw a pair of my sneakers na sira na rin. isa lang ang suspek. at wala nang iba kundi si jackson. pero keri pa rin. even if i hated him then, okei lang. kse my FIL and my hubby seemed to enjoy having him around.

a few weeks ago, i was searching for a pair of sandals that i wanted to wear. terno sa belt ko sana (kulay ube). pero i couldn’t find the other half. isa lang ang present. sinabi na lang ng MIL ko na nasira na daw at pinaglaruan ni jackson. so mejo tumitirik na balahibo ko sa inis di ba? nasagot ko na lang ng: SANA HO TINAPON NYO NA RIN YUNG ISA KSE WALA NANG SILBI YUNG ISA LANG.

from the 1st ngatngat incident, hindi ko na iniiwan na sahig yung mga slippers/shoes/sandals ko. i always put it on top of either a chair or on top of the shoe rack.

last night, after having dinner out, shempre, ganun ulet ginawa ko. iniwan ko na ang sandals ko on top of the chair, then i went inside, played a little in FB, then went to bed.

paglabas ko kanina, ano ang makikita ko? yung sandals na hinubad ko, ngatngat front and back. so sobrang inis ako di ba. na tipong napasigaw ako ng: PUTANGINANGJACKSONYANHA!

nagulat ang asawa ko, sabi baket daw. shempre pa, ibinato ko sa kanya yung sandals ko. pagkakita nya, kinuha nya at ipinampalo kay jackson.

the whole time, on my way to work, sooper nagkukumulo ang dugo ko. nung malapit na ko sa office, napasipa ako sa kotse. with matching mura para mailabas ng konti ang inis ko. before getting off the car, i told hubby to bring all my shoes/sandals, the whole shoe rack inside the house (andun kse sya sa may veranda e). sabi ko, hindi nyo naman itatapon yang aso na yan, ipasok mo na lang mga sapatos ko. ang sabi nya: itatali ko na lang si jackson. napasagot tuloy ako ng: baket kelangang masira nya pa ang apat na sapatos ko bago mo naisip yan! sabay BLAG ng pinto.

sobrang inis to the nth level ang lola nyo. ampanget nga kse everyone at work was greeting me “good morning” and i was all “miss groucho”! dati pa kse sinabi ko nang wag hayaang umakyat sa balcon ang asong yun. ang nakakasuya, laging shoes & sandals ko pinupuntirya ng lekat na asong yun. grrr! ang nakakainis mo pa, ang pinupuntirya nya yung mga gusto kong shoes/sandals. kainis!

jackson

Advertisements

Read Full Post »

old and grey

22082009(001)

minsan, pagkagaling ko ng trabaho, dumirecho na ako ng mcdo. pag tinatamad kse ako magluto ng agahan, at lampas 8am na ako nakakauwi (from night shift), sa mcdo na lang ako nagb-breakfast. umorder ako ng usual breakfast meal ko pag mcdo ako kumakain. isang order ng pancake and sausage meal atsaka isang hamdesal with cheese. ang drink of choice? orange juice. masarap sanang mag-kape, kaso baka hindi na ako makatulog.

dahil alone akong nag-breakfast (hubby went to work already), kalimitan ang ginagawa ko habang kumakain ay pinapanood ko ang iba pang taong nasa loob ng mcdo (read, wala pa kaming sampu ng oras na to). naaliw lang ako kse meron isang matandang lalaki na pumasok, bitbit ang 2 helmet na pula. obviously, sakay sya ng motorsiklo papunta ng mcdo. umupo sya sa isang mesa, malapit sa akin. parang may hinihintay. napaisip naman ako at nasabi sa sariling: “don’t tell me naghihintay sya ng ka-date. kse baket 2 yung helmet na bitbit nya di ba?” mukha na syang lolo. naka-shorts na asul, white na shirt at naka-rubber shoes.

diretso lang ako sa pagkain ko nang may nakita akong pumaradang SUV malapit sa harap ng bintanang kinap-pwestuhan ko. nakita ko bumaba ang 5 oldies din. 2 guys and 3 girls. tapos pumasok din sa mcdo. dun ako naaliw. kse mukhang magba-barkada pala sila ng naunang lolong napansin ko pagpasok pa lang. after a number of exchanged handshakes, pumunta silang lahat sa counter to order their breakfast.

hindi ko alam kung baket sila nagkita-kita dun. kse pagka-upo naman nila e nagbasa lang din muna sila ng mga dyaryo (kse di ba may free inquirer sa mcdo pag breakfast?). pinanood ko pa sila ng konti. hanggang sa matagal na palang ubos ang breakfast ko at naramdaman ko na ang tawag ng kama ko.nakikinita ko nga sa kanila ang nanay ko e. i’m not saying that she’s that old! pero kse yung personalidad ng nanay ko, parang feeling ko, old age won’t stop her from going out with her friends. hahaha.

napaisip lang ako. sana pagtanda ko, ganun pa rin kami ng mga kaibigan ko. paminsan-minsan magkita-kita para mag-breakfast sa mcdo. mag-kwentuhan. sa ngayon nga, sobrang bihira na kaming magkita ng mga kaibigan ko. siguro dahil mga busy na kami sa mga buhay-buhay namin.

one time, sa wake ng dad ng isa kong k-batch, kasabay namin nagpunta ang mga sis ko. isang grupo din sila from the 70s. ang mga kwento nila, yung mga anak nila eh mga nagt-trabaho na rin. wala na sila mashado pinagkakaabalahang mga anak na papasok sa school. so yung natigil daw na pag-gimik nila when they had kids, resume lang din daw kse malalaki na ang mga anak nila. sabi pa ng isa, after the wake daw, inom muna sila. o di ba nakaka-aliw? nung minsang nakasabay namin sila sa isang activity/function, taob kami kse pale pilsen ang gustong beer at hindi sanmig light. hah.

i just wish when i’m all wrinkly at panget na ang posture (read: kuba — kse i don’t drink milk. osteoporosis, here i come!) magkita-kita rin kami ng mga kaibigan ko. i’m sure, our table will be the loudest pa rin. hahaha.

Read Full Post »