mejo naging busy, kaya’t hindi mashado nakakapagsulat.kaya’t magk-kwento na lang ako nang mga nangyari saken nung nakaraang linggo.
sunday, november 18, umaga: nagising ako kse tumawag ang kuya jv ko sa kujules ko para sabihing pumunta sa bahay kse kailangan paliguan ang aking daddy. when i actually got out of the room, tapos na sya paliguan. dahil nga sa karamdaman nya, hindi sya kaya paliguan ng 1 tao lamang. i don’t get to interact with my dad much (see the things i miss about him). he doesn’t speak much either. mga words like na-na-na-na malimit ang mga nasasambit nya. atsaka ‘thank you’. at pag galit, nakakasigaw sya. pero yung tipong coherent words, words na nasasagot ka nya kapag kinakausap mo sya, bihira na mangyari yon. hindi namin sya mapapasok agad sa kwarto nya after nya maligo kse nililinis pa. so we kept him downstairs (sa taas ang kwarto nya). we tried giving him cookies para hindi mainip. my mom tried talking to him also. she asked if he still knows me (pointed at me). smile-smile lang sya. then mom said na ikakasal na raw ako. mamumulong (pamamanhikan) daw ang pamilya ng boypren ko samen later that afternoon. kung sasama daw ba sya? laking gulat ko kse sumagot sya ng: aba, shempre naman. it actually brought a few tears to my eyes. (ayan nasimulan ko ng senti mode)
sunday, november 18, tanghali – watched beowulf with my S.O. about 10 minutes into the movie, parang mejo inaantok na agad ako. hindi kse ako mashado mahilig sa mga ganitong genre ng pelikula. ngunit hindi naman ako natulog. verdict: hindi talaga ako mahilig sa ganitong klase ng pelikula. didn’t enjoy it much. pero, anseksi ni angelina jolie. (although cgi naman, pero im sure ganun talaga sya kaseksi, hehe) after the movie we went our separate ways. magp-prepare pa daw siya ng mga dadalhin nila later.
sunday, november 18, hapon – got home from the cinema around 345pm. 5pm daw ang dating ng pamilya ng antuken ko kse mamumulong na nga sila. pagdating ko, busy ang mudra. nagluluto. told her to stop what she was doing and get dressed pagka’t nagtext ang fafa, na on the way na sila. umiiwas sila sa traffic kaya’t dumating sila mga 430pm. so ang aking mapormang nanay hindi mashado nakapag-ayos. mejo masama ang loob at hindi na raw sya nakapag-make-up. ano nga ba ang ginagawa kapag namumulong? ang kabilinbilinan lang naman nila ang pagkaing dadalhin daw yung mga malalagkit para malagkit ang pagsasama. kalimitan, sa pamumulong daw ginagawa ang paguusap kung ano ang mga mangyayari sa kasal. pero dahil ako at ang antuken ko ay nasa edad na naman, kami na mismo ang nagplano. we just informed them what were the things we’ve decided on. anong date, saan, anong motif, pano ang expenses. mga ganung bagay. nung una nga sinabi ko sa nanay ko na wag na mamulong kse na-set na naman namin ang mga dapat i-set. sabi nya, ayaw daw naman nya na sa simbahan na lang sila magpangilala ng mga magiging in-laws ko. share ko na rin kung ano mga dinala nila. yan, nagpost na ko ng pic ng happy couple.
ang mga dinala nila: pansit, kaldereta, fried chicken, sinukmani (para malagkit nga daw ang pagsasama), sumang magkayakap (para lagi daw kami magkayakap), meron din ata salad. di ako sure. didn’t get to eat much eh. eto ang merging ng 2 families (mine wasn’t complete, dad wasn’t in it & my other kuya also, who had an important meeting with a client in makati).
mon-wed —-> busy with work
thursday, november 22, early morning – sobrang lakas ng ulan. baha nga sa bahay namin. but i had to leave early to go to binondo to pick what foil color i want for our invitations (stamp printing). left around 615 am, got there before 8am. wala pang 5 mins, umalis na ulet para umuwi kse had to go to the church & fill out needed forms & attend a family planning seminar (FPS) required to get a marriage license. sobrang bagyo when i left, at mejo takot pa ako mag-commute kse baka baha rin sa manila (1st time to commute going to binondo). my mom accompanied me kse kesa daw mag-worry sya about me, samahan na lang daw nya ako, kse sanay sya sa binondo. naka-longsleeves pa ako na turtleneck. plus jacket ha. lekat, pagdating ng manila. mataas ang araw. had breakfast at mcdo then uwi na agad.
thursday, november 22, tanghali to hapon – got at the church around 11am. balik na lang daw kami kse magb-break na sila eh busy pa sila orienting a couple. mejo got worried kse the FPS was at 130-330pm. baka malate kami dun. nakaka-aliw din yung clerk who assisted us in filling out the forms. memorized nya everything written dun sa forms. parang robot, giving us instructions. andami rin pala kelangan gawin para makasal. interview with the priest, pre-cana seminar, marriage banns, need to attend mass for 3 consecutive sundays (eto nakakatawa kse may letter pa talaga addressed to the priest, kelangan mag-sign sya, parang nagcheck ng attendance). sa FPS naman, okei din. at first nga, sabi ng nanay ko wag na ko mag-attend. baka may kilala daw sila dun sa health center, hihingi na lang ng certification. i wanted to attend din. malay mo kse may matutunan ako. first agenda was the RA #something (was not listening closely). a policewoman gave the talk regarding domestic abuse etc. at mga pwedeng gawin ng babae if they experience physical,verbal or mental abuse. or sexual abuse also. then the discussion about the female reproductive system, etc. different types of contraception, mga ganung bagay. the nurse who gave the seminar asked us what marriage was. no one wanted to answer. someone said it’s the legality of being together daw. laking gulat ko kse sabi nya: ikaw ineng, sa may pinto (ako na nga yun), ano ang kasal para sa yo? walang maling sagot dito. naco. mejo di ko alam ang sasabihin ko. nasabi ko na lang na it’s a commitment between two people who love each other to stay together. tapos she asked: for how long? and i continued: for the rest of their lives. aba, feeling ko, isang batang nabigyan ng star ng teacher when she said: that’s the perfect definition. hmmn. may sense din pala akong tao. haha.
saturday, november 24, pa-gabi – went to the mananahi to take our measurements (my mom, mine & part of the entourage — not everyone could make it). i knew na what i wanted for my gown even before we bought the fabrics. nagtatalo na naman kami ng mom ko kse she wanted me to wear gloves. eh it’s so not me. sabi ko wala ako plano mag-gloves. mejo pissed off sya. pagbigyan na nya ko. kasal ko to. may ruling nga pala ang church na hindi pwede ang tube, spaghetti strap, halter, backless, assymetric tops. if we wanted that, we should have either a shawl or a bolero. mejo di pa ko decided kung anong style ng bolero ko (kse spaghetti strap ang damit ko) so i told her to leave it last muna. maghahanap pa ako ng design/style. tried on the veil. as usual, argument with my mom again. i wanted it kse na sooper simple. parang tipong pinatong lang sa ulo ko. ayaw nya. gusto nya parang layered. to add the effect of height daw. sabi ko, i won’t need it. konti lang kse ang tangkad ng boyf ko saken. here’s the fabrics we’ll be using…
after that, we went home. my cousin’s were here (every other weekend they spend it here) so we played poker. as usual talo na naman ako. bihira lang naman ako manalo. (before going to bed pala, watched prisonbreak season 3 and heroes season 2. imbes na magpahinga, nagpuyat pa panonood ng piratang american shows. pagbigyan nyo na. crush ko kse si wentworth miller at milo ventimiglia — nung gilmore girls days pa)
Read Full Post »