may 1 was not a holiday for us at work. we swapped it with may 2 para long weekend. ang ginawa ko naman, pumunta ng sss para magpa-ID… dahil nga nagpalit na ako ng name at status, kailangan yun… i actually tried doing that last month… madugo pala pumunta ng sss… katakot ang pila…
i. a little backgrounder
i tried processing my sss immediately after i got my marriage cert… i submitted a change status form… they told me to wait about a month before trying to apply for an ID. i have to wait for my status to be changed in the system daw. so that was what i did. so last month, check naman ako online kung bago na ang surname ko… at pag-click ko nga, ayun, lumabas na married name ko na nga ang naka-reflect. okei. so plano na ako ng pagpapa-ID. they have another form you need to submit — E6– bago ma-piktyuran. when i got to sss calamba (the nearest one from my office or home), i was a little happy kse walang pila, when i entered the building, i wasn’t stopped by the guard, and no number was issued to me. yun pala, offline ang system. so that any verification couldn’t be done. the girl at the counter told me to wait a while. minsan daw, nago-online din. so i waited for about an hour, i think. tapos, naverify din. balik daw ako the next monday (friday nung nagpunta ako). pagbalik ko, i asked the guard for a number for id capture. sabi sira daw. i asked kung sa susunod na araw ba magagawa na. ang sagot ng pa-cute na guard: “try mo next month.” (kasuya ha).
hindi na ulit ako nakabalik. kse busy-busy-han sa work. kaya nung nagpa-sign na swap ng holiday, sign agad ako. naisip ko kse, tamang-tama. i could process my sss id.
ii. scenario at sss (day 1)
nakapunta ako, mga 1230pm. (prior to this, pinatawagan ko ang sss lipa kung pwede dun ako magpa-id kse sira ang camera sa sss calamba, yes naman ang sagot saken). direcho na ako sa guard (i hate manlait, pero dahil imbiyerna ako sa kanya, ampanget at ang itim itim nya!).
antuken: number po for id capture (bitbit si E6 form)
guard: ay, verification pa yan (sabay abot ng verification slip. at ang number? 280!)
antuken: na-verify na ito sa sss calamba. magpa-id lang po ako dito kse sira camera sa calamba.
guard: oo nga. kailangan pa rin iverify yan.
antuken: baket po? e na-verify na nga? para saan pa yung pag-verify sa calamba?
guard: o sige miss, pumunta ka sa counter 1.
when i got to counter 1, i showed the form. at ang sagot ng tao sa counter 1 (guy in pink), hingi na daw ako ng number for id capture. balik ako kay swanget na guard.
antuken: number na daw po for id capture.
guard: (tiningnan si E6 form ko) eh dapat nga iverify pa yan. hindi naman naverify eh.
antuken: ang sabi mo saken, itanong ko sa counter 1 di ba? yun ang ginawa ko. at ang sabi ng lalaking naka-pink, humingi na raw ako ng number sa yo.
guard: eh ojt lang yun.
antuken: malay ko ba. wala namang naka-uniporme dun.
guard: (kinukuha si form ko) akina na.
antuken: baket? san mo dadalhin? sasama ako.
imbierna talaga. nakipagtalakan pa ako sa loob ng sss. telling them that i don’t understand why i have to go through the process of verification AGAIN. eh nagawa ko na yun. i was told to come back a couple of times by sss calamba but their camera’s still not fixed. i called up different sss branches and asked. and their office — sss lipa, said it was okei to have my id done there. eniwei, fastforward — hindi na ako naghintay ng 280, lumapit ulet ako at nagtanong kung makukunan ba ako ng picture, otherwise uuwi na lang din ako. so vinerify ni sss teller. bayad ng fee. sinabihan ako na hingi ng number kay guard.
antuken: id capture number daw po.
guard: huh! vinerify din pala ito.
(sa loob loob ko lang: HINDI BA OBVIOUS! HELLO! MAY PIRMA AT TATAK NA RECEIVED! F*CKER!) hindi na ako umimik, kse pag nagsimula ako, talak galore na naman. ang number ko? 65!
cute. number 31 pa lang ang pinipiktyuran. hintay hintay ang beauty ko. at nung number 55 na, nasambit ko sa sarili ko: YES! 10 NA LANG! nang biglang…
sss photographer: hintay hintay lang po tayo, nag-offline po ako.
antuken to self: nakanam… wala naman ako balat sa pwet ah… minamalas ata…
hintay ng 30 minutes… sabi ni photographer, hopeless daw. system wide down daw ang id capture (if i know, baka uwing-uwi na sya kse biyernes, gimik night! grrr!)
ang ending? ano pa, eh di back to square one na naman. kailangan daw bumalik ng monday. start from zero ulet. ang galing sa sss di ba?
sa ka-imbiernahan ko, dumiretso ako ng grocery store. gagawa ako ng ref cake! my first attempt at trying to make anything! cookies & cream ang drama ng ref cake ko. my mom helped me in whipping the cream, mixing the other ingredients. it was my niece/god daughter’s birthday the following day (happy birthday tish!) at sabi ko, kung wala sya cake, pwedeng yung refcake ko na lang. eto ang itsura…
shempre, i was a little scared ipakain sa mga tao (although kami-kami lang din naman ang nasa birthday-an), but a little excited too to hear what they thought about my first ever attempt (at making anything! hehe).
pagdating ng kuya keats ko, i asked him to take a slice and tell me what he thought (kakabog kabog ang dibdib ko ng mga panahon na ito). at ang sabi nya…
kuya keats: masarap. kaya lang dapat dinagdagan mo pa ang filling in-between layers. pero masarap sya, pwede ko iuwi ang kalahati! hehe.
shempre, natuwa naman ako. kahit may onting pula, ang importante nasabing masarap sya! yes! nasabi pa nga ng friend ko na baket daw hindi kay kujules ko pinatikman. sabi ko, mas takot ako sa komento ni kuya keats. besides, wala si kujules. nagba-badminton. para sa kaalaman ng iba, ang kuya jules ko ang mahilig magluto samen. pinangarap na talaga nya maging chef noon pa. at masarap sya magluto. andaming arte. sayang, di ko nakuha opinyon nya.
monday nga pala ay bumalik ako ng sss. pero ibang kwento na yun…sa susunod…
Read Full Post »