badoodles, naco, sinabi ko sayo talagang crammer ako. up to the last minute tsaka ako sasali sa project lafftrip laffapalooza mo. i so wanted to join agad pagka-post mo. kaso mo, naisip ko antagal pa ng deadline. di ako sanay na anlayo pa ng deadline eh tapos na ko. major crammer ako eh. sabagay, if i voted then, iba na magiging boto ko sa ngayon. eniwei, heto na ang mga blog na talaga naman nakakapagpatawa sa kin…
(actually, kung hindi naman ikaw ang may pakana nito, ikaw ang namberwan. kaso mo nga ikaw, so di ka na valid na kandidato—- at hindi paninipsip yan ha)
1. sino nga ba ang una? sa totoo lang mahirap pumili eh. pero top na siguro sa boto ko ang greenpinoy.com. baket kamo? mababaw lang naman akong tao e. pero sa kanya, talagang humahagalpak ako ng tawa. ang nage-enjoy pa akong isa eh ang interaction ng mga readers nya. mantakin mong magkameron ng forum ang mga tinatawag na “greenies”. pero sa totoo lang, mas nakakatawa sya sa personal.
2. pangalawa na ang walang kakupas kupas sa kasungitang si mighty jon cabron. antipatiko ang dating ng entries nya pati na rin ang comments, pero sa kada bibisitahin ko sya, susko, hanga ako sa humor ng entries. actually reality with a touch of humor ang pag-classify ko sa blog nya. minsan, nakumentuhan na ako ng kasama ko sa trabaho na para daw akong baliw. totally quiet one moment tapos humahagalpak ng tawa the next second. eh nakatingin lang naman daw ako sa monitor. what can i say? funny is synonymous to jon cabron.
3. ang puno ng ka-hada-han (hahaha). ang palasyo ng reyna elena. queen of social climbing to the highest level ito. truliling enjoy ako bumisita sa blog nya. very generous at truly funny sa personal rin. nung una, naririnig rinig ko lang sya. pero ngayon kasama na sya sa mga lagi kong binibisita. tamad nga lang mag-kumento minsan. pero aliw na aliw ako sa kanya.
4. ang walang kakupas-kupas sa kaseksihang si sexy mamaru. isa sa mga una kong naging blogging friend. actually, sya ang kauna-unahang blogger na na-meet ko (except for those related to me, shempre). i never thought na petite sya. kahit sa personal susko, enjoy kasama. yung mga posts nya minsan (ay malimit, pala) malimit may mga censored words, pero keber, talagang aliw ako bumisita sa bahay nya.
5. ang blog na hindi nakikita (invisible daw kse). mahaba kalimitan ang mga posts nya. pero wag ka, aliw talaga akong magbasa ng posts nya. pati mga pagsagot nya sa mga comments ng readers nya, naaaliw ako.
baket naman kse 5 lang dapat. mahirap na proseso ang pagpili ng 5 funniest blogs ha. marami pa akong gustong idagdag. kaso mo magiging void ang votes ko kung sosobra.
baket nga ba ako sumasali? dahil ba sa nokia n70? hindi, kse ganun ang binigay ng opisina namin sa akin (ang bait ng company na pinagt-trabahuhan ko ano?). dahil sa cybershot? naco lalong hindi. mabait ang pinsan ko, niregaluhan na nya ako ng digicam nung kasal ko. dahil sa salaping pa-premyo? hindi rin. masaya na ako sa estado ko sa buhay ngayon e. although being 15K richer is not bad. hehe. o, eh baket nga ba ako sumasali. wala naman. suporta lang sa isang kaibigan. pareng badoodles, kung iba nagpasimuno nito, baka di ako sumali. pero dahil malakas ka saken. eto na ang entry ko.
dapat sa 20 ko pa talaga ito gagawin. kaya lang busy ako sa 20. baka makaligtaan ko. 😉
weeee!!! hahaha! salamat sa lahat nang totoong sinabi mo saken! hehehe! ika-kwadro ko yan!
sa totoo lang ateng, galing ako sa golf country club, humataw nang golf, marunong ba ako? hindi. andun ako para maki-social climb hehehe tsaka maraming kahoy, baka me maligaw dun sa kahuyan ehehe
ahahaha. ano ka ba, dito kalimitan gurangski ang nag-g-golf. hehe. may na-social climb ba? sabi ni twitter mo wala. hehe.
uy salamat! .. at mwaaah!
aba, may kiss pa. hehe.
salamat sa pagboto antuken…akala ko nga eh nakaboto ka na noon..hehe!
yung 15k na price pwede ng panggastos pag may eb. sobra sobra pa.
aba, saktong pandagdag yun sa alkansya ko. hehe.
Puro magagaling ang tatalong blogs na napili mo. Congrats sa kanilang lahat.
maraming tenkyu mareng antuken. importante sakin ang boto mo dahil superprens tayo.
at dahil superprens tayo, lulubus-lubusin ko na ang pangmomolestiya sau. wala kasi akong dti representative [buti tinanong mo], kung pwedeng sau ko ipadala ung listahan ng mga bumoto, pakirambol rambol na lang, lagyan ng rapol number bawat isa tapos ung ‘final list na may rapol number’ paki-send out sa email sa at least limang participant or nominee tulad nina maru, greenpinoy, atbp. except sakin. kailangang di ko malaman kung anong rapol number ng sumali. ako kasi ang bubunot ng mananalo thru electronic rapol. saka ko lang hihingin sau ung final list pag may nabunot na akong rapol number. pwede ba un? mwahugs.
anything for you my badoodles! hahaha. ay mali kay bebe mo pala ikaw. email mo na. hehehe. ay, excited na ako. hihihi.
hays…mapapatawad mo kaya ako kung ngayon lang ako bumisita sa blog mo?
alam mo naman ako…madaming shooting, pictorials, presscon, at taping na ginagawa. minsan parang ayoko na sa buhay-showbiz ko.
nways, maraming salamat sa boto. iba na talaga ang CLOSE. kahit di mo sinuhulan…boboto at boboto talaga. labyu! mwaah!
oi, may kapalit yan. hahaha.
chonagurls!!!! 🙂 ngayon ko lang nakita to! shet salamat naman sayo ng bonggang bongga!!! 🙂 mwahhhhhhhh!!!
susko. ang tanging kalaban mo sa numberwan ay si badoodles. hehehe. actually truth ang sinabi ko diyang mas funny ka sa personal. sobra. parasan pang naging greenie ako? hahaha.
wow… mareng antuken!
(nakiki-mare na rin e no? hehe)
ano po bang number ko
sa electronic raffle draw?
kasi naman,
may number naman
talaga na kong inaalagaan kaso
simula’t sapul na tayaan
ko yung number na yun
sa LOTTERY sa saudi eh
for 3 1/2 years…
HINDI AKO TUMAMA KAHIT RAMBOL!!!
kaya magaantay na lang ako
sa ibibigay mung numero
baka kasi ikaw
yung swerte para sakin.. hehehehe