Feeds:
Posts
Comments

Archive for the ‘random thoughts’ Category

quiapo

nung hs, maraming beses kong dinadaan-daanan ang lugar na to. coming from diliman and going home to batangas, dito dumaraan ang jeep na sinasakyan ko papuntang lawton, halos every weekend. dun pa kse ang bus terminal noon. hindi pa uso ang cubao. either pasay or lawton lang. at sa apat na taon na yun, hindi ata ako bumaba man lang or dumaan sa quiapo church.

a few (ay, a lot ata) more years in college passed, hindi ko rin natanawan or nadaanan ang lugar na to.

a couple of years after graduation, yun, nabisita ko na sya at last. sa may mlqu (ay tama nga ba?) kse yung board exam ng chem. eng’g na kinuha ko. that was the first time i entered quiapo church. nag-stay ako somewhere in elizondo, above the vendors ng mga piratang dibeedee. day before my board exam, yun, dun ko unang nadaanan ang underpass papuntang quiapo church. nag-try humingi ng tulong. and everyday for the next 3 days (oo, 3 days ang board exam, parusa), after ng exam, bumalik ako dun. nagpasalamat at may nasagutan, humingi ng tulong at parang medyo nahirapan nung 2nd day, at nagpasalamat ulet nung huling araw.

may ilang beses na rin ako nakabalik ng quiapo after that. at tuwing babalik ako, nage-enjoy ako (knock on wood, kse sabi nila marami rin daw mandurukot dun, ayoko naman ma-experience yun. ako pa na magnanakaw/snatcher magnet). enjoy ako panoorin ang mga matatandang (ok, may bata-bata rin) manghuhula doon. minsan nga nate-tempt ako mag-try. kaso mo, ayoko rin. baka kse bad hula ang ibigay saken eh masira pa diskarte ko sa buhay trying to avoid that bad hula. hehehe.

kanina, nagpunta na naman kami ng nanay ko doon. initial plan was ihahatid kami ng pinsan ko, then punta sila sa tito ko. kaso, ewan ko ba naman, odd hour na nga yung pagluwas namin, sobrang traffic pa rin. so my mom decided na i-drop off na lang kami sa buendia-lrt. mag-lrt na lang daw kami papuntang carriedo. duda ako kung kakayanin ng nanay ko umakyat ng lrt. 4 years nang senior citizen ang nanay ko. at nakakalungkot sabihin, kulang na kulang sya sa exercise kaya ang mga ganung kataas na akyatin na hagdan, e feeling ko, di kakayanin ng mudra. pagbaba namin ng van, tinanong ko kung sure sya na mag-lrt kami. kaya daw, basta tamang pacing lang. sige. susko, after every 3 steps ata, hingal. sabi pa nya, umuna na raw ako. sabi ko, alangan namang di ko sya alalayan. eh kung matumba sya ng wala sa oras? after 2 flights of steps, sabi ko, una na ko at medyo mahaba ang pila sa pagbili ng ticket. magdahan-dahan lang sya. sige daw. so pumila ako, nakabili ng ticket. pagpasok namin, naco, ang mudra, napaupo dun sa steps ng guard. yung tinatayuan nya para makita ang magkabilang dulo ng station. nag-advice pa si manong guard na dun daw kami sa 1st train sumakay at marami daw vacant seats dun. kaso yung na-pwestuhan namin, sa 2nd train na kami napasakay. pagpasok sa lrt train, naco, standing. wala pang 10 seconds, may mabait na babaeng nag-offer ng seat nya sa nanay ko. salamat. palagay ko nakita nya ang mukha ng nanay ko na parang lantang gulay na. ulit, salamat sayo mabait na dilag.

first went to clearance outlet ng sm. hmm. mura. nakabili ng isang pares ng sapatos na wala sa plano. namili na rin ng ibang christmas gifts para sa inaanak. next stop, lunch. mami lang daw gusto ni madam, so sakto, paglabas namin chowking. nag-mami kami pareho. sumunod, may pinagdalhan sya saken sa tindahan ng mga gamit sa kusina. naco, feeling ko, pwedeng makulong dun ng ilang taon ang kuya ko at ayos lang sa kanya. lahat ng mga pwede mong maisip na gamit sa kusina, palagay ko andun na. wala rin naman kami nabili dun. mashadong mahal kse yung mandolin na gusto sanang bilhin ng mudra. 9500 ba naman. haysus. may mga nakita pa ako dun na ceramic knives that i think my brother would love to get on christmas. hehe. di lang ako sure if the brands there are to his liking. german knives naman, so feeling ko, good quality. kung ako makakabunot sa kanya sa monito-monita namin sa family, alam ko na kung san ako bibili ng gift. hehe. to think sa gourdo’s at rustan’s kami naghanap nun at yun  sana reregalo namin sa kanya nung birthday nya last week, e wala kami makita.

next stop, another shop selling hello kitty goodies. nakabili kse kami dun last week ng slippers/sandals na mashadong malaki naman pala sa pamangkin ko. napagalitan pa ako ng mudra kse baket daw sabi ko 31 ang size ng paa ng pamangkin ko. sabi ko, yun ang alam kong size nya e. malaki daw ang 31. dapat 30 lang. so imbes na hintayin ng pamangkin ko na lumaki pa ang paa nya, pinapalitan namin. pagtingin ko kanina sa dala naming sandals, size 32. sows. ang galing ng nanay ko manisi kung bakit malaki ang sinabi kong size eh magaling pala sya sa numbers. hehe. nakabili pa sya ng isang relo ata (again, wala sa plano) para sa sarili nya. andami nya pang sinukat na relo. with matching tanong saken kung “ok ba?”. told her, i think she’s too old for hello kitty. although meron din naman designs na pang grown-up. bumili pa sya ng isang bag para sa apo nya (apo ng pinsan nya, na tito ko, na pabalik na ng canada). gala-gala ulet. may nakitang mga cute leggings for kids. perfect for one of my inaanaks. so bili na naman. hopefully before the month ends, tapos na ko sa christmas shopping ko.

may nakita syang mga accessories sa isa sa mga tindahan at nadismaya sya nang sagutin ang tanong nya kung magkano. meron na kse syang parang ganung hikaw/singsing/bangle. sobrang mura daw. tipong more than triple the price ang bili nya dati, na di nya maalala kung san nya nabili. so namili ng sangkatutak ang nanay ko.

went to another store. found really cute lighters. so namili na rin ako pangregalo sa pasko para sa mga smoker cousins ko. wanted to buy one for myself kaso, it-try ko tumigil manigarilyo sa 2011. hopefully, i’ll succeed. i’ve tried quitting once. lasted for 18 months. bumalik nang tumindi ang stress sa trabaho. hindi naman mashadong mahirap saken. kse di naman ako malakas mag-yosi talaga. malakas lang pag nasa inuman/gimik. dun ako mapapatay. so palagay ko 2 ang iiwasan ko next year. hehe.

another stop: master hopia. nagbilin ang pinsan ko, so dahil imbierna sya kahapon, bibigyan ko sya ng pampalubag loob nya. mali, bibilhan pala.

napagod din kami ng nanay ko kaya’t nagpasya nang umuwi. magjeep ba o mag-fx? mga puno ang fx, masarap sana mag-lrt ulet para mas mabilis. kaso sa carriedo parang 3 flights (of stairs) yung station. baka bumigay ng di oras si mudra, jeep or fx na lang para walang hagdan na aakyatin. naghintay rin kami ng ilang minuto bago nakasakay. swerte naman at may fx so aircon ng konti. dapat mag-bus kami pauwi. sinubukan ko itext ang kuya ko na nasa makati, baka pauwi na. sakto. uwi na raw sya in about 15 mins. so sabi ko sa mudra, sabay na lang kami kay kuya. namroblema pa kami kse hanggang buendia-lrt lang ang fx. pinaka-convenient na sana kung sa magallanes kami madaanan. di ko naman kabisado ano sasakyan ng commute (ay taxi pala no? di ko naisip agad) papunta dun. buti na lang ubod ng bait din ng kuya ko at sabi nya sunduin nya raw kami. dun daw sa may goldilocks. trobol, lakarin na naman. si mrs. senior citizen, hindi na kaya keri maglakad pa. text ulet ako kay kuya na dun na lang sa bus station ng jac liner para lesser lakarin for mrs. senior citizen. as expected, okay ang sagot ng kuya ko (sobrang bait talaga nito). ang nakakatawa? sabi nya 15 mins di ba? text agad sya, medyo traffic daw, malamang 30 mins. ang ending, more than 1 hour kami naghintay ng nanay ko. hahaha. bukod sa sobrang traffic may dinaanan pa pala sya sa market!market!

pagsundo nya samen, nagtext lang ako ng konti sa asawa ko (actually nagpaalam. sinabihan kse ako ng nanay ko na dun na lang ako matulog sa bahay nya. last 2 nights na lang daw kse ng balikbayan uncle ko e. so shemps, paalam kay mr. antuken. pumayag naman), nag-shawl at natulog na sa byahe pauwi. nakakapagod rin pala pumunta ng quiapo. to think, mga 3 or 4 na tindahan lang naman pinuntahan namin dun.

babalik ulet ako dun. pero ayoko ng ganitong panahon na maulan. medyo maputik e. sarap siguro pag tag-init. mag-people watching lang.

Advertisements

Read Full Post »

walang nangyayari dito araw-araw. walang nangyayari dito araw-araw, tambay rito, tambay roon. — from one of kulay’s songs (i really liked them pero nag-disband na).

yan ang drama ng buhay ko ngayon. officially, i’ve been a bum for 38 days. officially. pero actually 48 days na akong patambay-tambay. i tendered my resignation effective june 11 (last month). pero ginamit ko ang mga na-earn kong leave credits kse hindi naman babayaran yun, so june 1 was my last day at work.

kung hindi lang dahil sa pera, parang i’m loving the jobless life right now. mahirap lang kse pag walang work, walang sweldo, walang pera so hindi rin ako makabili ng mga gusto ko at di ako maka-gala ng tulad ng gusto ko. most of my friends told me to ask some from hubby. kaso ma-pride ako. hahaha. hindi. pag wala akong spending money, binibigyan naman nya ako.

when i first told my mom i was planning on resigning, her advice was that i should find another job first. that’s what i tell others also. kaso pala, when you’re tired of what you’re doing, hindi mo na iisipin yun e. shempre, i asked hubby first if it was okei for me to resign. he didn’t want a non-working wife e. nakikita naman nya that during the past months, i was too tired lagi. so okei lang with him.

when my mom asked me why i wanted to resign (i kept putting it off. likas kse sating pinoy ang nagbibigay ng konting sustento sa magulang di ba) i told her i was tired of working. ang hirap kse na parang yung oras na dapat ay ginugugol mo sa sarili mo or sa pamilya mo, hindi mo nabibigay. at binibigay mo sa trabaho. tapos at the end of the day, you still feel you haven’t satisfied your boss at parang sa loob-loob nila eh you still haven’t done enough. plus the ungodly work hours i’ve been putting isn’t helping in our wish to have a baby. hehe.

the last couple of months, i was cross trained in another position. okei naman ang work. kung tutuusin kung dun ako mapu-pwesto, pwede. kse work-life balance ok na. kaso my decision was made prior to my cross-training e. may katigasan ang ulo ko. once i’ve made up my mind. mahirap ako magbago ng desisyon.

so ngayon, eto ang drama ko. bum. day in & day out, i’m not doing anything productive. for the last year na hindi ako mashadong nakapag-tv or nakapagliwaliw, ngayon binabawi ko. last week hubby asked me if i were making any steps in finding another work. sabi ko, not yet. konting rest pa, kung pwede. besides, we plan to have another vacation end of august. i told him, kung maghanap ako ng work, tas matanggap ako, parang dyahe naman to tell them na i’ll be absent for 4 days kse magbabakasyon kami ng asawa ko. hehe.

halos araw-araw, umuuwi ako sa bahay ng nanay ko sa batangas (about 20-30 mins away from where i am now, depending on the traffic). nasabihan na nga ako ng kuya ko kung baket daw ba uwi pa ako ng uwi sa laguna e araw-araw din naman daw akong pumupunta sa kanila. told him, mas presko ang hangin ng batangas kaya ako umuuwi. at ang rason lang ng paguwi ko sa laguna ay dahil mas masarap matulog katabi ang asawa ko kesa sa nanay ko. hahaha. although my old room is still free, i could still use it anytime i wanted. kaso it hasn’t been aired. baka umakto lang ang allergies ko.

according to a friend, after about 3 months daw of bumming, magsasawa rin ako at gugustuhin ko na talaga magtrabaho ulet. sana nga. sa ngayon kse parang ninanamnam ko pa ang pagpapahinga. ang pag-gising ng medyo tanghali, at pagtulog ng late kung napapanood ako ng tv. yang mga ganyang bagay ang hindi ko nagawa ng nakaraang taon.

i’m wishing sa susunod na magiging trabaho ko, weekends are weekends and holidays are holidays. sa ngayon, nage-enjoy pa ako na walang trabaho. hindi ko naman masabing plain housewife. dahil i don’t take care of the house naman. my MIL does that. hindi rin naman ako nagluluto for hubby. inaamin ko, wala akong katalent-talent sa kusina. sa ilang beses na nagluto ako, laging matabang daw ang luto ko. my fault actually. parang may phobia kse akong tumikim ng niluluto ko. baka mapaso ang dila ko or yung ngalangala ko, eh hate ko ang ganung feeling. so pag nagluluto ako, kelangan ko ng taga tikim. according to my mom, i should use this time to try to learn a few recipes daw. sa pamilya namin, i’m the only one who doesn’t know how to cook. my mom & my brothers are great cooks. sobrang sarap nila magluto. bukod tanging ako lang ang hindi nakakuha ng ganong talento. hahaha.

even our yaya has become one great cook also. nakuha na nya ang mga technique ng nanay ko. kaya rin siguro malimit ako umuwi sa bahay ng nanay ko. kse i miss my mommy & our yaya’s cooking. the only downside sa masarap na bum life na ito, lumalapad ang katawan ko. wala kseng sumusukat ng kinakain ko. unlike when i was working —  1 cup of rice & 1 ulam lang ako. minsan may half gulay (bihira kse i don’t really like gulay much) i did exercising nung una, kaso my skin asthma’s acting up pag pinapawisan ako. so tigil muna sa ngayon ang page-exercise ko.nagbabawas na lang ako ng kain.

during my last day at work, the leadteam in the office gave me a mini-despedida. my immediate boss told me that now that i’m resigning, i’ll have more time to blog daw. hahaha. hindi lang naman oras ang kailangan para mag-blog. napagsabihan na ako ng isang blogging friend na pa-isa-isa raw ang posts ko. hindi pa kse  ako ginaganahan ulet mag-blog religiously. mas bumibisita pa ako sa blog ng ibang tao kesa mag-update or gumawa ng bagong post. malay natin, one of these days, ganahan ulet ako di ba.

Read Full Post »

lately, halos lahat na ata ng nakakasalubong ko e tinatanong ako kung ilang months na ako on the way. magandang tanong sana kung totoo ngang buntis na ako. kaso mo it’s all fat. even my mom told me (quite a number of times already) na kelangan ko raw ingatan ang tiyan ko. baka magdire-direcho daw ng paglaki eh mahirap paliitin ulet. I SO TOTALLY AGREE!!!

last christmas i gave mr. antuken a stationary bike as a gift. at ngayon, nakikigamit na rin ako. it’s only been 5 days that i’ve been using it daily. aside from that i’m also doing some tummy exercises. kahapon, nagsimula nang sumakit yung tiyan ko. according to a friend, normal lang daw yun. it’ll be painful for the next 3-5 days daw. nakupo naman.

pinagtawanan nga ako ng asawa ko the first time he saw me after a routine. ngayon lang daw nya ako nakitang pinagpawisan. admittedly hindi ako pawising tao (and that according to mr. antuken means i’m not healthy daw. ewan ko rin). ang masaklap mo nga ang pinagpapawisan kalimitan saken pag mainit ang panahon — kili-kili. kaya nga pag minsang down ang a/c sa dati kong office, natatawa saken ang mga kasama ko kse ang usual outburst ko: “shiyet! walang aircon? why didn’t they tell us agad? hindi ako nag-secret today!” hehe.

last weekend, nag-try ako magtimbang. umaga ito, pagkagising. nagulantang ako sa nakita ko. lekat, tumataginting na 110 lbs! bago pa magreact ang iba diyan at sabihing magaan na yun, coming from someone like me na kekelan lang tumuntong sa 3-digit weight (in lbs), kagulat-gulat yun. it’s not actually horrible news. kse kung tutuusin that’s my ideal weight. kaso mo, hindi bale sana na nasa ideal weight ako at kasya mga pants ko. no. that’s not the case at all.

usual naman sa office na ang fridays ay wash day di ba? meaning, no need to wear the company uniform that we wear 4 times a week. ewan ko ba kung taga-bundok or taga-probinsya mashado mga kasamahan ko sa planta. everytime i wear a skirt, parang sobrang big deal. hindi ata nakakakita na binti at hita ang mga tao sa dati kong opisina. hahaha. lately malimit ako mag-skirt. not that i want everyone ogling at my legs. the main reason? most of my pants, masikip na. so tiis ako sa pags-skirt. or dresses. although i love wearing skirts & dresses too. pero i love wearing pants more.

so eto, every morning i’m doing about 20-30 mins of tummy exercises (got it from a book i found at booksale — mejo luma na, pero hopefully, it’ll do some work, hehe), at 30 mins sa stationary bike. although today, i did the bike in the afternoon. hopefully in a couple of months, may makita akong resulta. i know… i need to cut down on my carbs also. i’m a kanin person kaya mejo hirap din ako. what does a kanin person mean? kahit bigyan mo ako ng isang pirasong tuyo, kaya ko pagkasyahin yun sa  2 rice. our lola brought us up that way. na dapat matipid sa ulam. doesn’t matter how much rice we had. sa kanya, pag kumain ka ng 2 pirasong hotdog, lamon na yun. hehe. anywhere i go nga, pag kumakain, laging 1 ulam lang ako. kse hindi ko nauubos lagi ang ulam ko. enjoy naman mga kasabay ko kse shi-ne-share ko sa kanila ang ulam ko. so pag nag 2 ulam ako (ex: gulay & meat), asahan mo, hindi ko ubos yun.

here’s hoping i could keep it up — the exercising and the rice cutdown. para naman hindi ako alaskado kay mr. antuken. i think that’s his way of telling me to keep in shape. hahaha.

Read Full Post »

labor day

gusto ko lang alalahanin… back in college, meron kaming running joke ng mga naging kaibigan ko sa engineering… april 9 was a holiday (it always is) and one friend asked:

baket nga ba holiday ang april 9???

one answered, mayabang pa ha..

HELLO!!! LABOR DAY!!!

ahahaha. comedy.

i’ll be enjoying the long weekend. just bumming around the house today. tomorrow, i’ll go out with friends i haven’t seen in a while. and monday, bumming around again. dream ko lang yan. still have work to finish. pero dahil natural crammer ako, i’ll probably finish/do it on monday. hahaha.

Read Full Post »

2009

another year’s ending and a new one will start in a few hours. hopefully 2010 will be better for all of us. i’m wishing that in 2010, i’ll have more time for myself. i’m wishing for a baby. and i’m wishing that my foot will get better.

2009 has been a busy year for me. nawala ang time ko to blog, to visit blogs i love reading (although quite a number of the blogs i go to doesn’t have that much updates either — busy rin kaya sila?), and to go out with blogging friends. my five-day workweek became a six-day one. and at a number of times i work 7 days a week. was it worth it? obviously not. mas yumaman ba ako working those ungodly hours? definitely not. pareho lang ang bayad ko when i work 5 days a week and 6 or 7 days a week.

i wanna look forward to lousy days on the beach. walang cellphone to disturb you in any time of the day. mahiga lang sa beach, magbasa ng libro, have a couple of bottles of sooper ice cold beer and have some smokes. i wish i could have that sa 2nd anniversary namin ni mr. antuken. kaso, ngayon pa lang, alam kong hopeless wish. i don’t think my boss would allow me to go on a break knowing that on those dates, we probably have an audit by TUV.

is it right to wanna retire as early as 33? i didn’t have this feeling last year. baket ngayon biglang parang i’m sooo tired. christmas break? holidays? ano yun?

i went out with my long-time friends a few weeks ago. late ako sa napag-usapang oras. tapos, i had to retire earlier than them, kse i was too sleepy (woke up real early to get to work e). sadly i also had to wake up early the next  day, kse may work pa rin. the catching up i was hoping for didn’t happen much.

christmas night was a good time to have a few beers with my cousins sana. or play poker. kaso, wala rin. had to work the next day. eto ba ang work na gusto ko? i think i’m too old to go and look for another job. tomorrow will be another year. hopefully when 2009 goes away, it takes away these feelings i’m having lately with it.

Read Full Post »

old and grey

22082009(001)

minsan, pagkagaling ko ng trabaho, dumirecho na ako ng mcdo. pag tinatamad kse ako magluto ng agahan, at lampas 8am na ako nakakauwi (from night shift), sa mcdo na lang ako nagb-breakfast. umorder ako ng usual breakfast meal ko pag mcdo ako kumakain. isang order ng pancake and sausage meal atsaka isang hamdesal with cheese. ang drink of choice? orange juice. masarap sanang mag-kape, kaso baka hindi na ako makatulog.

dahil alone akong nag-breakfast (hubby went to work already), kalimitan ang ginagawa ko habang kumakain ay pinapanood ko ang iba pang taong nasa loob ng mcdo (read, wala pa kaming sampu ng oras na to). naaliw lang ako kse meron isang matandang lalaki na pumasok, bitbit ang 2 helmet na pula. obviously, sakay sya ng motorsiklo papunta ng mcdo. umupo sya sa isang mesa, malapit sa akin. parang may hinihintay. napaisip naman ako at nasabi sa sariling: “don’t tell me naghihintay sya ng ka-date. kse baket 2 yung helmet na bitbit nya di ba?” mukha na syang lolo. naka-shorts na asul, white na shirt at naka-rubber shoes.

diretso lang ako sa pagkain ko nang may nakita akong pumaradang SUV malapit sa harap ng bintanang kinap-pwestuhan ko. nakita ko bumaba ang 5 oldies din. 2 guys and 3 girls. tapos pumasok din sa mcdo. dun ako naaliw. kse mukhang magba-barkada pala sila ng naunang lolong napansin ko pagpasok pa lang. after a number of exchanged handshakes, pumunta silang lahat sa counter to order their breakfast.

hindi ko alam kung baket sila nagkita-kita dun. kse pagka-upo naman nila e nagbasa lang din muna sila ng mga dyaryo (kse di ba may free inquirer sa mcdo pag breakfast?). pinanood ko pa sila ng konti. hanggang sa matagal na palang ubos ang breakfast ko at naramdaman ko na ang tawag ng kama ko.nakikinita ko nga sa kanila ang nanay ko e. i’m not saying that she’s that old! pero kse yung personalidad ng nanay ko, parang feeling ko, old age won’t stop her from going out with her friends. hahaha.

napaisip lang ako. sana pagtanda ko, ganun pa rin kami ng mga kaibigan ko. paminsan-minsan magkita-kita para mag-breakfast sa mcdo. mag-kwentuhan. sa ngayon nga, sobrang bihira na kaming magkita ng mga kaibigan ko. siguro dahil mga busy na kami sa mga buhay-buhay namin.

one time, sa wake ng dad ng isa kong k-batch, kasabay namin nagpunta ang mga sis ko. isang grupo din sila from the 70s. ang mga kwento nila, yung mga anak nila eh mga nagt-trabaho na rin. wala na sila mashado pinagkakaabalahang mga anak na papasok sa school. so yung natigil daw na pag-gimik nila when they had kids, resume lang din daw kse malalaki na ang mga anak nila. sabi pa ng isa, after the wake daw, inom muna sila. o di ba nakaka-aliw? nung minsang nakasabay namin sila sa isang activity/function, taob kami kse pale pilsen ang gustong beer at hindi sanmig light. hah.

i just wish when i’m all wrinkly at panget na ang posture (read: kuba — kse i don’t drink milk. osteoporosis, here i come!) magkita-kita rin kami ng mga kaibigan ko. i’m sure, our table will be the loudest pa rin. hahaha.

Read Full Post »

1. 8-hrs of sleep. working on a 6am schedule, kulang na lang lagi ang tulog ko. my sked’s supposed to be from 6am to 4pm, 5 days a week (compressed workweek). nasusunod ba yun? lately, hindi. most of the time, i’m at work from 6am to 6pm, or later than that. kaya nga wala na kaming QT ni hubby. pagdating ko from work, i’ll eat dinner tapos, tutulog na. i don’t even watch tv anymore.

2. ice-cold beer in the company of friends. medyo matagal-tagal na rin ang huli naming pagkikita ng mga kaibigan ko (mga december pa yun). we couldn’t work out our schedules eh. my friend rhods’ rest days are mon/tues. shempre naman the rest of us have work on those days. kaka-miss mag-inom kasama ang mga balahura kong kaibigan. kala ko nga last thursday baka pwede kaming mag-couples man lang. but my other friend redj said she’s out-of town daw. work-related. haay.

3. comfy pants. lately lang, napansin ko, sumisikip na ang mga pantalon ko. oo. it’s a sign na tumataba na ako. i have two options para ma-resolba ito. one is to buy new pairs of pants (na magastos, besides ano naman gagawin ko sa mga luma di ba?) and the other —- exercise. madaling sabihin, ngunit mahirap gawin. i didn’t even consider dieting. wala yun sa bokabularyo ko. masarap kumain. i thought i was blessed kse kahit gano kalakas kong lumamon, di ako tumataba. i guess some good things never last. pinagbabayaran ko na yata lahat ng katakawan ko nung medyo bata pa ako.

4. divisoria — ewan ko ba kung baket, pero gusto ko lang namimili sa lugar na ito. kaso mo, wala na ngang panahon. plus, wala na rin naman space ang closet ko for newer stuff. at least nakatipid ako di ba.

5. yaya’s cooking. hindi naman sa sinasabi kong hindi masarap ang pagkain sa bahay namin. pero nami-miss ko ang luto ni yaya talaga. siguro blessing in disguise na rin. kse kung hindi baka mas tumaba pa ako ngayon.

6. wearing flip-flops. bawal naman kse sa work. so yung mga flip-flops, tsinelas at sandalyas, naco, inaagiw na sa shoe rack.

7. the beach. i need a vacation. badly. i think.

8. cafe breton’s vesuve. parang nagc-crave ako neto. tsk. salungat ang sked namin ni hubby. di ko maaaya mag-breton (the nearest one is in paseo sta. rosa) spontaneously.

9. FBM (full body massage) — ahhh, just thinking about having one makes me wanna go to the spa immediately. kaso, oras. oras ang wala ako. tsk tsk.

10. long warm baths — dahil early ang pasok, i set my alarm at 345am (in time for my 6am work sked). kaso i keep on snoozing kaya mga 430 na ko minsan nagigising. ang resulta, speed ligo lagi. once or twice a week na nga lang ako nakakapag-hilod e (yes, yung bato ang gamit ko. i grew up using one. yun ngang panghilod ko sa bahay ngayon eh kinuha ko talaga sa bahay namin—bahay ng nanay ko pala). tsk tsk. laging dali-dali sa pagligo para di ma-late. haay.

Read Full Post »

Older Posts »